JAKE’S POV
PINAPANOOD KO SI ERINA NAKATINGIN SA MALAYO. Hindi ko akalain na ang simpleng bagay katulad ng ganoon ay nakakaaliw tingnan. Ako si Jake, 18 na taong gulang. Madalas akong magbakasyon sa Tita Marissa ko na matandang dalaga sa Rizal kapag walang pasok sa eskwela. Nasa ibang bansa ang aking mga magulang at ang tanging kasama ko lang sa bahay ay ang mga kasambahay na matagal ng nagtatrabaho sa aming pamilya. Dahil nag-iisang anak lang ako, madalas akong nag-iisa sa lahat ng bagay. Mabuti na lang at nakilala ko si Myra noong unang beses akong magbakasyon sa bahay ni Tita Marissa.Nagkaroon ako ng kausap at isang little sister.
Katulad ng aking mga mommy at daddy, nais ko rin sumunod sa yapak nila. Pareho ang mga ito na nasa medical field.Kaya naman ang kursong clinical medicine ang kinukuha kong kurso sa kolehiyo.Nakaka-stress, pero masaya ako sa pinag-aaralan ko. Idagdag pa na iyon din ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Mataas ang tingin ng ibang tao sa pamilya namin. In short, dahil doon ay may expectation sila agad sa akin. My parents loved me subalit malayo ang mga ito.Ilang beses na rin akong inayang doon na lang magpatuloy sa pag-aaral ngunit hindi ako pumayag.
Pakiramdam ko, dito sa Pilipinas ang tunay na tahanan ko. Dito ako magtatapos ng pag-aaral bago ako susunod sa ibang bansa. Ang goal ko lang ay ang maabot ang pangarap kong maging doktor.
Hanggang sa makilala ko si Erina. Kaibigan ito ni Myra na anak ng amo ni Tita Rosita. Bigla akong nailang nang mapagmasdan ang maamo nitong mukha yet very attractive. Kung tutuusin, marami na siyang nakilalang mga magagandang babae sa pinapasukan kong eskwelahan pero iba yata ang dating niya sa akin. Ang kasimplehan ni Erina at ang mala-singkit na mga mata nito kapag ngumingiti ay hindi ko matagalang tingnan. May kung anong init na tila nagpapakapal sa aking mukha. “Jake, ang ganda ni Erina no?”Natigil ako sa pagmumuni-muni ng kalabitin ako ng Myra. Naglalakad sila sa kalsada patungo sa bahay ni Lola Feliza.
“Ha?” maang kong tanong. Hindi ko maapuhap ang tamang salita.
“Ikaw talaga Jake, hindi ka marunong magkunwari,”nakangiting sabi ni Myra. “Halata naman sa mukha mo nagugustuhan mo siya eh. Ngayon lang kita nakitang ganyan.”
“Paano mo naman nasabi?” Pinipigilan ko ang mapangiti.
“Asus! Hindi ko naman kailangang maglihim sa akin. Parang Kuya na kita eh.” Malakas niya akong siniko. “Ako nga na babae, sobrang nagagandahan sa kanya eh. Ikaw pa kaya?”
“Oo na. Maganda naman kasi talaga siya pero…” Natigilan ako sa pagsasalita ng mapagtantong nasa gate na pala kami. Nagpasama ako kay Myra na dalhin ang empanada na niluto ni Tita Marissa.
Ramdam kong biglang nag-iwas ng tingin si Erina sa akin kaya minabuti kong iabot kay Lola Feliza. Nahihiya akong alukin siya kaya hindi ko siya magawang tingnan. Parang kayhirap na salubungin ang mga tingin nito dahil baka… hindi ko mapigilan itong titigan. Baka lalo lang akong iwasan.
“Masarap ito, Jake pakibigyan nga si Erina.” Narinig kong utos ni Lola kaya wala akong ibang choice kung hindi alukin ito. Ayoko sanang tumingin sa mga mata nitong tila nababasa ang laman ng isip ko. Ilang segundo ko rin tinitigan ang Tupperware na may lamang empanada bago ko sa kanya iabot. Sa pagsilay ng ngiti nito ay hindi ko na mapigilang hindi na rin mapangiti. Gumaan ang pakiramdam ko kahit pa ilang libo-libong boltahe ng kuryente ang mabilis na dumadaloy sa aking katawan. “Nakakakuryente pala ang makakita ng katulad ni Erina,”sambit ko sa aking isipan.”Kulang na lang ng wire na magdudugtong sa aming dalawa.”
“Hoy!”Bigla akong napalingon sa pinagmulan ng boses. “Ano ‘yong narinig ko na sinasabi mo na ang isang tulad mo ay dapat alayan ng pag-ibig na pang-habang buhay.”Nakalapit na pala at pumagitna na si Myra sa malaking bato na kinauupuan namin ni Erina. “Nanliligaw ka na ba kay Erina?”Ramdam niya ang saya sa mukha ng tinuturing na kapatid.
Saglit akong napatingin kay Erina na bakas ang mga ngiti sa labi kahit pa nakayuko ito. Ang buhok nitong marahang gumagalaw dahil sa malamig na hangin ay maituturing kong isang magandang tanawin at nais kong gawin isang pang-matagalang alaala sa aking isipan. Nang lumingon ito ay nagtama ang mga mata namin na nangungusap sa bawat isa.Kung ano man ang iyon ay ang mga damdamin namin ang tunay na nakakaalam.
“Baka nakakalimutan ninyo na may kasama kayo,” sabi ni Myra na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. “Nililigawan mo na agad si Erina, Jake?” Muling tanong nito.
Napabuga siya ng hangin bago sumagot. ”Myra, masaya ako na malapit na kami sa isa’t isa. Sana ganoon din ang nararamdaman ni Erina.” Nagtagpo ang aming mga mata ngunit agad ako nagbawi ng tingin. Nakakailang. Nakakahiya.
“Masaya rin ako,” tugon ni Erina. “Thanks Myra.” Humilig ito sa balikat ng nagsisilbing tulay sa pagitan naming dalawa.
MYRA’S POV
AKO SI MYRA, 16 NA TAONG GULANG. Nang magtrabaho si Nanay sa pamilyang Montero ay naiwan ako sa Lola Feliza ngunit ipinahatid ako ni Lola dahil sa sobrang lungkot ko sa bahay. Ulila na kasi ako sa ama kaya si Nanay na lang ang nag-iisang bumubuhay sa akin. Mabuti na lang at mabait ang amo niyang sina Maam Marian at Sir Andrew.Sobrang bait din ng nag-iisang anak ng mga ito na si Erina. Kasing-edad ko si Erina ngunit maaga ilang taon din siyang tumigil dahil sa paglipat-lipat ng eskwelahan.
Pumasok agad sa isip ko si Jake na matanda sa akin ng dalawang taon. Palagay ko kasi ay bagay na bagay ang dalawa. Parehong mabait at higit sa lahat parehong mga artistahin.Parang nakatatandang kapatid ko Jake samantalang parang isang tunay na kapatid na babae naman ang turing ko kay Erina. Naglalaro sa isipan ko na darating ang panahon na magkakatuluyan ang mga ito at ako ang magiging maid of honor. Ang saya naman pag ganoon.
Nang makita ko silang nag-uusap ay agad akong napangiti. Kumaway pa ako kay Erina na nakatingin din pala sa akin. Kausap ko kasi ang mga dating kaibigan kaya iniwanan ko silang dalawa. Ang ganda pa naman ng view sa overlooking kahit malakas ang hangin. Tiyak kong darating ang oras na mas magiging malapit pa ang mga ito sa isa’t isa.Kapag nangyari iyon ay ako ang unang-una na magiging masaya para sa mga ito. Isang Jake Sebastian na pangarap ang maging isang doctor at isang Erina na gusting sumunod sa yapak ng mga magulang nito sa larangan ng business.Walang itulak kabigin ang dalawa kaya para sa akin sila ang nararapat para sa isa’t isa. Sana nga hindi ako nagkamali sa instinct ko. Pakiramdam ko talaga ako ang kupido na handang pumana sa dalawang tao na malapit sa aking puso.
“Mas masaya ako na makita kayong masaya,” sabi ko. Nasa overlooking pa rin kami. Kahit na nasa gitna ako ay ramdam na ramdam ko ang malalagkit na tinginan nilang dalawa gayundin ang ngiti ng mga ito na tila senyales na nagsisimula ng sumibol ang pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa.
“Ah, Erina. Gusto mo bang maglakad-lakad?” narinig kong tanong ni Jake.
“Ha? Saan naman tayo maglalakad-lakad?”
“Doon oh,” turo ni Jake sa isang malaking bato. “Mas kita doon ang malalayong tanawin.”
“Jake, saang bato kayo pupunta?”
“Hindi mo ba kami sasamahan?” si Jake.
“Sasama. Hindi ko naman pwedeng iwan sa iyo si Erina no?”
“Bakit mukha ba akong masamang tao?”
“Hindi naman. Siyempre ako ang kasama ni Erina kaya dapat lang na kasama niya ako. Hindi pa siya sanay dito eh.”
“Alam ko naman iyon. Binibiro lang kita.”
“Tara na Erina,” aya ko sa sabay hawak sa kamay ng babaeng pinakamaganda sa paningin ko at siyempre sa paningin ni Jake sa mga oras na iyon.
Parang gusto ko magtatalon sa tuwa o mas tamang sabihin na dahil sa kilig? Ewan ko ba kay Erina at Jake dahil unang kita pa lang ng mga ito ay tila maymagnet na namamagitan sa dalawa. Parang matagal na silang magkakilala. First time kong nakitang ganoon si Jake sa isang babae at ganoon din si Erina sa isang lalaki.
Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito na hindi alintana na nakakalikha na ng munting sariling mundo. Tipong walang pakialam sa paligid at sa ibang tao. Naiintindihan ko naman iyon kaya lang naninibago pa rin dahil madalas ako ang kausap ni Erina at Jake pero ng magkakilala na sila ay ako na ang walang kausap. Tsk. Tsk. Tsk.
Napapailing na lang pero sa puso ko ay masaya ako. Masayang-masaya para sa dalawa kong kaibigan. Hindi ko muna sila hahayaan na maging close agad kasi baka gawin na nila akong itsapwera. Bigla tuloy akong natawa sa iniisip ko.
“Myra, tara dito,” tawag sa akin ni Jake. Nakahalata siguro na naa-out of place ako sa kanila.
“Bakit?” sagot ko.
“Iniiwanan mo kami eh.”
“Oo na, andiyan na nga eh. Papunta na ako kahit na chaperon ninyo lang ako.”
“Ano’ng sabi mo?” tanong ni Erina.
“Wala! Kayo talaga ang daming ninyong naririnig! Papunta na nga eh!” Mahihinang tawa lang ang narinig kong tugon mula sa dalawa. Itong dalawa na ito talaga! Pinakikilig ako eh! Kagigil talaga eh!