Chapter 2
One Month Later
Gylien's POV
Nagising ako dahil sa iyak ni Strawberry, my daughter. Samantalang si Bobby naman ay mahimbing ang tulog. Katabi ni Tandang ang crib dahil nga doon niya talaga nilagay. Gumapang naman ako papunta sa crib nang dahan-dahan, baka kasi magising ang panget na 'to. Habang gumagapang ako ay napatingin ako sa bukol ng shorts niya. Saglit akong napatigil at napatingin doon. Para kasing gumagalaw ito. Napatakip naman ako sa bibig ko dahil bigla niya itong hinawakan at kinamot ng bahagya. Baka siguro’y may nakapasok na insekto sa loob ng brief niya.
Oh my gosh! Natauhan lamang ako dahil naalala ko si Strawberry, kailangan ko pala siyang puntahan. Baka kailangang palitan iyong diaper niya. Hindi ko na lang pinansin ang nakita ko. Dumiretso na ako at kaagad na binuhat si Strawberry. Napangiti naman ako dahil napakagandang anghel nito. I can’t help myself from kissing the tip of her nose. Pagkamaya-maya'y tumahan din ito.
"Berry, bakit kaya gumagalaw ang snake ni Tandang, eh tulog naman siya?" tanong ko kay Berry na animo'y sasagutin ako nito. Napangiti naman ako dahil ngumiti siya. Pinalitan ko na muna ang diaper niya at habang ginagawa ko 'yon ay nakatulog siya. Binalik ko na ito sa crib, napatingin naman ako sa wall clock. 2:30 am na pala, humikab naman ako sandali at bumalik sa pwesto ko. May nakaharang namang unan sa gitna namin kaya komportable akong matutulog.
Naalala ko tuloy na simula nang manganak ako eh hindi ko na siya nakita pa na nambabae. Mabuti naman 'yon dahil kung hindi, hmp! Baka ako na mismo ang puputol sa putotoy niya. Gugupitin ko talaga 'yon ng gunting! Bumuntong hininga naman ako at mas dinagdagan pa ang unan na nakaharang sa gitna namin. Napatingin naman ako sa kanya at lalong lalo na sa snake niya na bumubukol. Tinitigan at binantayan ko ito saglit, hindi naman na siya gumagalaw. Humiga na lang ako ulit at ipinikit ang mga mata ko.
"Oh!"
Napabalikwas naman ako sabay bangon bigla dahil umungol si Tandang. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil doon. Baka sinasapian ito ng masamang espiritu! Kagaya na lang sa napanood ko nang nakaraan sa pelikula.
"Hmmm,” he moaned. Nakita ko naman ang paggalaw ng sandata niya. Kaagad ko namang kinuha ang baseball bat sa ilalim ng kama. Dalawa kasi 'to eh, mayroon din ako sa kusina. Pang self defense ko kasi 'to sa kanya kapag nagkataon. Nang makuha ko na ito ay bumalik ako sa kama at dahan dahang tinusok gamit ang baseball bat iyong gumagalaw niyang sandata.
"Hmm," he moaned again. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan dahil gumalaw ulit ito. Hinampas ko ulit ito nang mahina.
"Ah! F*ck!"
Napabalikwas ito ng bangon at tila'y namimilipit sa sakit. Matalim naman itong napatingin sa 'kin.
"What the hell have you done?" masungit na reklamo nito.
"I-Iyong sandata m-mo. G-Gumagalaw iyan, t-tapos umuungol ka!" nauutal kong saad dahil sa kaba. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil sa nasaksihan. Saglit naman itong napatingin sa'kin na tila'y binabasa ang iniisip ko. Pagkamaya-maya'y bigla itong tumawa. Baliw ba siya? Tama nga ang hinala ko, sinasapian siya!
"Damn you, Inahing manok. You look innocent even though you're not a virgin anymore."
Kaagad naman nitong hinawi ang mga unan kaya nalaglag 'yung iba sa sahig. Gumapang naman ito papalapit sa 'kin kaya napaatras ako.
"H-Huwag kang lalapit sa 'kin! H-Hampasin kita ng baseball bat kapag ginawa mo!" pagbabanta ko sa kanya at mas lalo naman itong tumawa at mabilis na hinatak ang baseball bat mula sa kamay ko. Napahiyaw naman ako dahil hinila nito ang mga paa ko kaya napalapit ako sa kaniya. Kaagad siyang kumubabaw sa 'kin kaya mas lalo akong kinabahan.
"Manang Estelita!" I screamed. Bigla namang lumapat ang labi nito sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakagalaw dahil doon. Unti-unting gumalaw ang mga labi niya kaya kaagad ko siyang tinulak but he pinned my hands above my head.
"Huwag kang sumigaw, natutulog ang mga anak natin," he said, using his husky voice. "So, you're staring at my huge hotdog while I'm sleeping, huh? You, Naughty Chicken! Aish, you're making me feel more handsome and sexy than before," he chuckled.
"U-Umuungol ka, T-Tandang," mas lalong lumakas ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nauutal.
"It's because, I dreamed making out with a woman. That's it!"
Saglit itong napatitig sa labi ko. Napalunok ako dahil doon. Pansin ko rin na parang pinagpapawisan ako ng malamig. "Uhm, you're my wife. I can make out with you. It's been years since I did it with a woman."
Kaagad naman nitong hinubad ang shirt niya habang nakakubabaw pa rin sa'kin while not breaking his hot and lustful stares at me. Gusto ko siyang itulak palayo pero bakit nakatulala lang ako sa kanya?
"Please cooperate with me, Inahing Manok. I want another baby," seryosong sambit nito sa'kin. Napahikab naman ulit ako. "Darn it! Huwag na nga lang. Matulog ka na."
"Ah!" napahiyaw naman ako dahil sinakluban niya ang mukha ko gamit ang kumot.
"Hinaan mo ang boses mo," reklamo sa'kin nito at nahiga ulit sa puwesto niya. Hindi ko na rin napigilan pang ipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
____
Nagising ako dahil sa mabangong amoy na sinisinghot ko. Pamilyar ang amoy na 'to sakin ah. Kaagad kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang sarili kong nakayakap kay Tandang habang ang mukha ko ay nakadikit sa dibdib niya. Nakayakap din sa'kin ito habang nakadantay ang paa niya sa balakang ko. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang kamay niya at paa upang makaalis doon na hindi siya nagigising.
Hindi ako pwedeng dumikit sa panget na 'to. Nakakainis! Bakit kasi tinanggal niya pa 'yong mga unan na nilagay ko sa gitna? Nang tuluyan na akong makaalis sa bisig niya'y 'tsaka ko naalala ang nangyari kagabi. Did he just kiss me? Oh my gosh! Kailangan kong mag mouthwash! Dali-dali akong pumunta sa CR at nag toothbrush ng dalawang beses at nag-mouthwash.
Naligo na rin ako at nagbihis. Paggising ko'y kinuha ko na si Bobby dahil ito ang unang nagising. Kaagad ko siyang binuhat at nag-breastfeed na ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na makita sa umaga ang mga little angel ng buhay ko. Mabuti na lang talaga at sa'kin nagmana itong mga anak ko. Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan si Bobby. After a minute of breastfeeding ay tumigil na rin ito.
"Can I taste your milk too?" parang batang tanong nito sa’kin kaya napaigtad ako sa gulat dahil doon. Paglingon ko'y nasa tabi ko na pala si Tandang na nakatitig sa dibdib ko.
"Sira ulo ka! Lumayas ka nga dito!" inis na saad ko habang tinitignan siya gamit ang matatalim na mga mata.
"Ang damot mo! I just want to taste it, come on!"
"Ayaw ko nga! Bahala ka sa buhay mo!" I replied. Inirapan ko pa siya at kaagad na tumingin kay Bobby.
'Baby cries'
Sabay naman kaming napalingon nang umiyak si Strawberry. Dali-dali naman itong kinuha ni Tandang sa crib.
"Tumahimik ka na lang kasi para wala ng away! Iyan tuloy, pati si Berry nagugulat," medyo inis kong pangaral sa kanya. Medyo bobo din kasi itong asawa ko. Hindi na lang din ito sumagot, mabuti nga ‘yon.
"I think, Berry is hungry," wika niya kaya kaagad kong pinahiga sa higaan si Bobby at lumapit sa kanya para kunin si Berry. Binigay niya rin sa'kin ito. Kinuha niya naman si Bobby at kinarga. Nag-breastfeed na rin ako kay Berry.
"How does your mom's n*****s and milk taste like, Bobby?" he asked, "uhm, I will find out soon," sambit nito at humalik sa pisngi ng baby ko.
_____
Five Years Later
Happy birthday to you!
Happy birthday to you!
Happy Birthday, Happy birthday!
Happy Birthday To you!
Nagpalakapakan naman ang mga bisita. Today's February 1, and it's my twin babies birthday. Nandito kami ngayon ni Tandang sa harap ng mahabang Lamesa habang karga-karga ang anak namin. Sa loob ng limang taon ay never akong na in love sa panget na 'to. Lagi nga kaming nag-aaway at hindi nagkakasundo.
"Happy Birthday, Aurelia Andra and Aiken Asher!" sabay-sabay nilang bati at nagpalakpakan ulit. Buhat buhat ko si Bobby at si Berry naman ay buhat ni Tandang. Si Aurelia Andra ay ang tunay na pangalan ni Strawberry at Aiken Asher naman 'yung kay Bobby.
"Blow your candles now, Sweeties," malambing kong saad. Hinipan naman nila nang sabay ang kanilang cakes. Iyong cake ni Bobby ay kulay yellow at may mga litrato ni Spongebob kaya nga tuwang-tuwa ako. Iyong kay Strawberry naman ay may strawberries at strawberry cookies.
"Mommy, can we go to Freed and Amanda? I wanted to play with them," tanong ni Strawberry sa'kin kaya nagkatinginan kami ni Tandang.
"Sure, Baby."
Binaba na namin nang sabay ang mga bata at nagtatakbo na ito papunta sa anak ni Bell at ni Levi.
"Bobz!" she called me. Napalingon naman ako kay Bell na naglalakad patungo sa'kin habang kasama si Levi.
"Bell!" I happily responded. Tumakbo naman ako papunta sa kanya at niyakap siya.
"Eyy, Dude! Missed me?"
Kaagad namang yumakap si Tandang kay Levi pero tinulak lang siya nito na tila'y nandidiri. Pftt, bagay nga sa kanya! Hinila ko na lang din papalayo doon si Bell at dinala sa tahimik na bahagi ng bahay namin. Sa likurang bahagi kung saan ay may pinatayo akong maliit na garden na may mga tables and benches na pwedeng upuan.
"I miss you, Bell. It's been one year since we've met. Kamusta ang bakasyon niyo ni Levi sa Paris? Nag ano ba kayo?" kinikilig kong tanong at kaagad namang namula ang pisngi ni Bell.
"Oh My Gosh!" tili ko sabay hampas sa mesa dahil sa kilig.
"How about you, Bobz? Nag-aaway pa rin ba kayo ni Lucas?" bakas ang kuryosidad sa boses nito.
"Oo! Sinabi mo pa, nakakainis talaga ang panget na 'yon! Walang araw na hindi ako naiinis sa kanya!"
"Nambabae pa rin ba siya? Tell me, Bobz!" medyo nagulat ako sa reaksiyon ni Bell kaya napangiti naman ako at pinulupot ang braso ko sa braso niya.
"Hindi na, Bell. Simula nang manganak ako, hehe. Patay na patay kaya sa'kin 'yon. Sa ganda ko ba naman eh hindi siya mapapaibig?" I tell her confidently. Humagikhik pa ako dahil sa tuwa. Bumuntong hininga naman si Bell dahil sa sinabi ko. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa napagdesisyunan naming bumalik na lang din sa party.
Nang makarating kami roon ay nagpaalam na si Bell sa'kin dahil baka hinahanap na raw siya ni Levi. Patuloy lang ang celebration dito sa pool area ng bahay namin ni Tandang. Nakita ko naman sina Tita at Mommy na nag uusap habang hawak-hawak ang kupita na may lamang wine. Nandito din sina Tito Antonio at Tito William kasama ang mga asawa nila.
Karga-karga naman ni Tito William si Bobby at si Tito Antonio naman ay karga si Berry. Ang sarap lang nilang tingnan. Hindi ko rin napigilang mapangiti dahil alam kong masaya si Spongebob para sa'kin. Napagdesisyunan ko na lang na kumain dahil nagugutom na ako. Hindi ko rin napigilan ang pagkanta nang paborito kong kanta sa buong mundo.
Spongebob squarepants!
Spongebob squarepants!
Spongebob! Square Pants!
"Wah!" napaigtad din ako sa gulat nang nabangga ko ang lalaking umiinom ng wine kaya natapon ito sa coat niya. "S-Sorry!" I apologized. Nataranta ako at kaagad na kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang coat niya.
"It's fine. I mean, I’m fine,” he comforted me. Saglit akong natigilan dahil doon. Napakapormal nitong saad at puno ng awtoridad. Napatingala naman ako dahil matangkad siya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil kilala ko siya! Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang 'to.
"Hey, nice to meet you again," seryosong pagbati nito at hindi man lang ngumiti.
"Tama! Ikaw nga 'yung lalaking may kaparehong hugis sa bibig ni Tandang!" napatitig pa ako sa labi nito. Siya 'yong lalaking nakabangga ko noong sinamahan namin ni Tandang si Issay para sa swimming lesson niya.
"I'm Patrick Alcantara. It's my pleasure to meet you," pormal na pagpapakilala nito at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Kaagad ko naman itong hinawakan at nagtatalon sa tuwa.
"Kaibigan ka ni Spongebob! Oh my gosh! Where have you been all my life, Patrick?" pansin ko ang pagkagulat sa mukha nito. Hindi ko rin napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Patrick! Kamusta ka na? Namimiss ka na ni Spongebob!”
"W-Wait, what are you talking about?" naguguluhang tanong nito. Bumitaw naman ako sa pagyakap at kaagad na hinawakan ang dalawa niyang mga kamay at tinitigan siya sa mata. Medyo nagulat si Patrick dahil doon, hehe.
"Look, alam kong nagulat ka, Patrick. Pasensiya ka na ah, masaya lang talaga kasi akong na-meet ko ang isa sa mga kaibigan ni Spongebob! Siguro pinadala ka niya rito no?" masayang wika ko at tinusok-tusok ko pa ang tagiliran niya, hihi.
"Inahing Manok!"
Saglit naman akong napatigil at napatingin kay Tandang na kakarating lang. Hays, kahit kailan talaga eh panget siya sa paningin ko.
"Oh, bakit?" inis kong bungad sa kanya at binitawan na ang kamay ni Patrick. Nakatingin naman ng matalim si Tandang kay Patrick kaya nainis ako. "Huwag mo ngang tingnan ng ganyan si Patrick! Kung galit ka kay Spongebob, huwag mo siyang idamay!" pagpapaintindi ko pa sa bobo kong asawa. Sarap bigawasan eh.
"Who the hell are you?" maangas na tanong nito kay Patrick.
"Siya nga si Patrick, bingi ka ba?" depensa ko sa kaibigan ni Spongebob at ipinulupot ang braso ko sa braso niya. Kaibigan ko naman si Spongebob eh, kaya tinuturing ko na rin siyang kaibigan.
"Hi, I'm Patrick Alcantara," pagpapakilala nito kay Tandang. Kaagad naman akong napabitaw dahil bigla ako nitong hinila at niyakap sa bewang mula sa likod. "Hoy, alam kong patay na patay ka sa'kin. Pero puwede ba, umalis ka na muna kasi marami pa akong itatanong kay Patrick."
"Shut up!" supladong singhal niya sa’kin.
"I gotta go. See you soon, Inahing Manok," pagpapalam ni Patrick.
"Patrick, sandali lang!" tawag ko sa kanya. Saglit itong napatigil at napatingin sa'kin. Siniko ko naman si Tandang kaya napabitaw siya sa ginagawa. Sira ulo talaga!
"I'm Gylien Lixa Ramos, hehe."
"Uhm, sorry, Gylien,” paghingi nito ng paumanhin.
"You! How dare you copy my endearment to her?" parang batang sira ulo na sabi ni Tandang kay Patrick habang dinuduro ito.
"Tumahimik ka nga diyan!" inis na saad ko at nilapitan si Tandang ‘tsaka binatukan.
"Aw, the hell!" reklamo nito at hinimas himas ang batok. Paglingon ko'y wala na si Patrick. Kainis!
"Kasalanan mo 'to eh! Sana nandito pa si Patrick kung hindi ka dumating! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hindi nga kita type! Mag move on ka na lang sa 'kin, please lang!" inikot ko pa ang mga mata ko sa inis. Kaagad naman ako nitong hinatak papalayo doon hanggang sa napadpad kami sa likuran banda nitong bahay namin. Dito kami kanina tumambay ni Bell.
"We will talk! Hindi puwedeng makita tayong nag-aaway ng mga anak natin, remember?"
"I know, sadyang nakakainis ka kasi eh! I know that you’re in love with me, pero please, huwag mong pagselosan si Patrick."
"What the heck! Hindi kita gusto, never! Most of all, I'm not jealous! Nakaka-turn off ka kaya lalo na ang tawa mo," pangungutya nito sa'kin.
"Mag d-deny ka pa eh! You know what, hindi ka lang panget eh! Sinungaling ka rin! Kitang-kita ko kung paano ka nagselos kaya please lang, huwag ako!" I rolled my eyes and flip my hair na parang isang Diyosa.
"Damn you! You’re crazy! Aish!" he let out a deep sigh first, before talking again. "I told you, mag-uusap tayo," mahinahong pagpapaalala sa’kin nito.
"Are you deaf? Nag-uusap na tayo ah!" pagsusungit ko pa. Umupo naman ako sa upuan habang nakabusangot. Nakakainis! Kung hindi lang talaga dahil sa mga anak namin, binugbog ko na 'to. Umupo rin ito sa tabi ko na tahimik lang.
"Look, we need to fix this misunderstanding of us as soon as possible. I don't want our children to see us shouting with each other.”
"How can we fix this, then?" I ask out of nowhere habang iniisip kung kamusta na si Spongebob.
"Uhm, tell me, bakit galit na galit ka sa'kin?" ramdam ko pa rin ang iritasyon sa boses niya kahit na alam kung pinipigilan niya lang ang sarili niya. Tumawa muna ako ng sarcastic dahil tinatanong niya pa talaga kung bakit.
"Dahil sa pagmumukha mong panget. Tapos palagi mo pang inaaway at nilalait si Spongebob," walang ganang tugon ko.
"What the hell! Look, Inahing Manok! Ano ba ang meron diyan sa hayop, Aish! I mean, why are you obsessed with Spongebob?" halata namang pinipigilan lang nitong magalit sa‘kin.
"It's a long story, Tandang, but to make the story short. Dahil kay Spongebob, nagkaroon ako ulit ng ganang mabuhay sa mundo. Isa siya sa mga dumamay at tumulong sa'kin sa mga oras na gusto ko ng mamatay!" hindi ko na napigilan pa ang umiyak nang malakas matapos kong sabihin iyon. Naalala ko ang mga araw kung saan naging miserable ang buhay ko. "Wah! Kasalanan mo ‘to! Pinaalala mo pa sa ‘kin iyon, huhu!"
Lucas' POV
What the heck is wrong with this crazy chicken? She even look uglier when she cry. Para siyang babaeng takas sa mental! I don't know kung paano siya patahanin. Nakakainis! Bakit ang hirap kausapin ng isang 'to?
"H-Hey, what's wrong with you? Stop crying!" naiinis kong pagpapatahan sa baliw na babaeng 'to. Baka kapag may nakakita ay isipin nilang pinapaiyak ko ang jejemon na 'to.
"Huwag ka na kasing magtanong tungkol sa nakaraan ko! Puwede ba, huh? Stop acting like you know my pain! You are not Spongebob, and you will never be Sponegbob!"
Napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang sariling palad dahil sa inis! Why am I doing this? No! It's for your children, Lucas. Control your emotions! You need to relax! Inhale, exhale! That's it!
"Darn! Stop!" hindi ko napigilang mapahiyaw dahil bigla nitong hinila ang shirt ko at siningahan niya. "Inahing Manok! Stop it!" pagpipigil ko sa kanya at pilit kong tinutulak ang ulo niya papalayo sa shirt ko. Damn, kadiri! Tang*na naman oh!
"Kung gusto mong magkasundo tayo, huwag kang mag-inarte diyan!" bakas ang pagiging bossy sa boses nito. Naikuyom ko ang kamao dahil sa inis. Nanggigigil ako sa babaeng 'to! Sasaktan ko na talaga 'to!
"Ah! Tandang, aray! Nasasaktan ako!" reklamo nito dahil sinaktan ko siya. Kinurot ko ang pisnge niya sa inis. Mahina lang naman, kilala niyo naman na ako diba?
"How dare you?" ramdam ko ang pagkairita sa boses nito.
"Ah!" ako naman ang napahiyaw sa sakit dahil bigla nitong hinila ang buhok ko. Napahiga naman ako sa bench dahil sa ginawa niya. Kaagad naman itong sumakay sa ibabaw ko at sinimulang sabunutan ako. Damn it! Nagmumukha akong bading sa ginagawa niya.
"Inahing Manok! You better stop it before I lost my patience! Ah! F*ck!"
"Dad? Mom?" kaagad kaming natigil sa ginagawa dahil narinig namin ang boses ni Strawberry. Sabay naman kaming napalingon sa anak namin na nagtatakang nakatingin sa amin. They thought that were sweet and we love each other kasi magaling kaming magpanggap. Yeah, you heard it right. It's been five years since we started pretending in front of our children, but the truth is that, palagi kaming nag-aaway kapag wala sila.
"Oh My Gosh, Honey, your hair is so smooth as ever. I really love touching it," Inahing Manok giggled kaya tumawa rin ako, trying to hide my frustration. Darn!
"Hey, Berry, Mommy and I are just playing around. Come and join us," pagsisinungaling ko sa anak ko. Ngumiti naman si Berry at dali-daling sumakay sa tiyan ko. Umalis na si Inahing Manok sa ibabaw ko kaya bumangon na ako.
"Where's Bobby, Berry?" she said softly.
"He's with Tito Jackson and Tito William," Berry answered.
"Why are you here, Baby?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I was looking for you and Mom,” she replied. I just gave her a warm hug. She really gives me comfort every time that I'm mad. She gives me chill.
"Daddy," she called.
"Hmm?"
"Can you and Mommy kiss too? I haven't seen you two kissed in each others lips, but Tito Levi and Tita Issay did. Freed told me about that a while ago. Kissing in each others lips is a proof that your mom and dad really love each other."
My baby is really smart, but aish! I can't do this right now.
"Baby, I'm sorry but I can't kiss your Daddy right now. He didn't brush his teeth lately."
"M-Mommy, y-you don't love Daddy?" naiiyak nitong tugon. Sabay kaming nagkatinginan ni Inahing manok dahil umiyak si Berry. Damn! I don't like seeing my daughter like this. I need to do it.
"Baby, look, we will do it. I brushed my teeth lately. You're Mom's just joking," I comforted her. I let out a soft chuckled as I caress her smooth hair.
"Really?"
"Yes, Berry," I replied. Nakita ko naman ang nag-aalinlangang ngiti ni Inahing Manok. Inilagay ko muna si Berry sa bench at kaagad na hinila papatayo si Inahing Manok. Ramdam ko ang panlalamig ng balat nito. Napangisi na lang ako dahil alam kong kinakabahan ito.
"Go, Daddy!" masiglang sambit ni Berry. Hindi ko na pinatagal pa kaya hinila ko ang bewang nito at kaagad na hinalikan siya sa labi. Her lips is so smooth, huh. Puwede namang pagtiyagaan. I kissed her slowly and darn. I felt like my body is burning. Damn it! Kaagad kong itinigl ito at humarap kay Berry. My heart fluttered, what's wrong with me?
"Did you see that, Baby?"
Kaagad namang tumakbo papunta sa'kin si Berry at sabay namin siyang niyakap ni Inahing Manok.