bc

CEO Meets the Billionaire's Lost Daughter

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.5K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
opposites attract
dominant
badboy
goodgirl
powerful
boss
heir/heiress
drama
loser
detective
seductive
civilian
like
intro-logo
Blurb

Isang Lola's girl si Anica. Ang lola na lamang niya ang kaniyang natitirang pamilya. Namatay ang kaniyang ina pagkatapos ipanganak ito. Samantalang, iniwan naman nang kaniyang ama ang kaniyang ina nung siya ay pinagbubuntis pa lamang kung kaya't hindi nakilala ni Anica ang kaniyang ama na ngayon ay bilyonaryo pala. Dahil sa katandaan ng kaniyang lola, dumating ang kinakatakutang mangyari nito—ang pagkakaroon ng sakit. Sa hirap ng kanilang buhay, napilitan siyang magtrabaho. Ngunit, dahil sa laki ng halaga na kinakailangan nila para gamot ng kaniyang lola, magtatrabaho bilang isang dancer sa isang club si Anica na kung saan makikilala niya ang CEO ng isang napakalaking kompaniya at gusto siya nitong gawing kaniyang babae. Ano kaya ang sunod na mangyayari sa buhay ni Anica?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Bidding
(Kean Night Club) Anica's POV "Ano ba! Hindi pa ba kayo tapos diyan!?.... Naghihintay na ang mga customer sa labas", nanenermon na wika ni manang Ekay sa amin na mga dancer. Si Manang Ekay ang manager ng mga dancer dito at isa ako sa mga dancer niya. "Malapit na ho, konting blush on na lang po ito", nagmamadaling turan ni Ate Yara. Si Ate Yara ay isang dancer dito sa Night Club. Siya ang unang nagperform kanina. Dahil sa napakaganda at mala porselanang kutis niya, hindi kataka taka kung bakit madaming lalaki ang gustong maitable siya. "Ayan, perfect. Putok na putok na iyang blush on mo Nica", compliment niya sa mukha ko habang tinitignan ito sa salamin. In fairness, maganda nga. Kumikinang na mga mata, matangos na ilong, mapulang pisngi at labi, makinis na balat, at oh pak! mala hostess na suot. Sasayaw lang naman ako pero mukha akong bayaran. Konting ihip na lang ng hangin mawawalan na ako ng saplot. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi ko na gagawin 'to eh, haysss para kay lola. Nica, kaya mo 'to, para kay lola. Again again again. "Para kay lola, para kay lola", sambit ko sa harap ng salamin upang palakasin ang loob ko. "Kaya mo 'yan, Nica..... Smile ka para mas maakit mo ang mga customer natin", pag-uudyok sa akin ni Ate Yara. Tama nga naman, sino namang magkakagusto sa akin kung nakasimangot ako diba.... Smile Nica.... Smile (Dahil sa sinabi ni Yara, ngumiti si Nica gaya ng saad nito sa kaniya) "Ladies and Gentlemen. Tonight is the big night that you all been waiting for. You want fresh? I will give you fresh" "Presenting.... Sakura.....", pagpapakilala sa akin ng MC. Ay oo, ako nga pala si Sakura. Stage name ko 'yon. (Hinawi ni Nica ang kurtina saka lumabas. Dahil dito nakita siya ng mga customer at nagsipalakpakan ang mga ito) (The music is starting to play...... "Gimme More" by Britney Spears) Sinimulan kong igiling ang katawan ko na mala Maja Salvador. May pahawi pa ako ng buhok na nalalaman. "WUUUHHHHHH!!!", sigawan nang mga tao. Ginamit ko pa ang props ko na upuan. Umupo ako doon saka inopen nang kaunti ang pagitan ng mga hita ko. Nadidinig ko, naghihiyawan ang mga tao.... "50,000 pesos" "100,000" "I'll double it" "500,000" Iyan ang mga nadidinig ko sa kanila. Gusto nila akong itable sa ganyang kalaki na halaga? "1 million pesos", bigkas ng isang lalaki in a tuxedo suit. (The music stops) Tumigil ako sa pagsayaw. Umakyat si Manang Ekay sa stage.... "Yours, Mr. Fontanilla", sambit niya saka pumalakpak ang lahat. "Bumaba ka at puntahan mo na si Mr. Fontanilla sa kaniyang table. Ngayon na!", pabulong na sigaw sa akin ni Manang Ekay. Wala na akong nagawa kung kaya't bumaba na ako saka pumunta sa table ng nakabili sa akin gaya ng sabi ni Manang Ekay. "He-hello po, Sir", bati ko sa kaniya. Uupo pa lamang sana ako sa tabi niya nang bigla siyang tumayo at pinuntahan si Manang Ekay. (Kitang kita ni Nica na nag-uusap ang manager niya at ang lalaki sa counter. Napansin niyang may inabot ang lalaki sa kaniyang manager kung kaya't nag-iba ang mood nito—biglang sumaya) Hindi naman siguro obvious na ibinebenta ako ni Manang Ekay sa lalaking iyon. Wait... Tapos na sila mag-usap... Papalapit yung lalaki sa akin. "Sir, uunahan ko na po kayo. Ang trabaho ko po ay sumayaw at ientertain kayo, hindi po para ikama", straightforward na sambit ko sa kaniya. Huuuu! Hinga ng malalim Nica. Juskoo kinakabahan ako. Baka masisante ako ng wala sa oras neto. (Tumawa ang lalaki) "Puffff..... Miss, hindi kita ikakama or whatsoever, hindi ako ang nakipagbidding at bumili sa 'yo. I'm just a concern citizen", natatawang paliwanag sa akin ng lalaki. "H-ho?, A, e, kung ganon, sino pong bumili sa akin?", nahihiyang turan ko sa kaniya. (The man crossed him arms) "Well, puntahan mo na lang itong room number na ito at sa kaniya ka magtanong", saad niya saka inabot ang isang card. "Sebastian Fontanilla? Room 69?", basa ko sa card. "Miss, reminder lang ha. Nangangagat 'yon", nananakot na sambit sa akin ng lalaki saka umalis. Well, mukhang mangangagat nga, room palang bastos na. Room 69 ba naman. Haysss.... Nica, hinga, hinga lang. Walang dapat mangyare, walang mangyayare, at kailanma'y hindi mangyayare. Siguro pasasayawin ka lang, pakakantahin, or pagsisilbihan mo lang yung nakabili sa'yo, yun lang. Hindi na lalagpas do'n..... Ngiii Sana lang...... (Bumukas ang elevator) "Huuu!!! Kaya ko 'to", sambit ko saka pumasok sa elevator at pinundot ang 4th floor. (Tinggggggg... The elevator opened) "Ok, nandito na ako. Kailangan ko lang hanapin yung room 69...... Room 58, 59....... Bingo! Room 69", wika ko sa harap ng pintuan. Kakatok ba ako?.... Anong sasabihin ko?.... Hello Sir, ako po yung binili niyo? Ngek! Hindi, ano ba yan..... Kinakabahan ako. First time ko 'tong gagawin.... Ang usapan lang naman kasi ay sasayaw, ba't ako binili..... Huhuhuhuhuhu (Kakatok na sana si Nica nang biglang bumukas ang pintuan) "Good evening, ikaw ba si Nica?", tanong sa aking ng isang lalaki. Siya na ba 'yon?... Hindi naman ata siya nangangagat, napakaamo ng mukha niya. "Ako nga", wika ko saka nginitian yung lalaki. "Nice, pasok kana lang sa loob, hinihintay ka ni Sir", kalmadong turan niya sa akin habang nakangiti. A-ano? Hindi rin siya yon? Ilang lalaki pa ba mapagkakamalan ko bago ko makilala yung nakabili sa akin!!!!???? (Pumasok sa loob si Nica samantalang lumabas naman ang lalaki na kanina lang ay kausap niya) "T-teka, hindi ka papasok?", tanong ko sa lalaki. Umiling lamang ito saka isinara ang pintuan bago umalis. (Dahan dahang pumasok si Nica sa loob ng kwarto. Nang marating niya ang kalagitnaan ng silid, tumambad sakaniya ang 6 pack abs ng isang lalaki habang suot suot ang manipis na twalya sa kaniyang ibaba na nagsisilbing pantakip sa kaniyang pang-ibaba) Holy..... Cow!!... A Living monay... Hallelujah!!! "You done?", nang-aasar na wika sa akin ng lalaki. Napalunok ako ng wala sa oras.... Hindi lang pala abs niya ang matigas,... Pati boses din. Pinagpapala ata ako ni Lord ngayon! OMG!! "H-ho?", inosente kong turan. (The guy glanced at Nica's body and smirked at her after) "Hep!!!! Hindi pwede!", patigil kong saad sa lalaki saka tinakpan ang mga maseselang bahagi ng aking katawan gamit ang aking kamay. Bastos ng lalaking 'to..... (Ito ang unang pagkikita ni Anica at Sebastian. Ngunit, bago pa man ito mangyari, ano kaya ang nag-udyok kay Nica kung bakit siya napunta sa sitwasyong ito?)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.9K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.0K
bc

The Forgotten Wife

read
43.6K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.3K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
46.1K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.9K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook