bc

Si Mr. Delinquent At Ang Probinsyanang Hipon

book_age18+
743
FOLLOW
4.0K
READ
possessive
playboy
arrogant
badboy
goodgirl
drama
comedy
bxg
humorous
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Mr. Delinquent At Ang Probinsyanang Hipon “NOT SO PERFECT MATCH”

Krizaleigh “Kriza” Dimaguiba ay isang promdi girl. Nanggaling sa maliit na nayon sa malayong lugar,, napilitan syang lumuwas ng Maynila upang mamasukan para pang-tustos sa kanyang pagko-kolehiyo. Kulang sya sa kompanyasa sa sarili dahil sa kanyang hindi kagandahang facial appearance aniya sya’y isa sa myembro ng “Tempura girls society” Maganda lamang daw sya tuwing sya ay nakatalikod at chaka tuwing nakaharap. Tanging ang maganda lang daw sakanya ay ang kanyang katawan.. Despite of that she remains optimistic in life.

Sa Maynila ay nakilala nya si Teejay Lopez, isang binata na deliquento, mahilig maki pag away, sobrang yabang at kulang sa good manners and right conduct. Hindi lubos akalain ni Kriza na sya pala ang kanyang magiging amo, doon na din nagsimula ang madalas nilang pag-aaway.

Ganunpaman, kahit magaspang na ugali ang pinapakita ni Teejay kay Kriza she remains to be their maid. Aniya’y wala syang choice.

Nagpatuloy sa pag-aaral si Kriza at doon ay nakatagpo sya ng isang mabuting kaibigan. Si Xander, ang sobrang gwapong model. Naging close sila sa isa’t-isa, hanggang sa humantong na magkagusto si Xander rito. He offered also Kriza to apply as a model sa kanyang pinagta-trabauhang agency. Luckily, nahire sya dito. At doon na nagsimula ang career ni Kriza as a ramp and editorial model.

As time goes by, Nahulog din ang loob ni Teejay kay Kriza.

Kaya atin ng tunghayan ang istorya ni Kriza Dimaguiba ang tinaguriang BINIBINING UNDAS ng Sitio Bagong Nayon at ang barumbadong siga na si Teejay Lopez.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SI MR. DELINQUENT AT ANG PROBINSYANANG HIPON "Not so Perfect Match" written by: ketchupprince This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner, Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Si Kriza ay isang Probinsyana, Masipag, Matiyaga, Mataas ang pangarap sa buhay, Gagawin ang lahat matupad lang ang kanyang mga pangarap, matulungin sa pamilya, optimistic, palaban sa buhay, resilient, for short lahat na ng magagandang traits nasakanya na. Datapwat! Ngunit! Subalit! hindi sya kagandahan, poorita at jologs pa, tanging ang maganda lang sakanya ay ang kanyang katawan. Ang kanyang ganda ay hanggang leeg lamang hindi umabot ng mukha. For short Hipon sya, yes inuulit ko po, Hipon sya.. Kinakain katawan tapon ulo. Isang araw magtatagpo sila ng landas ni Teejay isang mayaman, ngunit, delinquent, antipatiko, balasubas, balahura, walang kwenta, patapon, mahilig sa gulo/basagulero, salbahe, gunggong, at manyak. Na kabaligtaran ng ugali ni girl. At first, they extremely hate each other, pero pano kung pinana silang dalawa ni Mr. Kupido at mabuo ang love story ni MR. DELINQUENT AT ANG PROBINSYANANG HIPON. Chapter 1 "Anak mag ingat ka doon ha? tumawag ka kaagad pag may problema ka." mangiyak ngiyak na sabi ni mamay habang pasakay ako sa bus. Masakit man pero kailangan kong gawin to, Aalis kasi ako dito sa probinsya namin pupunta ako ng Maynila upang mamasukan doon. Kailangan ko na kasing magtrabaho para sa pag aaral ko sa college sa darating na pasukan.  Hindi naman kasi ako kayang pag aralan ng mamay ko dahil sa mahirap lang kami, kaya kailangan ko talagang magsumikap, kaya ako nakikipagsapalaran. Awang-awa sakin si mamay, dahil ako nga daw ang nagsasuffer, dahil sa kahirapan ng buhay namin dito sa probinsya, pero talagang ganun eh. Pinanganak kasi akong mahirap. Kung may sapat lang na pera, hindi ko naman daw to dapat gawin, pero sabi ko sakanya okay lang yun. Kagustuhan ko naman kasi to. Mamamasukan ako bilang isang katulong sa Maynila, rineto ako ng tita ko doon, meron daw kasing pamilyang nangangailangan ng katulong dun. Ako kaagad ang naisip nya.  Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa pumayag ako kaagad. Sayang din kasi. bakasyon pa naman ngayon, kailangan ko ng makaipon para may pang matrikula ako sa darating na pasukan. Sumakay nako ng Bus, at ready na kong pumunta ng Maynila. "kaya ko to." pagmomotivate ko sa sarili ko, eh pano kasi di mo maaalis ang pagkakaba sakin dahil nga sa first time ko palang pumunta dun. Andami pa namang sabi sabi na napakadaming kriminal ang nagkakalat dun, di naman ako natatakot sa mga kriminal baka kasi pagkakita nila sakin sila pa ang matakot sakin. Nakakatakot kasi ang pag mumukha ko. Natatakot ako sa mga snatchers, baka kasi nakawin pa sakin ang kokonting dalang pera ko, 500 pesos lang naman tong dala dala ko, yes luluwas ako ng Maynila na limang daang piso lang ang pera. Ako pala si Krizaleih Dimaguiba a.k.a Kriza.. Isang probinsyana. Balingkinitan ang katawan pero ang mukha wag nyo nalang pong alamin. Ang ganda ko kasi ay hanggang leeg lang, hindi umabot ng mukha, in short hipon po ako kung tawagin. Member ako ng tempura girls society.  Yung mukha ko parang long lost sister ni Bakekang. Sabi nga nila, maganda lang daw ako pag nakatalikod, Chaka pag nakaharap. Wish ko nga eh, sana mukha nalang ang gumanda sakin kahit wag na ang katawan. Para kasing sinumpa ang mukha ko. Sexy nga Chaka naman, wala din di 'ba? Mukha parin ang unang makikita nila. Ang vital statistics ko ay 34 - 22 - 34. diba pang Sam Pinto ang body, pero ang mukha pang Sam Pintura. Pero wala naman akong magagawa eh dahil eto ang binigay ng poong maykapal sakin. Ugali padin ang importante sa lahat, lagi nga akong tinutukso ng mga tao eh, tulad ngayon habang nakasakay ako ng bus, pinagtatawanan ako ng iba, di ko alam kung sa suot ko ba dahil ang jologs jologs ko mukha kasi akong manang, o tumatawa sila dahil sa kapangitan ko? Siguro both. Ganun man, hindi ko na lamang sila pinansin, sanay nadin naman na ako..  Immune na ko sa panlalait ng mga tao. Totoo naman kasi ang mga sinasabi nila, Oo panget ako, matagal ko ng tanggap yon., bata palang ako tanggap kuna. "Tsk, makatulog nalang nga." At ayun nga habang nasa byahe ako, pinili ko nalang ang matulog. Nakakainip kasi eh, mahaba habang byahe pa naman to.. Lumipas ang ilang oras, nagising din ako, at laking gulat ko nung nagsisilabasan na ang mga pasahero nandito na pala kami sa Maynila. "Mabuti at di ako lumagpas nandito na pala ako." Dali-dali din akong tumayo para bumaba na, hirap na hirap akong bitbitin tong mga gamit ko, tapos panay pa ang danggil sa 'kin. Suddenly may naramdaman akong dumamping kamay sa butt ko. "Bwiset, tsansing yun ah!" sigaw ko dun sa isang pasaherong lalake pano ba naman kasi hinipo nya ko. "Nagpapatawa kaba miss? sa tingin mo chachansingin kita sa pagmumukha mung yan ah! Yuck!" sabi nya habang tumatawa, tapos lumabas na sya ng tuluyan. Pero alam ko hinawakan nya talaga ang pwit ko, naramdaman ko eh, puchapete ang manyak ng gagung yon.. Pero Hinayaan ko nalang. Bumaba nadin ako ng bus, saktong pagkababa ko palang ng bus, sobrang nagulat ako. "Wow. Nasa Maynila na nga ako." Sobrang nakakapanibago dito sa Maynila, napakadaming sasakyan, establishments at mga buildings. Rinig na rinig mo ang busina ng mga iba't-ibang sasakyan, tapos napakadami pang tao.. Para tuloy akong tanga, hindi ko alam ang gagawin ko, nagpalinga linga ako sa paligid na waring may hinahanap. Jusko, gabi pa naman, di ko alam kung pano pumunta sa address na pagsisilbihan ko, nasakin nga ang address pero di ko naman alam kung pano to puntahan. Itetext ko nalang si tita Tama! yung nagreto sakin mamasukan dun. Tatanong ko kung pano pumunta sa bahay ng pamilyang pagsisilbihan ko. Linabas ko na ang pangkudkod ng papayang phone ko, super luma na kasi nito, lumang unit pa. pang text lang sya tsaka pantawag yung may flashlight sa ibabaw. Tumabi muna ko tapos ibinaba ko saglit ang mga gamit ko para magtext. Pero habang nagtetext ako bigla naman akong may nararamdaman na parang may gumagalaw galaw sa loob ng bag ko. Lumingon ako sa likod at bumungad sakin ang isang lalaki na may hawak hawak na kutsilyo, binata sya na mukhang barumbado, pero di naman sya mukhang snatcher, di naman sya pangit eh. Mukha pa ngang mayaman eh. laking gulat ko nung makita ko na nasakanya na ang wallet ko. Oh my gosh! Bigla akong nataranta di ko na natuloy yung pagtetext ko. "Magnanakaw!" sigaw ko pero bigla syang kumaripas ng takbo, kinuha nya yung pitaka ko nandun yung limang daang pisong pera ko. Nag-iisang pera ko nalang yon eh. "Hoy! Ibalik mu sakin yang pitaka ko!" sigaw ko habang hinahabol ko sya, pero napakabilis nyang tumakbo. "Hoy ibalik mu yan!!" sigaw ko ulit tapos tinanggal ko yung isa kong sapatos at ibinato ko to sakanya. Ngunit kapos ito. Napakabilis tumakbo ng gago. Hiningal lang ako sa paghabol sakanya, pero wala din akong nagawa, tinakbo nya parin yung nag iisang 500 pesos ko.. Ang malas ko naman. first time ko dito, tapos mananakawan pa ko? Pano na nyan?  Ni singkong katiting walang natira sakin, lecheng buhay to, Minalas malas pa ko at nasnatch pa ko. Wala na! Pano na ko nito? Dapat sa lalong madaling panahon makita ko na yung address ng pamilyang pagsisilbihan ko. "Pag minalas kanga naman oh." sabi ko habang naka pace falm at umiiling-iling, ngayon naniniwala nako na madaming mapanamantala dito sa Maynila. Kasalanan ko din naman eh, tatanga tanga kasi ako. Hindi ko namalayan na winarak na pala ng lechugas na lalaking yun ang bag ko, tapos binigyan nya pa ko ng problema, nagkahulog hulog yung mga gamit ko dito sa bag ko dahil nga dun sa butas. "Pero di bale, kaya ko to! Tetext ko nalang ulit si tita." lalakasan ko nalang ang loob ko, alam kong aabalahin ko sya, pero wala eh, sya lang kasi ang alam kong makakatulong sakin. Tita? Tulungan mo naman ako oh na snatch po kasi ako, at hanggang ngayon nandito padin ako sa isang waiting shed malapit sa terminal ng bus, di ko po kasi alam puntahan yung address ng pamilyang pagsisilbihan ko. -end of text- Sinend ko na at buti nasend pa to, buti nalang talaga may load pa ko, kung wala katapusan kuna siguro. First time ko palang dito may nangyari na agad na hindi maganda sakin.  Hindi ito ang makakapagsuko sakin, kaya mu yan Kriza. Sabi ko sa sarili ko. Walang makakapagpagiba sakin, tulad nga ng apelyido ko. Hinding Hindi ako magigiba. Lumipas ang ilang minuto, matiyaga padin akong naghihintay ng reply, kinakabahan na nga ako eh, gabi nadin kasi, baka susunod may mantrip naman sa akin. Then lumipas ang isang oras sa wakas nagreply nadin si tita! Tatanga tanga ka siguro no kaya ka na snatch. Kriza naman mag ingat ka nga!, sia! Hintayin moko jan at wag kang aalis ok, ako nalang maghahatid sayo dun sa pamilyang pagsisilbihan mo. -end of text- Thank you Tita! Akala ko di nako makakaalis dito, buti nalang talaga anjan si tita para sa akin. Tatanawin ko to ng malaking utang na loob, at promise ko din sa sarili ko na mag iingat nako sa susunod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.2K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
563.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook