Chapter 26 - Sembreak - "Manang, alis na po ako ha? Kailangan ko ng umalis, kasi malayo po ang byahe eh," sabi ko habang kaharap ko si Manang Cecilia, diba nga napagdesisyonan ko munang umuwi muna sa probinsya namin dahil nga sa sembreak naman, pumayag naman sila eh, dahil babalik naman ako pag pasukan na ulit. "Mamimiss kita Kriza," sabi naman ni Manang, na halatang nalulungkot. "Manang naman, babalik naman ako eh, ang OA nyo, wag nga kayong malungkot," ilang linggo lang naman akong mawawala, pagdating ng November babalik ulit ako. "'Di mo naman maiiwasan yun Kriza, napalapit kana din kasi sa akin," napangiti ako dun sa sinabi nya, pati din naman ako napalapit na ang loob ko sakanya, eh kasi sya ang kumuha sakin para mamasukan dito eh, tapos ang bait bait pa nya. Kaya mamimiss ko tal

