ALLEN I can’t bring myself to face her right now. I know I’ve done something really wrong, and a mere apology won’t make her anger disappear. I need to give her some time for her anger to subside first. Napatingin ako sa pinto ng opisina ko nang bumukas ito. Bigla akong nakaramdam ng tensyon nang pumasok si Lolo Amadeo sa opisina ko. Once in a blue moon lang niya ako puntahan dito, kaya nakakapagtaka na nandito siya. Inobserbahan ko ang ekspresyon ng mukha niya. Wala naman akong mabanaag na kahit na ano sa kanyang mukha. Seryoso lang siyang umupo sa couch. “Are you busy, hijo?” Kalmado ang boses niya, kaya bahagyang nawala ang namuong tensyon sa dibdib ko. Tumayo ako at umupo sa couch. “Alam mo bang lumipat na ng apartment si SJ?” Natigilan ako. I wasn’t expecting that. Dalawang araw

