Prologue
Umupo agad ako pag-alis niya sa ibabaw ko. Hinila ko ang kumot at dahan-dahang tinakip sa hubad kong katawan. Nakayuko ako at walang humpay na tumutulo ang masaganang luha sa pisngi ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang mapang-uyam niyang tawa.
“Why are you crying? As if you lost everything,” he remarked sarcastically.
Huminga ako ng malalim at mahinang nagbuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko bago unti-unting nag-angat ng tingin sa kanya. He was already wearing gray cotton pants, but he was still shirtless. Kumikislap pa sa pawis ang katawan niya. Hindi ko maitatanggi na para bang na-mamagnet ang mga mata ko kapag tumitongin ako sa magandang hubog ng katawan niya.
Ilang sandali pa ay nagtagpo na ang aming mga mata. Walang nagbago sa tingin na pinupukol niya sa akin. Kung paano siya tumingin sa akin noong una kaming nagkaharap ay ganoon pa rin ngayon—still cold, full of judgment that cuts right through my entire being. Ang tingin pa lang niya ay parang dinudurog na ang puso ko.
“Masaya ka na ba? Nakuha mo na ba ang fulfillment na gusto mo? Nasagot ko na ba ang lahat ng hinala mo? O baka kulang pa at gusto mo pa akong durugin?” humihikbi na sabi ko.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, pero paano ko gagawin kung una na niya akong hinusgahan? Kahit magpaliwanag ako, hindi niya ako maiintindihan. Wala ring silbi kahit ipagtanggol ko ang sarili ko dahil hindi mababago nito ang tingin niya sa akin. Mababang uri ng babae pa rin ang tingin niya sa akin, lalo na ngayon na napatunayan niyang totoo ang hinala niya sa akin.
Ang bigat sa dibdib na mahusgahan ng ibang tao, pero wala naman silang alam sa totoong buhay na mayroon ako. Ibang-iba talaga ang ugali niya kumpara sa lolo niya.
My words didn’t affect him one bit. In fact, a small smirk curved up at the corner of his lips. Mayamaya lang ay may dinampot siya sa glass table at pumunta sa paanan ng kama. May sinulat siya sa parihabang maliit na papel na hawak niya. Ilang sandali pa ay pinilas niya ito at naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at walang emosyon na tumingin sa akin.
Inabot niya sa akin ang maliit na papel. “Take it.” Bumaba ang mata ko sa papel na hawak niya. Humigpit ang hawak ko sa kumot nang makita ko ang nakasulat dito at kung ano ang papel na nasa harap ko. Tseke ito at nakasulat dito ang dalawampung milyong piso. Mula sa papel, nilipat ko ang tingin sa kanya. Pinukol ko siya ng nagtatanong na tingin. “I think this amount should be enough for you to stay away from my grandfather. Stop seeing him, SJ,” he said firmly, full of authority.
Matapang ko siyang tinitigan. Hindi ako makapaniwala na aabot pa sa babayaran niya ako para lang hindi na ako makipagkita sa lolo niya. Ganito kababa ang tingin niya sa akin.
Muli kong tiningnan ang tseke. Awtomatikong umangat ang kamay ko at kinuha ang hawak niya. Nag-angat ako muli ng tingin sa kanya. Napatitig ako ng matagal sa mga mata niya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang tila may nakita akong kakaibang emosyon sa mga mata niya, ngunit mabilis lang itong naglaho. Ilang sandali pa ay pagak siyang tumawa, na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
Umalis siya sa kama. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at tumayo sa harap ng glass wall.
“Hindi ako nagkamali ng tingin sa ‘yo, SJ. Wala kang pinagkaiba sa mga babaeng nakilala ko. Mukha kang pera!” mariing wika niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Parang may tumusok na matulis na bagay sa puso ko, at para itong dahan-dahang humihiwa dito para maramdaman ko talaga ang sakit. Hahayaan kong batuhin niya ako ng masakit na mga salita. Hahayaan kong paulit-ulit niya akong husgahan; tutal, doon naman siya magaling. Pero pinapangako ko, ito na ang huling beses na makikita niya akong umiiyak sa harapan niya. Kung mag-krus man muli ang landas namin, hindi na ako papayag na tapakan ulit niya ang pagkatao ko. Dahil ibang Stephanie Jane Dizon na ang makakaharap niya.
Umalis ako sa kama at isa-isa kong dinampot ang nakakalat na damit ko sa sahig. Nilagay ko muna sa kama ang tseke bago nagbihis. Nang tinapunan ko siya ng tingin, nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin habang humihithit ng sigarilyo.
Pagkatapos magbihis, tinuyo ko ang luha sa pisngi ko bago kinuha ang tseke at naglakad palapit sa kanya. Huminto ako hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.
“Sige, lalayuan ko si Don Amadeo,” matigas kong saad. Humithit muna siya ng sigarilyo at nagbuga ng usok bago pumihit paharap sa akin. Salubong ang kilay niya habang pinupukol ako ng malamig na tingin. “Pero hayaan mo muna akong makausap siya.”
Mula sa liwanag ng mga gusali sa labas, malinaw kong nakita na dumilim ang mukha niya. Ilang sandali pa, binato niya ako ng masamang tingin. Hanggang sa malaki na ang hakbang niya palapit sa akin. Napangiwi ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Kulang na lang ay durugin niya ang buto ko.
“Hindi ka na magpapakita sa lolo ko, Stephanie. Kaya nga binayaran na kita, ‘di ba? Kulang pa ba? Sige, dadagda—” Naputol ang sasabihin niya nang mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
Marahas kong tinabig ang kamay niya, kaya nabitawan niya ako. Tinulak ko siya, kaya bahagya siyang napaatras. Hindi pa ako nakuntento dahil binigyan ko ulit siya ng malakas na sampal sa kabilang pisngi niya. Sa lakas ng tama ng palad ko sa balat niya, nabaling patagilid ang mukha niya.
“Ito na ang huling beses na iinsultuhin mo ang pagkatao ko, Mr. Caivano. At ito…” tinukoy ko ang tseke na hawak ko. Ilang sandali pa, walang pag-aatubiling pinunit ko ito at tinapon sa harap niya, hanggang sa kumalat ang maliliit na piraso ng papel sa sahig. “Hindi ko kailangan ang pera mo. Hindi mo kayang bayaran ng dalawampung milyon ang dignidad ko na tinatapakan mo!” mariing sabi ko bago siya tinalikuran.
Paglabas ko, para akong nanghina. Habang naglalakad sa pasilyo, mariin kong hawak ang dibdib ko. Naninikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Para itong pinupukpok ng mabigat na bagay sa sobrang sakit. Namalayan ko na lang ang sarili kong humahagulgol ng iyak habang naglalakad palayo sa penthouse ng lalaking walang ginawa kundi husgahan ang buong pagkatao ko.