STEPHANIE “Papasok ka na ba agad sa opisina?” tanong ko. Tinatahak na namin ang daan papunta sa D’Amico University. “No. Uuwi muna ako para magbihis.” Kaya pala naligo na siya sa apartment. Pero sana hindi na niya ako hinatid. Pero kahit tumanggi akong magpahatid, tiyak na hindi naman siya makikinig sa akin. “Okay.” Tumingin ako sa labas. Bigla akong napaisip kung ano na ang mangyayari sa amin pagkatapos nito? Ganito pa rin ba kami o babalik na naman sa dati? Ayokong mag-assume na okay na kami, pero sana bigyan niya ako ng sign. “SJ.” Tumingin ako sa kanya. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagmamaneho. “Pwede ka bang mag-out ng maaga mamaya sa trabaho mo?” “H-ha?” Is this the sign I’ve been asking for? “Can you leave work early later? Kahit mga seven?” Hindi ko pa alam

