Chapter 16 Tamang Hinala

2688 Words

STEPHANIE His lips moved gently. Nang tumingin ako sa kanya, nakapikit siya. Biglang sumagi sa isip ko ang nakita kong eksena kanina sa clinic. Ganito lang ba kadali sa kanya na i-process ang lahat? Na pagkatapos siyang halikan ng doctor na ‘yon, ay ako naman ang hahalikan niya? Hindi na ako nagdalawang-isip na itulak siya. Pero dahil sa ginawa ko, napahiyaw ako sa sakit nang masagi niya ang sprain ko sa paa. Narinig ko na lang ang malutong niyang mura habang nagkukumahog na umupo. Maingat niyang inangat ang paa ko at pinatong sa hita niya. “Why did you push me? Nasagi ko tuloy ang paa mo,” paninisi niya sa akin. “Bakit mo rin ako hinalikan? Umayos ka nga, Allendrano. Huwag mo akong itulad sa ibang babae na ginagawa mo lang libangan kapag malayo ka sa girlfriend mo!” gigil na sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD