Kabanata 22 Bagong Kasama Laking gulat ko nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko ang naglalakihang maleta sa tabi ng aming sofa. "Nay?" biglang bumilis ang pagtibok ng aking dibdib. Iiwanan na ako ni Nanay? No! Nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng tawanan sa loob ng kusina. Nagmamadali akong pumunta ng kusina. Nakita ko si Nanay na nagluluto ng ulam at si... Sid? Anong ginagawa niya dito? "Ayan na pala si Maria e. Hi anak. Si Sid, naalala mo pa?" napatango ako. Of course. Bakit ko naman makakalimutan agad? "Why is he here?" hindi ko mapigilang itanong. Nakita kong kinamot ni Sid ang kanyang ulo. "Anak, kinuha na kasi ang kapatid ko doon sa magulang nung asawa ng kanyang panganay. Hindi na sumama itong si Sid dahil ayaw niyang maging pabigat kaya ako na lang ang kumuha sa ka

