Kabanata 21 Sana Inayos niya ang aking damit at binaba ito. Nanatili akong nakayakap sa kanya. Wala akong lakas na tumayo at magsalita at feeling ko na ganoon din siya. Humaba ang katahimikan naming dalawa at hinayaan lang niya akong yakapin pa siya. "Let's go home?" pukaw niya sa akin. Tumango ako at dahan-dahang inangat ang sarili at bumalik ako sa tabi niya. Humawak ako sa braso nito at humilig sa kanyang balikat. Huminto pala kami sa tabi ng mall sa gilid ng highway. Agad kong tiningnan ang salamin ng kanyang sasakyan at napahinga nang makitang double tinted ito. Bumalik kami sa aming dinaanan na tahimik. Wala din siyang imik sa nangyari sa amin. And I don't think I'll be able to answer him pagtatanungin niya ako. Huminto kami sa highway na tanaw ang dagat. Nanginginig ako nga

