Warning: SPG Kabanata 20 Eyes "Uwi na lang tayo sa bahay?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Mabuti pa nga. Wala akong ideya na nakakapanghina pala talaga ng sobra ang pagseselos. "Nagsasayang lang tayo ng entrance." Sabi ko sa kanya ngayong palabas na kami. "Huwag mo nang isipin iyang entrance. Ang isipin mo, masaya ako dahil nakita kitang nagselos." Napangiti ako ng palihim. I don't know why this is such a big deal to him. Nakabalik kaming kotse niya at lumabas ng resort. "Nasa bulsa ko ang aking phone. Ikaw na lang ang kumuha." Sabi niya sa akin. Nilingon ko siya, hindi makapaniwala sa sinabi nito. "What?" "Hindi ba gusto mong tawagan si Monique? Nasa bulsa ko ang aking phone. Pakikuha naman, ri." Malambing niyang sabi. Kung makapag sabi siyang kunin mo lang, akala mo na ganoon

