Kabanata 19 Selos "Congrats Lucas." sabi ko kay Lucas. Panalo sila sa unang laro sa intrams. At halatang ang saya niya ngayon. Masaya na din ako. Kahit na I feel so helpless habang nanood kasi di ko man lang siya kayang e-cheer katulad ng ibang babae na effort kung ipagsigawan ang pangalan niya. Kung sana may singkapal lang akong confidence katulad nila ay nakasigaw din sana ako. "Salamat, Maria." Hinagkan ko siya at naramdaman kong hinalikan niya ang aking buhok. Apat na araw ang aming intrams kaya apat na araw din kaming walang klase. Wala akong sinalihan kahit isang laro o mind games. Nandito lang ako para kay Lucas at para na din makaattendance since required ang aming presence dito. Pwera na lang kay Monique na halos lahat sinalihan. Mula sa cheerdance, hanggang sa table tennis,

