Kabanata 18 Saint May mga okasyon sa ating buhay na hindi inaasahan. Minsan, ang okasyon na ito ay magbibigay sa atin ng labis-labis na pawis at panginginig. Minsan, masusubok nito ang katapangan mo bilang tao. At minsan, walang atrasan. Katulad na lamang sa hindi inaasahang pagkakataong ito, "Hey, don't worry. My father will love you just the way I do." Kahit anong sabihin ni Lucas sa akin ngayon ay hindi pa din nito maaalis sa aking sestema na kinakabahan na ako ng sobra. Papunta kaming Panagatan ngayon. Mahigpit akong nakahawak sa braso ni Lucas habang nagmamaneho siya. When his father invited me earlier for a dinner, that's when I started shaking. Kararating lang ng ama niya galing ibang bansa. Hindi ko alam kung ano ang naikwento ni Lucas dito at nais niya akong makita at makila

