Kabanata 17 Sid Dahil tumawag ang kapatid ni Nanay kanina sa bahay, wala akong choice kundi samahan siyang umuwi sa Villanueva. Nakahawak ako sa kanyang kamay at nanginginig ito. "Nay, kalma ka lang." paalala ko. May malubhang sakit na pala ang kanyang kapatid at walang niisa sa mga anak nito ang nag-alaga sa kanya. Dahil may konting pera namang natira sa bank account ko galing kina Mama, ay dala-dala ko ito ngayon para naman makatulong sa kanila. Una akong bumaba at sumunod si Nanay. Nasa mabukid na parte ang kanilang bahay. Maputik ang daan at laking pasalamat ko na lang dahil naka close shoes ako. Dumaan kami sa may basketball court at nakita kong may mga kaedad ko ang naglalaro dito. Napatingin ako sa kanila dahil may uniporme silang tattoo sa kanilang braso. Isang Arrow tattoo n

