Kabanata 16 Soft Hindi naman ako manhid. Alam ko naman na darating ang araw na ito. Yes. Hindi ko napigilang mag-assume. Sa sobrang close ba naman namin ni Lucas at kung paano niya ako bakuran sa nakalipas na mga araw, sinong di mag aasume? Sa taong katulad ko na mahilig magbasa ng mga iba't ibang uri ng storya, at sino uli ang di mag a-assume? Babae din ako kahit na gaano katigas ang damdaming ito sa ibang tao, ganon din naman ang ikinalambot nito sa mga bagay na bago sa akin. Sa amin. Nanatili akong nakayakap sa kanya. "Am I too fast? Sorry ha? Gusto ko lang kasi talaga akin ka..." Pumiyok ang boses niya sa kanyang sinabi. Ramdam ko ang pagkabog ng kanyang puso. Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin. "G-g-gusto ko din i-iyan." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Napa

