Kabanata 15 Happy Agad kong kinapa ang kanina pang nagvivibrate kong cellphone. Sunday ngayon at nahirapan pa ako sa pagtulog kagabi dahil sa kakaisip sa isang napakagulong damdamin. Lucas: Good morning Maria. Maaga tayong aalis kaya gumising ka na. Pupuntahan kita diyan. Agad akong napabangon pagkatapos kong basahin ang kanyang text. Kanina pa to si Lucas a. Eh sa gusto pang pumikit ng mata ko eh. Pagod ako. Pagod na pagod. 3am na ako naka uwi kaninang umaga dahil tinapos namin ng aking mga groupmates ang isang proyekto namin sa aming major. Halos nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko. Pero kailangan ko nang bumangon dahil baka magalit ito. Napadilat ng tuluyan ang mata ko ng marinig ko na namang nag ring ang cellphone ko. Sandali nga, anong problema ng lalaking ito at namu

