Kabanata 6

846 Words
Kabanata 6 His Mom Kasalukuyang gumagawa pa rin kami ng aming research paper ni Lucas dito sa ilalim ng puno sa park. Both of us are serious. Hindi na din kami nag-uusap. Busy siya sa kakatutok sa laptop niya. Tahimik ang lugar na napili naming pag tambayan ni Lucas. Lumalamig na din ang hangin na para bang anytime ay uulan na. Nako! Baka mabasa pa ang mga gamit namin at marami-rami pa naman ito. May dala pa kaming laptop at hindi pa ako nakadala ng payong. Ganoon din ata si Lucas. "Sa bahay na lang kaya tayo? Baka maabutan tayo ng ulan." Aniya sa akin na nakatingin pa din sa kanyang laptop. Unti-unti siya huminto sa pagtatype. Isinara niya ang kanyang laptop at saka tumayo. Iniligpit din niya lahat ng nakakalat na hand-outs, pati narin yung akin. "Let's go." Aniya sa akin. Saka pa lang ako nagising at isinara ang aking laptop. Sumunod ako sa kanya pero para akong naiiwan dahil sa malalaki niyang hakbang. "San tayo lilipat?" tanong ko. "Sa bahay na lang. Baka kasi maulanan ka at magkasakit na naman. I don't want that." Kumalabog ang puso ko sa boses niyang nag-aalala. Hindi ko tuloy magawang mangrason. First time kong maramdamang may nag-aalala sa akin maliban kay Nanay. And it felt so different.  "Okay." Nahihiyang sagot ko. "Let's go." Di naman siguro siya masamang tao. Sana hindi. Nakasabay ko nga siya sa pag-uwi noon. He seemed harmless. I followed him at thank God dahil malapit lang pala ang bahay nila. Napahinto kami sa tapat ng isang malaking kulay puting bahay. Nilingon ako ni Lucas. Kanila ito? "Pasok na tayo." aniya. Tumango ako. Nandito kaya ang magulang niya? Baka ayaw nila o baka pagalitan siya. Damn! Kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan. This will be my first time to be in a man's house. Nakakayanig.  "Hali ka na," Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay nila. Color white at parang british style ang loob ng kanilang bahat. White, red at maroon ang nakikita kong kulay. May mga halaman din sa bawat haligi nito. Manghang-mangha ako sa aking nakikita. It's so big, so wide and so neat. It speaks fortune! Nagtaka na lang ako nang bigla kaming huminto. Agad naman akong napatingin sa kanya at sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Ganon ba ako ka busy sa pag examine sa bahay nila at di ko man lang ito napansin ito? Mabuti na lang talaga at nakahawak si Lucas sa kamay ko kung hindi kanina pa siguro ako nabangga dito. "Good afternoon Ma. Si Maria nga po pala, partner ko sa research paper. Dito na lang kami gagawa, parang uulan na kasi sa labas. Ok lang ba?" this is his Mom? She looked so familiar. Ang bata niya at ang ganda pa. Napatingin ako sa babaeng tinawag niyang mom. Seryoso lang ang mukha niya at pareho sila ng mata ni Lucas. "You know it's always okay with me, son. Your father will be happy to see you like this." Napatunganga ako sa pamamaraan ng pananalita ng kanyang Ina. Naalala ko bigla si Mama. Oh my. "Mom, what do you mean?" "Ate, pakihanda mo po ang veneranda." Baling ng kanyang Ina sa maid nilang dumaan. Ibinalik ulit niya ang tingin sa amin ni Lucas at nginitian ako ng matipid. "You know I always wanted to see your girlfriend, son." Napakunot noo ako sa sinabi nito. "What?" sabay sabi namin ni Lucas. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "She's not you girlfriend?" Excuse me? What? Me? Hindi ko napigilan ang pag-init ng aking pisnge. "Mom, she is Maria. Group mate ko po." Lucas corrected her. Napanguso ang ina nito. "Akala ko pa naman may girlfriend ka nang ipapakilala sa amin. Akala ko kasi kayo. Friend's don't hold hands like that." Dahan-dahan kong binaba ang aking paningin sa aking kamay. Yes. Lucas is holding my hand, is there a problem? Oh fudge! Of course Maria! That's a problem. Strangers don't hold hands.  "Lucas," bulong ko habang sinusubukang kunin ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak. Unti-unti nang gumagapang ang hiya sa aking katawan. Umiinit na din ang aking tenga. Bumuntong hininga siya. "Mom." He said in a warning tone. "Iyon nga anak. Sorry na. Akala ko lang naman." Mas lalong humigpit ang hawak ni Lucas sa aking kamay. Nagpaalam siya dito at pumunta sa kanilang veneranda. Hinanap ko ang mata niya. He looked uneasy. "You okay?" hindi ko maiwasang itanong. Binitiwan niya ang kamay ko at tumingin din siya sa akin. "I'm sorry sa inasta ni Mommy kanina. Sorry talaga. She's always like that." Nakakamot-ulo niyang sabi. Nginitian ko na lang siya ng pilit. Well, that was awkward. Seriously. "It's okay. I like your mom." Hindi ko maiwasang sabihin.  "Really?" aniya. Umaliwalas ang kanyang mukha. Napaiwas na lang ako ng tingin. Naalala ko si Mama sa Mommy niya. Hindi ko na siya sinagot pa. I heard him cleared his throat. "Kuha lang ako ng makakain at maiinom. Is this place okay for you?" agad akong tumango. "Sige. Make yourself comfortable." Dagdag pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD