Kabanata 7

699 Words
Kabanata 7 I'm home Napatingin ako sa labas. It's already late at hindi man lang namin namalayan ang oras. Tumigil na din ang ulan sa labas.  Tapos na kami sa chapter 1 at patapos na din kami sa Chapter 2. Hindi pa naman bukas ang deadline pero maganda kasing magpasa ng maaga para wala nang problemang iisipin. "Final na ito ha? Human behavior varies in two; Nature and Nurture. A Nature human behavior is a behavior that is naturally possessed by the child and a Nurture human behavior is a behavior adopted from the society or the environment the child has." Tumango ako sa binasa niya.  Humikab ako at napahilamos sa aking mukha. Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. "PAgod ka na?" tanong niya sa akin. "Yep. Can we stop for now?" mahinang sabi ko. Napatingin ako sa aking relo. It's almost 10. And I'm starving. "Sure. Magpahinga ka muna. Maghahanda lang ako ng pagkain. Alam kong gutom ka na." "Huwag na Lucas. Sa bahay na lang ako kakain. Late na." "No. You stay. Sit. I'll be back." Napaawang ako sa inutos niya sa akin. May mali ata sa sinabi niya. Stay? Sit? Is he crazy? Do I look like a dog? "What?" sabi ko. "Is there a problem?" tanong niya kaagad sa akin. O yes Lucas. We have a problem. "You can't just tell people to sit and stay Lucas. I'm not a dog." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What? Hindi ko sinabing aso ka." "No! You shut up. Uuwi ako ng bahay at doon ako kakain. Hindi. Ako. Aso." Marahas kong sinara ang netbook ko at nagmamadali akong ligpitin ang aking mga hand-outs. How dare him tell me that. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na mag-iisip ka nang ganyan. You know I did not tell you that on purpose." Naitikom ko ang aking bibig habang umupo ulit. Binitiwan ko ang aking hand-outs at humalukipkip. "Sorry." Aniya ulit. Ipinikit ko na lang ang aking mata. I don't know what's wrong with me at bigla na lamang uminit ang ulo ko sa nasabi niya. Siguro kasi ayaw na ayaw kong inuutusan ako ng mga taong hindi ko lubusang kilala. Pinilit kong huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili. Ilang minuto na ang lumipas at nanatili pa din akong nakapikit. Hindi ko na din siya narinig na nagsalita at puro buntong-hininga lang ang naririnig ko. Malamig na nakayakap sa akin ang hangin. Alam kong lagpas alas diyes na. "I think I s-should go." Dumilat ako tiningnan siya. Nakatingin siya sa malayo. "Lucas," pukaw ko sa kanya na halatang lumilipad ang isipan. "Hatid na kita." Aniya nang matauhan. Tumayo siya at siya na mismo ang nagligpit sa aking hand-outs. Tumayo ako pero nanatili pa din sa kanya ang mata ko. "Lucas," tawag ko ulit. Para niya akong hindi narinig. Kinuha niya ang netbook ko at ipinatong niya dito ang aking mga hand-outs. "Sorry..." Sabi ko.  Alam kong may kasalanan din ako. High-blood ako masyado. Hindi ko naman sinadya. Talagang nagulat lang ako sa sinabi niya. Tumigil siya at tumingin sa akin. He smiled faintly, "I'm sorry din." Sabay kaming lumabas sa kanilang bahay. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanyang ina dahil tulog na ito. Tahimik pa din siya sa aking tabi habang dala-dala niya ang aking kagamitan. Hindi ko alam kung hanggang saan niya ako ihahatid. Tahimik na ang daan dahil late na din at mukhang tulog na ang aming mga kapitbahay. "Thanks," sabi ko nang makarating na kami sa harapan ng aming bahay. "Sorry. I swear, hindi k-" "It's okay Lucas. Sorry din." Singit ko sa kanya. "Sa susunod I'll be careful with my words. Sorry talaga." aniya. "Thank you. Text me when you are home." Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyong sinabi ko. Dahil nagulat din ako sa aking sarili ay agad akong tumalikod at nagmamadaling pumasok ng bahay. Napahawak ako sa aking dibdib. Maria, what was that? Ilang segundo pa akong nakatayo sa sala habang iniisip pa din ang nasabi ko. Tumunog ang hawak kong cellphone. Kinakabahan akong tiningnan ito. Lucas: I'm home. Napapikit ako. Damn! Baka. Baka kung ano ang isipin nun. Lucas: Thanks for today. See you tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD