Kabanata 8

1275 Words
Kabanata 8 Wait for me  Nagising ako sa pagvibrate ng aking cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan. Lucas: Good morning. Kita tayo school bago mag start klase mo. May ibibigay ako. Ibibigay? Ano kaya ang ibibigay niya? Baka projects na naman namin to. Iba din ang isang ito. Seryoso kung seryoso. Tinapos ulit namin ang chapter 2 kagabi sa kanilang bahay pagkatapos ng kanyang praktis sa basketball. He became sensitive with his words but his actions are so different. Nagabihan ulit ako at naulit ang nangyari. Hinatid niya ulit ako sa bahay. Same thing. 6:46 AM pa lang sa aking relo. 9:00 AM pa ang unang klase ko sa araw na ito. Ako: Good morning. Reply ko sa kanya. Bumangon ako sinuklayan ang buhok gamit ang aking daliri. Lucas: Anong oras ka pupunta? Ako: Mga 7:30 siguro. Lucas: Anong oras unang klase mo? Isa sa mga napapansin ko kay Lucas ay puno siya ng tanong. Lagi niya akong tinatanong. At hanggang ngayon, ganoon pa din. Ako: 9 pa. Lucas: Bakit maaga ka pupunta dito? See? He is full of questions. Ako: Punta ako library. May titingnan akong libro. Lucas: Dito ka na lang din kumain. Sasamahan kita. Kumunot ang noo ko sa reply niya. Wala pang 7:30 nang makarating akong school. Ngiting-ngiti ang guard sa akin nang makita niya akong may I.D na soot. Ngayon lang ulit kami nagkita. Iba ang shift niya noon. "Ganyan. Dapat sa susunod, hindi na kakalimutan ang I.D iha ha? Mas maganda ka kung may I.D." napasimangot ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o nagpaparinig. Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na ako sa hallway. "Hi Maria." Napatingin ako sa aking likoran sa taong bumati sa akin. Nakita ko agad ang nakangiting Monique kasama ang iba ko pang classmate. "Let me guess, library ka din ano?" tanong niya sa akin na nakangiti pa din. "Oh wait, alam ko na ang sagot. Sa library ka din pupunta." She added in a sure manner. "Morning Maria." Bati sa akin ng mga kaklase kong kadadaan lang din. Sabay ko silang tinanguan lahat. "Tapos na kayo sa Chapter 1 and 2?" tanong ng classmate kong may kulot na buhok at medyo brown pa. "Yep." Tipid kong sagot. "Of course, si Lucas ang kasama niyan natural na tapos na sila bago ang deadline." Napalingon naman ako sa katabi ni Monique. Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi. "What was that supposed to mean?" I asked her. "Nothing. You know, iba talaga kapag matalino at gwapo ang kapartner mo sa thesis." Naningkit ang mata ko sa kanyang sinabi. What? "Oxan," someone called her. So, she is Oxan. "Bye girls. Tatapusin muna namin ang aming chapter 2. Para naman makahabol kami sa deadline." Aniya at nagmamadaling umalis. Naikuyom ko ang aking palad. That was... "Maria, kami na nag magsosorry sa sinabi ni Oxan ha? Ganyan talaga siya. She was just jealous dahil partner mo ang lalaking pinangarap niya." Biglang singit ni Monique sa aking tabi. Humugot ako ng malalim na hininga at lumunok. "Don't mind her, Maria." Dagdag pa ng kasama ni Monique. Yeah, I shouldn't mind her. "Well, shall we go to library?" ani Monique. I cursed mentally. I shouldn't mind her but I couldn't help but replay what she said. Sumabay ako sa paglalakad ng dalawa. Biglang pumasok sa isipan ko si Lucas at sa ibibigay niya sa akin. "Saang paaralan kaya ako maassign sa internship?" narinig kong tanong ni Monique. Sasagutin ko sana siya nang biglang mag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Dali-dali ko itong kinuha at tiningnan. Lucas: I saw you. Agad akong napalingon sa aking paligid. He what? Dali-dali akong nag type. Ako: Saan ka? Lucas: Look straight ahead of you. I'm watching you. Napalunok ako sa reply niya. Hindi ko alam. I look ahead of me and there I saw him. Sa corner ng MUST gymnasium na may dalang bola. Nakapakagat labi ako. He looked so... Lumapit ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit panay ang paglunok ko. "Hi," he whispered. Ramdam ko ang mapanuring mata ni Monique sa aming harapan. Napalunok ulit ako. This is crazy. "Akala ko sa Library ka pupunta, Maria. Kay kuya pala. Oh well, see you both around." Hindi ko na pinansin si Monique. Biglang kinuha ni Lucas ang dala kong shoulder bag. 'What are you doing?" naguguluhang tanong ko. "Helping you." He plainly said. Napaawang ang bibig ko. "Isasauli ko muna ang bola'ng ito at sasamahan kitang kumain." Aniya. Hinawakan ko agad ang kanyang braso. "My bag." I told him more likely a warning. "Hindi naman mabigat kaya okay lang. Wait for me. Sandali lang ito," itinikom ko na lang ang aking bibig. Gusto kong mainis sa kanya pero hindi kaya ng puso kong kumakalabog. Para akong galing sa takbuhan sa kalabog nito. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisnge. Nang maisauli niya ang bola sa kung saan ay sinamahan niya ako sa cafeteria. Dahil maaga pa, konti pa lang din ang tao dito. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang lutong spaghetti sa pinakaunang tindahan sa aming gilid. "Doon tayo." Ani Lucas sabay turo sa mesa na nasa gilid ng dalawang naglalakihang electric fan. Ginabayan niya akong umupo at saka niya binigay sa akin ang aking bag. "Wait for me, ako na ang oorder." Aniya I remained my silence. Again, gusto kong mainis sa kanya. "Are we good?" tanong niya sa akin nang makabalik na siya na may dalang spaghetti. Hindi ko pinansin ang tanong niya at kinuha ko ang spaghetti sa tray. Narinig ko siyang suminghap. We are good Lucas. We are really good. "Maria, may nagawa na naman ba ako?" tanong niya ulit. Kumuha ako ng pasta at sinubo iyon. "Let me guess, galit ka kasi kinuha ko ang bag mo?" binuksan ko ang mineral water niyang bili at uminom ng tubig. "Crap." He cursed silently pero narinig ko pa din. "Is that even a big deal? Friends do that for heaven sake!" natigilan ako sa kanyang sinabi. "So you mean sanay kang  mang-agaw ng bag sa mga classmates mong babae?" kunot-noong tanong ko. "No! It's not what I mean. Sa iyo lang ako ganito!" Binalikan ko ulit ang pasta at kumain. Jesus, Maria! You need get your s**t back here. Tahimik na si Lucas hanggang sa matapos ako. Tiningnan ko siya at agad nagkita ang aming mga mata. "First time ko ito. Sana alam mo." Diretsong sabi niya. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Tumayo siya at ginabayan niya din akong tumayo. Kinuha niya ulit ang bag ko pero hindi na ako nanglaban. Naglakad kami papasok ng gym. Dala-dala pa din niya ang aking bag. Umakyat kami sa bleacher sa may ikalawang palapag. Tahimik pa din siya. "Y-you don't have class?" tanong ko bilang pagpatay sa mataas niyang katahimikan. Bigla siyang umiling, tahimik pa din. Tumango ako. Okay. Kung ayaw niyang magsalita e di huwag. "I have class." Bulong niya. Napalingon ulit ako sa kanya. "Late ka na." nag-aalalang sabi ko. "Galit ka." Kumunot ulit ang noo ko sa sinabi niya. "Lucas," nanghina ako sa pagpiyok ng boses niya. "I know." "Late ka na." ulit ko. "I know." "Lucas..." this conversation is going nowhere. "Hihintayin kita dito hanggang sa matapos ang unang klase mo." Napalingon siya sa akin sa aking sinabi. "Dito lang ako. I'll wait for you here." Huminga siya ng mamalim at ilang saglit na nanahimik. Nanatili ang mata ko sa kanya. Tumango siya. Kinagat niya ang kanyang labi. "Okay." Unti-unti siyang lumapit sa akin at nanlaki na lamang ang mata ko nang bigla niyang dinampian ng halik ang aking noo. "Wait for me here." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD