SIMULA
“SVCK MINE, SANTINO,” pabiro kong bulong sa kaniya.
Mabilis niya akong tinulak. Pagtingin ko sa kaniya, nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Wala siyang interes sa akin!
Napangiti ako sa naging reaksiyon niya. Tama nga ang hinala ko. Hindi talaga nagkakamali ang basa ko sa kilos ng tao. Sa madaling salita, hindi sayang ang dalawang taon na inaral ko noon bilang psychology student.
Sa kasamaang palad, napahinto lang naman ako noon sa pag-aaral. Hindi dahil mahina ako sa klase kung hindi nabuntis ako nang maaga ng isang estranghero na mahirap tanggihan. Ang estrangherong tinutukoy ko ay ang kaharap ko ngayon. Ang ipinagtataka ko, bakit hindi niya ako natandaan?
Para sa akin, imposibleng malimutan niya ako. Anim na taon pa lang ang lumipas at limang taon na ang anak namin. May ilaw naman noong unang gabing nagpadala ako sa tukso. Hindi ako ilusyanada para angkinin na lang na siya ang ama ng anak ko. Kahit lasing ako niyon, sariwa pa rin sa akin ang alaalang iyon.
Hindi ko makalilimutan ang pulgada ng bawat bahagi ng katawan niya. Kaya nga noong kinindatan niya ako noong gabing iyon, agad akong lumapit at nagpagamit.
“No. I’m against premarital s*x. Please respect my religion,” sagot niya.
Napangiti ako. Kung maka-against, akala mo kung sinong inosente. Halos nga niya akong lunukin noong gabing iyon. Hindi ko maikakaila kung gaano siya kahalimaw pagdating sa kama. Hands down ako sa kaniya pagdating doon.
“Then marry me para pwede na,” sagot ko.
“I don’t like you,” mabilis pa sa kidlat na sagot niya.
Napakunot ang noo ko. As if hindi niya sinabi sa akin noong gabing iyon na ako ang pinakamagandang babae na nakilala niya sa tanang buhay niya. Siguro kung malaman iyon ng ina at kapatid niyang babae, magtatampo talaga ang mga iyon sa kaniya.
“Okay na lang. But do you find me pretty?” tanong ko, napakunot ang noo ko habang hinihintay ang sagot niya.
“Lil’ bit,” sagot niya. Napabuntonghininga siya at mabilis na kinuha ang business suit na susuotin niya. “Pero ano ba! Umayos ka nga riyan! Mas mabuti pang ipagluto mo na lang ako roon ng agahan. Personal maid lang kita, Sarah, at wala akong planong patulan ka!”
“Ang sakit mo naman magsalita, Santino.” Inirapan ko siya kahit siya pa ang nagpapasahod sa akin.
“Sir…” pagtama niya.
Inilapit ko ang ulo ko sa kaniya at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya. “Ano po? Baby?”
“Sir…”
“Baby?”
“Isang banat mo pa, babanatan kita,” pagbabanta niya.
“Baby, baby, baby!” mabilis pa sa kidlat na sagot ko sabay talon sa kama. Nilingon ko siya sabay buka ng pagitan ng mga hita ko. “Ako pa talaga pinagbabantaan mo, ha? Pumaibabaw ka’t kainin mo ako... nang buhay.”