Chapter 3

2532 Words
Truth Ilang beses nang nag-apologize si Klea sa akin dahil sa mga sinabi ng tita niya kagabi sa engagement party nila. Wala naman na akong pakialam sa kung anuman ang naging reaction ng mga tita niya sa sinabi ko. Sa totoo lang, I had a great sleep last night. "Ash! Are you sure it's okay?" Hindi pa rin mapakali sa pagtatanong si Klea habang nagkakape ako sa veranda ng beach house. Mabilis naman akong tumango bilang sagot. Hindi ko naman iniisip kung anuman ang opinyon nila sa buhay ko. I'm okay with my life, it's their problem if they see it the other way. Ang alam ko wala naman akong tinatapakang tao, bakit kailangan nilang makialam? "Klea, kapag sinabi kong walang problema, wala talaga. You know how I speak frankly, so don't mind whatever happened last night." I said so that she'd stop thinking about it. "Oo, alam kong hindi ka basta-basta naaapektuhan sa anumang sinasabi ng iba. Pero nag-walk out ka kagabi sa event. I was worried na baka pati sa akin mag-isip kana rin. Kilala mo naman ang ibang relatives ko and how they speak with other people." "Yeah. It's not a big deal anymore. I had a good sleep. Umalis ako ng party because I want to unwind. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga party." Klea heaved a deep sigh. She knows when to stop arguing with me. Masyado na niya akong kilala para kulitin pa niya at hindi paniwalaan ang salitang binitiwan ko. Besides, I won't stop an argument if my point is not yet proven. "By the way, I would like you to meet someone!" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Klea nang may matanaw siya sa di-kalayuan. Kaagad niyang kinawayan 'yon. Hindi na ako nag abalang tumingin at sumimsim na lang sa aking kape. "Jami!" Sigaw pa ni Klea habang tinatawag ang taong 'yon. Ilang sandali pa ay may mga yabag na papalapit sa kinatatayuan namin. Akmang lilingunin ko na ang bagong dating nang bigla siyang magsalita. "Oh, insan! Bakit? Anong breakfast?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na masiglang boses. Pati pala sa umaga, hindi siya nauubusan  ng energy. "Jami, I want you to meet my best friend. Hindi ko kayo mahanap last night kaya ngayon ko pa lang kayo ipapakilala sa isa't-isa." Masayang panimula ni Klea at sinenyasan ang lalaking 'yon. Nang maupo siya sa silyang katapat ko ay doon ko na mas nasilayan ang kanyang hitsura. He's now wearing a white v-neck shirt paired with a black jogger pants. Wala siyang headphone ngayon at ang specs naman ay suot niya pa rin. Mas maaliwalas pala ang kanyang mukha lalo na't natatamaan siya nang kaunting liwanag mula sa pagsikat ng araw sa labas. May pagkasingkit din ang kanyang mga mata na natatakpan ng makapal na lens ng kanyang salamin. Clean cut ang kanyang gupit subalit may kaunting bangs na tumatakip sa makakapal niyang kilay. Matangos ang ilong, manipis ang labi na palaging nakangiti at makinis na mukha. Mukhang hindi nga siya naaarawan dahil sa kaputian ng balat niya. "Dione!?" Ang malakas na boses ni Klea ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Halos masamid ako dahil sa kahihiyan. Alam kong hindi naman obvious na pinagmamasdan ko siya pero nakakahiya pa rin na nahuli nila akong tulala! "Guys, maiwan ko na muna kayo ha! Baka gising na ang fiancé ko. Bye!" Hindi na hinintay ni Klea ang sasabihin ko dahil mabilis na siyang nakalayo sa amin. Mukhang kanina pa siya may sinasabi pero ako itong nawala sa konsentrasyon. "So you're name is Dione or Ash?" He asked after a long silence. "Dione Asha," maiksing sagot ko at muling uminom ng kape. He chuckled so I looked back at him. "What do you want me to call you, then?" "Whatever you want" He nodded. Then afterwards, he extended his hand in front of me. "I am Jaire Miquel Buentiempo." He said with a huge smile on his face. " You can call me Jaire, Jami, Jamiq or whatever you prefer." Slowly, I accepted his hand for a shake. He seems comfortable with this introduction. Kagabi ay wala na kaming panahon na kilalanin ang pangalan ng isa't-isa. Nauna kasi akong magpaalam pagkatapos kong ikwento sa kanya ang ilang parte ng buhay ko. "Nice to meet you, Asha." He uttered that made me pause for a bit. Hindi na bago sa akin na may lalaking kakaiba ang gesture towards me. But this one seems to be different. Pure intention ang nakikita ko sa kanya. He's such a friendly person at wala akong nakikitang mali doon. "Nice to meet you, Jaire." I replied and smiled a bit. "Ano ba 'yan! Libre na nga 'yung ngiti bakit tinitipid pa?" Pagrereklamo niya at napakamot pa sa ulo. I rolled my eyes with his reaction. Natawa na lang siya dahil imbes na ngiti ay irap ang binigay ko sa kanya. "Ang sungit naman! Sige ka, tatanda kang dalaga," aniya na sinundan nang mahinang pagtawa. Natigilan naman ako at sinamaan siya ng tingin. He gave me an amusing smile and then lend his hand in front of me. "What?" I asked, suddenly felt confused. "Would you like to roam around Bataan? I can be your tour guide" Bahagya akong natawa nang marealize ang ibig niyang sabihin. "Sure. First time ko pumunta dito at mukhang maraming pasyalan. So why not?" I said without any hesitations. His face lit up and a sudden excitement was evident on his expression. "Tara?" He asked while holding his car key. "Ngayon na?" "Oo naman!" Mabilis akong tumayo at hinagilap ang cellphone at wallet ko. "Wait! I want to prepare some things! Road trip ba? How long will it take? Baka kinabukasan pa tayo makauwi ah!" Natatarantang sabi ko habang inaayos ang maliit na bag na nasa tabi ko. Natawa na naman siya. "Hay, iba ka talaga Asha. Ayaw mo bang gawin ang isang bagay na hindi planado? It's really more exciting! A long road trip without a specific destination is one of the best adventures you can do with your life." He is somehow right and got a point. I nodded and took my small bag with me. "Puwede naman nating iwan ang phone  to avoid any interruption. But it's up to you." He said and I saw how he placed his phone under the center table, inside a small box. Hindi ko naman gustong gawin 'yon. Paano kung may emergency? Saka necessary ang phone. I can do online banking here just in case we ran out from cash. "Kung hindi mo iiwan, walang problema. I brought a camera so I don't need my cellphone." He explained and showed a DSLR camera from his backpack. Tumango agad ako. Mukhang prepared siya samantalang ako, wala halos kadala-dala. "Aling sasakyan gagamitin natin?" Tanong ko nang nasa parking lot na kami ng beach house. He got his key fob. "Sa akin na. Mas alam ko ang mga pasikot-sikot dito." Aniya at ipinagbukas niya ako ng pintuan ng front seat. I immediately went inside the black Ford Pick-up. Ang ganda rin ng interior ng sasakyan niya na kaagad kong napansin. "Wear your seatbelt, Ash." Paalala niya nang paandarin niya ang sasakyan. Kaagad ko namang inayos ang seat belt ko. Nang masiguro niyang okay na ako ay kaagad na kaming umalis mula sa beach house. Ni hindi man lang kami nakapagpaalam kay Klea. God! This trip is so sudden! "Drive safely." I said when we were in the middle of the national road. He just nodded and gave me a 'peace' sign. "Sure, Boss! Don't worry." Napairap na lang ako at tumingin na lang sa mga tanawing nadadaanan namin. Mabagal lang naman siya magmaneho kaya mas na-eenjoy ang sariwang hangin mula sa labas. I extended my hand to feel the cold breeze on my skin. It feels great to have this calm feeling. "You can sleep if you want. We need two hours pa." Jaire said after we had a stop over in a convenience store. I nodded and drank an iced coffee. "Mahilig ka talaga sa kape, ano?" He asked while driving again. Kahit nasa biyahe ay patuloy pa rin niya akong kinakausap. "Yeah," tipid kong sagot. Napailing na lang siya. "Malapit nang mag-lunch. What do you want?" "Peace." I said nonchalantly. He chuckled again. "Okay then, I won't talk for a while." He said and then focus his eyes on the road. Hindi na niya ulit ako kinausap nun. Hanggang sa unti-unti kong namalayan na  hinihila na ako ng antok. I don't know. Maybe because of the cold breeze brought by the natural air that's why I felt sleepy. "Asha..." I woke up when I heard a soothing and soft voice. The moment I open my eyes, I saw Jaire's face. Halatang kanina pa niya ako hinihintay na magising. "Sorry, nakatulog ako." Mabilis kong inayos ang pagkakaupo. Napansin ko ang jacket na nakabalot sa akin. Inalis ko 'yon at ibinalik sa kanya. "Thanks," I said. Hindi niya kinuha 'yon. Napansin ko ring umuulan nang mahina sa labas at nakatigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nasa parteng palayan pa naman kami at wala gaanong bahay sa paligid. "Nasaan na ba tayo?" Tanong ko at pinagmamasdan ang paligid namin. "Nasa Bataan pa rin," natatawang sagot niya. Wala naman akong naging reaksiyon kaya't nawala ang ngiti sa labi niya. "Ah, malapit na tayo doon sa national park na sinasabi ko sa'yo kanina. Mag-eenjoy ka sa mga rides doon at mga animals. Sigurado ako doon." Dagdag niya at sinulyapan ang mukha ko. "Kumain kana muna. Nalipasan kana kanina kasi nakatulog ka. Ayaw ko namang gisingin ka kasi mahimbing ang tulog mo." Tinanggap ko naman ang paper bag na may lamang pagkain na inaabot niya. Mukhang nag-drive thru nalang siya kanina habang tulog ako. Mabagal lang siyang nag-drive para makakain ako ng lunch na binili niya. Pinilit nya rin akong suotin ko ang jacket nya kasi lumalamig na nga dahil sa mahinang pag ulan. "Here we are." Tumigil kaagad si Jaire sa national park na una naming pinuntahan. Agad niya rin akong ipinagbukas ng pinto ng sasakyan at nagshare kami sa payong na dala niya. "Ang malas natin! Umuulan pa," napapailing niyang sabi nang makapasok na kami sa loob ng park. Ngumiti na lang ako ng tipid at pinagmasdan ang mga hayop na nandoon. Hindi naman ako mahilig sa mga ganito eh. Minsan lang din ako maipasyal ng parents ko noon sa mga zoo at amusement park. "Asha!" Nilingon ko si Jaire sa di-kalayuan at saktong pagharap ko sa kanya ay ang pag-click ng camera. Hindi ako ready doon! Ni hindi man lang ako nakangiti! "Bakit mo ako kinunan ng picture?" Seryosong tanong ko at nilapitan siya. He just smiled sweetly. Para siyang teenager sa ngiti niyang 'yon. Nakakabata palang tingnan kapag madalas kang ngumingiti. Bumagay din kasi ang suot niyang specs at cap sa sweater at jogger pants niya. I wonder if he's working. He seems to be enjoying his life. "Mamasyal na lang tayo. Huwag kana magtanong!" Pinitik niya nang mahina ang noo ko at nilampasan ako. Wala na akong nagawa kungdi sundan siya. We took some photos there. May mga nakakilala din sa kanya doon at bumati. Naisip ko tuloy kung taga dito ba siya sa Bataan. "Jaire, hijo!" Sinalubong kami ng isang matandang babae nang pumasok kami sa isang pares house. Hindi ko pa nasasabi kay Jaire na ngayon lang ako kakain 'non. I've been health conscious all my life lalo na noong college ako. "Yung dati pa rin ba?" Tanong ng matanda at magiliw kaming tiningnan. Jaire nodded and glanced at me. "Eh ikaw Asha, anong order mo?" He asked. Nagkibit-balikat na lang ako kasi wala naman akong ideya sa ganoong pagkain. "The same with yours," I said casually. Ilang minuto lang kami naghintay at dumating na rin ang order. Maganang nilantakan naman ni Jaire ang pagkaing nasa harap niya. Samantalang alanganin ko namang kinuha ang kutsara at pinagmasdan 'yon. "Masarap 'yan. Never be afraid to try something new, right?" He said that made me speechless for a bit. He is somehow right. That's why I started eating pares with him. I can say that there's nothing wrong with exploring new things with my life. It was enjoyable actually. "Taga dito ka ba talaga sa Bataan?" I opened up a conversation when Jaire parked at an overlooking place here. Hindi ko alam kung saang parte na kami ng Bataan pero maganda ang view na nakikita ko ngayon. Madilim ang kalangitan, hindi na rin namin naabutan ang sunset dahil halos buong araw umuulan. "Nope. My mom was born here but we're living at Laguna ever since. Doon naman nakatira ang Papa ko." He answered and seated on the back of his pick-up. Naglahad din siya ng kamay sa akin para alalayan akong umupo sa likod ng sasakyan niya. Mabilis ko 'yong tinanggap at naupo di-kalayuan sa kanya. Sabay naming tinitingnan ang mga city lights sa aming harapan. "You want to know my truth?" He asked again after a long silence. I nodded while holding a cup of coffee. Hindi ko ma-explain pero ang peaceful pala na ganito lang. Coffee, overlooking place with someone you can talk with deeply. "Ano bang gusto mong malaman?" "Ikaw, kung anong gusto mong ikwento" sagot ko at sinulyapan siya. He heaved a sigh. Nakita ko pang lumagok siya ng kape mula sa cup na hawak niya. "I am 27 years old kahit hindi halata," natatawang panimula niya. "I'm a Computer engineer for five years. But I resigned three months ago. I started a small business, two branches of computer shops and services. I'm also one of the stockholders in an emerging telecommunications company." He explained and then looked at my eyes, trying to read my reaction. I nodded. Kaya pala parang hindi siya abala sa career niya at easy-go-lucky lang siya. "I'm done with my career that's why I stopped and pursue business. Mas gusto kong hawak ko ang oras ko at na-eenjoy ko ang buhay..." Katahimikan. Wala akong masabi. Ayaw kong magkomento sa bagay na 'yun. "I can say that I am successful already, with my career and bachelor's life. Nakailang travels na rin ako even abroad. But lovelife?," He chuckled. "I had girlfriends before, a lot of girls. Pero ewan ko ba, hindi ko mahanap ang compatibility sa kanila. We're good at the beginning but as the relationship takes longer, nagiging toxic." "So they are just a trial and error," sambit ko na kaagad niyang ikinatawa. "Oo, kasi ganoon naman talaga diba? Even women, they only look for a better partner. Someone you can connect your personality with and can handle your differences." He is right. Kahit ako, hindi basta-basta nagse-settle if a person isn't compatible with me. "Pero alam mo ba kung ano 'yung kaisa-isang bagay na gusto kong ma-achieve, Asha?" Hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa naging tanong niya. Kahit siya pala, may isang bagay na gusto ring mahanap. "A-ano naman 'yon?" He smiled sadly. Pero nakikita ko ang pag-asa sa mga mata niya. "Love. I want to experience real love." And that was the moment I started to question myself, too. What is the only thing that can make me completely happy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD