Chapter 4

2126 Words
Chapter 4-Time "So how was your date with him?" Naalimpungatan ako sa boses ni Klea gayundin ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Tamad akong bumangon at hinarap siya. "What?" I asked with my sleepy voice. Klea just rolled her eyes and placed a tray of breakfast on the bedside table. Hindi ko na namalayan ang oras! Madaling araw na rin kami nakauwi ni Jaire from our two-day trip. Ilang oras palang ako nakakatulog tapos inabala pa ako nitong si Klea. "So ano? Magkwento ka nga, girl!" Excited na sabi niya at naupo sa tabi ko. Marahan kong inayos ang magulong buhok at ipinusod. "Wala namang dapat i-kwento. We just had a long road trip around Bataan." Walang buhay kong sagot at humigop sa kape na dinala niya. "Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya na sinundan ko naman nang pagtango. "Jaire and I are only good acquaintances. He's fun to be with, iyon lang. Wala namang dapat na humigit pa doon." Napatayo na si Klea, halatang nawalan ng excitement sa naging sagot ko. "I can't believe this!" Palatak niya at mukhang nag-iisip pa. "Jami is Austen's cousin in mother side. Magkapatid ang mga nanay nila! Ayon kay Austen, Jami is really friendly with girls. Pero...pero kakaiba naman kasi 'yong trip niyo eh. Kahit ikaw, Ash. You've never had an adventure with a guy, especially a stranger!" Napanguso ako. May point naman kasi siya. Pero naniniwala rin akong mabuting tao si Jaire. I know some part about his life, para masabi ko 'yon. "Wag mo nang isipin na big deal 'yon, Klea. It's just that...I wanna try something new. Masyado kong kinulong ang sarili ko sa mga limits ko noon. It's about time to search for anew and learn from it." I reasoned out. Klea nodded, seems convinced. "But are you sure, you don't like him?" Mabilis akong umiling. "Definitely no." Nagkibit-balikat siya at iminuwestra ang pagkaing nasa tabi ko. Wala naman akong nagawa kungdi ubusin 'yon. Gutom na rin kasi ako eh. Hindi rin siya nagtagal sa kwarto ko at nagpaalam na may aasikasuhin pa sa kusina. "Hoy!" Kumaway pa si Jaire nang ilang beses nang matanaw ako mula sa sun lounger na kinauupuan. Kaaahon niya lang mula sa dagat. He's only wearing board shorts and topless! Hindi naman ako na-intriga doon! Ang payat kasi niya! Well, hindi naman as in sobrang payat pero yung katawan niya hindi hunk ang datingan. Yung mga ex ko, alagang gym 'yon. Samantalang siya, mukhang babad sa aircon at computer eh. Well, bakit ko ba iniisip? Wala lang, gusto ko lang mag-komento sa katawan niya. Maybe because he's tall that's why he looks skinny. Pero okay lang naman, flat naman ang tummy niya even without abs. Mabuti nga at naaarawan siya kasi ang puti niya talaga! "Hoy!" Inis ko siyang nilingon. Nasa harapan ko na pala siya at malawak pa rin ang ngisi sa akin. I can't believe this man! "Akala ko umalis kana," he started to talk. Sa buhangin siya nakaupo habang sinusuklay ng daliri ang kanyang basang buhok. "Maybe tomorrow or the other day. Susulitin ko lang ang bakasyon ko." He smiled when he gave me a glance. Nanatili namang seryoso ang ekpresiyon ko. "Ako din, aalis ako bukas o makalawa." "You're going back to Manila?" "Hindi. Sa Laguna muna ako, dadalaw ako kila Mama. I'll be back in Manila next week." He answered. "Eh ikaw ba?" "Nothing usual, back to work in Manila after this vacation." I replied casually. Narinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga. "Sana...sana magkita ulit tayo pagkatapos nito," he uttered that made my heart skipped a beat. That was our last conversation that day. Kinabukasan, nagpunta kami ng Bagac, Bataan. Sa Las Casas Filipinas De Acuzar na isa sa mga historical tourist destinations sa bansa. Isa kasi ito sa mga target location nila Klea at Austen para sa Pre-nup photo shoot nila next month. Wala akong hilig sa history pero masasabi kong napakaganda nga ng lugar na ito. Pakiramdam ko tuloy eh nagbalik ako sa taong 1980s at halos lumang disenyo ng kabahayan at kagamitan ang nakikita ko. "Bagay ba talaga sa akin 'to?" Nakangiwing tanong ko kay Jaire habang hawak niya ang DSLR camera. He gave me thumbs up with his usual grin. Nakasuot din siya ng modern style barong Tagalog at brown na slacks. Samantalang ako ay kulay cream na Filipiñana na may simpleng burda at plain na itim na saya. Pakiramdam ko tuloy ay mukha akong matandang dalaga sa suot ko! "Natitiyak kong bagay sa'yo ang kasuotan mo, Binibini." Yumukod pa si Jaire na akala mo'y nasa sinaunang panahon talaga siya. Sinuklian ko na lang siya ng irap at pilit na ngiti. "Sige na! Pose kana diyan, Asha!" He said from a distance. Kasalukuyan akong nakatayo sa bandang dulo ng grand staircase ng Hotel de Oriente inspired dito sa Las Casas. Napaka-elegante ng mga disenyo dito. Talagang nababagay sa ating mga Pilipino kapag suot ang tradisyunal na kasuotan. "Isa pa, Binibini!" Wala na akong nagawa kungdi ang mag-pose pa ayon sa instructions niya. Hindi nga rin ako sigurado kung okay ba ang ngiti ko doon kasi feeling ko ang stiff ko. But, Jaire did encourage me to loosen up and be comfortable with myself. "Salamat pala," ang sabi ko habang sabay kaming kumakain sa isang Cuisine dito sa Las Casas. Sinuklian niya lang ako nang ngiti habang nilalantakan niya ang mga kakanin na nakahain sa harapan namin. Samantala, naunang umalis sina Klea at Austen para sa isang dadaluhang event. Kaya kami ang naiwan ni Jaire at para ma-enjoy na rin namin ang buong araw. "Ano namang tawag dito?" Tanong ko habang hawak ang isang kakanin na nakabalot sa dahon ng saging. "Suman 'yan." Jaire answered and handed me plate of sweet coconut caramel syrup. Ang sabi niya eh gawa raw sa minatamis na bao ng niyog ang sawsawan na 'yon. "I remember na isa ito sa mga inihahanda tuwing Pasko at Fiesta. Minsan lang ako nakatikim nito noon since my parents like Spanish foods." "Oo, paborito talaga ng mga Pinoy 'yan. Isa pa, halata namang hindi ka pamilyar sa ibang pagkain na ganyan eh. Hindi ka siguro napapasyal sa mga probinsiya noon ano?" Kaagad akong umiling. Hindi naman ako mapili sa mga pagkain noon. Sadyang 'yung mga ganitong pagkain na nakasanayan ng mga Pinoy ang hindi ko kinamulatan noon. I was home schooled during my elementary years. Naging introvert ako noon at halos walang kakayahan na makihalubilo sa iba. But when I entered high school, I've found out my real self. Kung ano nga bang gusto kong gawin at kung ano 'yung mga bagay na makakapag-excel ako. Nakakatuwang isipin na nagagawa ko na 'yung mga bagay na nakaligtaan ko noon. It's never too late, though. I just isolated myself back then. "Gusto mo ipasalubong 'yung mga kakanin na 'to sa pamilya mo?" Tanong ni Jaire nang matapos kami sa pagkain. Marahan akong tumango. "Yes. Gusto kong ma-familiarize ang mga 'to." I said and looked at the delicacies and dishes in front of me. Hindi rin kami nagtagal ni Jaire doon. Pagkatapos kong mamili ng mga pasalubong na iuuwi ko sa Manila, nagyaya na rin siyang umuwi. I thanked him that day. Marami siyang nagawang tulong para sa akin. Sayang nga lang at uuwi na kami para balikan ang buhay na kinasanayan namin. "So paano ba 'yan, mauuna kang umalis." Jaire started when he went on the seashore. Halos mataas na rin ang sikat ng araw. Binigyan ko ng ilang minuto ang sarili ko para makapagpaalam sa kanya. Nakahanda na ang aking sasakyan kanina pa pero sadyang ginusto kong kausapin muna siya. "Hindi ko alam kung magkikita pa ba tayo pagkatapos nito, pero umaasa ako." Napalingon ako sa kanya dahil sa binitiwan niyang salita. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Wala kaming number ng isa't-isa. Hindi na rin namin inalam ang social media accounts namin dahil hindi na mahalaga 'yon. He knows that I want to meet him again in an unexpected way. "Asha," he called my name. I gulped as I met his gaze. Looking at his eyes, I felt so puzzled. Ngayon lang ako naguluhan nang ganito. But I know that this isn't special. He's such a good companion in almost a week that I've stayed at this place. "Gusto mo ba akong makita ulit?" Marahan akong tumango bilang sagot. "Kailan? Paano?" He asked, sounded desperate for a concrete answer. "Sunset...on the first sunset of a month," walang pag-aalinlangan kong sagot. He seems speechless with my words. Ako naman ang tumingin sa mga mata niya at ngumiti. "Iasa natin sa tadhana, sa tamang pagkakataon. When the time is right, we'll meet again." Natawa siya nang mahina. "Hay, talagang kailangan nating umasa sa perfect timing ano?" Nilingon niya ako at pinagmasdan ang aking mukha. "Yes, I believe that if it's going to happen, it will happen. No one can change that." He nodded, seems convinced. "I respect your decision, Asha. Let's meet during the...first sunset of a month. Hindi ko alam kung kailan, saan o paano, basta sa unang paglubog ng araw. Palagi kitang aabangan sa dalampasigan, baka umayon ang tadhana di ba?" He smiled sadly. I smiled back and tapped his shoulder. Tila naestatwa naman siya sa ginawa ko. "See you... at first sunset, Jaire." He nodded again and avoided my gaze. "See you... See you at our first sunset, Asha. I'll wait for that time." He mumbled and gave me a genuine smile as our farewell. Afterwards, I left him on the seashore. Hindi ko piniling lingunin siya ulit dahil baka maisipan kong planuhin ang susunod naming pagkikita. Gusto kong maniwala na balang araw, magkikita kami ulit. Kahit sa pagkakataong ito, gusto kong maniwala na may tadhana. Kahit hindi ko pinlano at ginawan ng paraan. Ayaw kong unahan ang tadhana sa kung anuman ang inihanda niya para sa akin. Kung ibibigay niya sa akin ang isang bagay, alam kong sa tamang panahon. We both deserve the right time for us. Kung muli man kaming pagtagpuin, baka hindi na ako magdalawang isip na subukang kilalanin siya nang mas malalim. Sa tamang pagkakataon, kapag tama na ang lahat sa aming dalawa. "Dione, anak." My mom welcomed me with a warm hug as I've arrived at our living area. Halos kauuwi ko lang from Bataan at naisipan kong dumaan dito para ibigay ang pasalubong na binili ko. Kaagad akong kumalas sa pagkakayakap niya. "Hi, Ma. Idadaan ko lang po ang mga ito. Baka gusto ninyong tikman. I've been to Bataan for almost a---" Naputol ang sinasabi ko nang mapansing nakatitig si Mama sa aking mukha. Malungkot siya at tila naluluha pa. "May...problema ba?" nagtatakang tanong ko. My mom shook her head and wiped her tears. "Dione... Galit kapa rin ba sa akin?" Mabilis akong umiling kahit na nagulat din ako sa naging tanong niya. Hindi niya siguro napansin noon na naghinanakit ako. Pero tapos na 'yon. Ayaw ko nang balikan pa. "Kung iniisip mo na hindi kami proud sa mga narating mo, nagkakamali ka." Lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang mga kamay ko. Nabitawan ko ang mga paper bag dahil na rin sa emosyong kumakawala sa sistema ko. "We're sad, because you didn't pursue the degree we wanted for you.. pero proud kami, anak. You did your best in your own way. Nagtagumpay ka kahit pakiramdam mo walang naniniwala sa kakayahan mo." Slowly, I felt tears forming around my eyes. Mali ako. Akala ko hindi na magigising ang sakit na 'yon sa puso ko. Akala ko wala ng epekto sa akin dahil nasanay na ako. But hearing my mother's side, makes me feel bad for myself. Bakit ako nagtampo? Bakit hindi ko sila tinanong noon? "Dione, hindi pa siguro huli ang lahat. Sana mabigyan kami ng pagkakataon na makasama ka. Huwag mo kaming layuan, huwag kang gumawa ng pader sa amin. We are your family. We love you. Hindi ibig sabihin na kaya mo nang mag-isa, mananatili kang mag-isa." I nodded. She's right. I caged myself from anger and one-sided judgment. Tama si Jaire, mas masaya pala kapag naririnig mo na ang isang bahagi ng kwento. Mas gumagaan pala kapag ikaw mismo ang kusang nag-aalis ng mga bagay na pinapasan mo. "It's okay, Ma. Marami pang panahon para bawiin 'yon. It's done. Ang mahalaga, nandito pa rin ako. Handa pa rin akong bumalik sa tahanang ito." My mom smiled genuinely until I felt her warm arms around me. Hinayaan ko siyang yakapin ako at hinaplos ko naman ang kanyang likod. Kahit sa ganoong paraan, maramdaman niyang wala na akong hinanakit. Ayaw kong maging dahilan ng bigat sa loob ng mga mahal ko, kaya't kusa kong aalisin 'yon. Hindi lang para sa kanila, kungdi para na rin sa sarili kong paghilom at pagtanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD