Napabuga ng hangin si Trey. “May asawa akong tao. Kung matutulog ako every three nights with Krista, hindi ba iyon malinaw na imoral na gawain? Ano na lang ang sasabihin ni Donna tungkol dito?”
Bumilis ang t***k ng dibdidb ko sa pag-flash ng ideya na gabi-gabing isa sa kanila ang makakasama ko sa pagtulog pero dinismis ko kaagad ang kakatwang naisip.
“Relax Trey. Ang sabi lang naman sa last will, matulog sa loob ng iisang kwarto, hindi sinabi na kailangang sa iisang kama,” paliwanag ni Attorney.
Napaigtad ako mula sa pagkakaupo. Ibig bang sabihin iniisip rin nilang magkakapatid na hindi lang simpleng pagtulog ang mangyayari sa amin tuwing gabi? Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako ng laway.
Natahimik ang lahat ng ilang sandali bago nagsalita si Zane. “Pwede na sana kung sa loob lang ng isang linggo. Pero ganoong klaseng routine sa loob ng susunod na apat na taon? That’s ridiculous. May business kami Attorney na halos lahat ng oras during weekdays kailangan kami.”
Tumango ng pag-sang-ayon si Attorney. “Naiintindihan ko ang saloobin ninyo pero bilang abugado ng tatay ninyo at tumatayong executor ng kaniyang last will, ipinapaalam ko lang sa inyo kung ano ang kaniyang kondisyon para makuha ninyo ang mana. And as I said, pwede ninyong ilaban sa korte.”
Tumingin sa akin si Attorney na nagpakaba sa akin ng todo. “Kaya lang malinaw sa will pagkatapos itong ipaalam sa inyong apat, lahat ng suporta para sa kapatid mo Krista ay pansamantalang ititigil hanggang makuha ko ang sagot ninyong apat at full commitment to do Genaro’s conditions. The hospital was already informed about this an hour ago.”
Bumigat ang pakiramdam ko. Ano ng mangyayari kay Lilet sakaling hindi pumayag ang magkakapatid na gawin ang unang kondisyon o kaya naman piliin na lang ang padalawa?
“Tatanggalin ba nila ang life support ni Lilet?” parang mababasag na ang tinig ko nang magsalita.
Umiling si Attorney. “Hindi nila gagawin iyon due to humanitarian reasons. Ang mangyayari lang, from now on, ikaw na ulit ang sasagot sa bill ng kapatid mo. The hospital will once in a while demand advance payments from you at kung hindi mo maibigay hindi ko alam kung anong consequences.”
Hindi kasundo ng magkakapatid ang ama nila kaya mukhang malabong pumayag sila sa gusto ni Genaro lumuhod man ako sa harapan nila ngayon. Bumigat ang aking kalooban. Hindi ko na napigilan ang pagbalong ng luha sa aking mga mata na pagkatapos ng sakripisyong pagpapakasal ko kay Genaro, nauwi rin ang lahat sa wala.
Si Lilet. Paano na si Lilet?