Nag-flash sa akin ang tagpo sa swimming pool kagabi. Kung totoo ang sinasabi ni Lip, kung nanatili pala ako sa pagsilip sa kanila sa pool baka napanuod ko ng live ang torohang sinasabi niyang gustong makakuha ng kopya. May pagka-exhibitionist ba si Lip?
“Nasaan ang main control room?” pagalit na tanong ni Trey.
Umiling si Attorney. “Sa ngayon, it will be kept a secret from all of you. Not until we settled the conditions written in the will. Iyon din ang pagbabasihan ko kung nagawa na ang mga nakasulat sa mga papel na harapan ninyo sakaling iyang option na ‘yan ang piliin niyo.”
Matagal ang namayaning katahimikan pagkaalis ng abugado. Balisa ang mukha ni Trey. Malalim namang nag-iisip si Zane samantalang si Lip, tinanggal sa ulo ang ball cap na suot saka pinapaikot-ikot sa dulo ng kanang hintuturo.
“Kailangan natin ng pera ni Daddy,” finally binasag ni Zane ang katahimikan. “We need to save our company.”
Ano kayang tinutukoy ni Zane? Naihilot ko ang mga daliri sa aking sentido. Ang daming nabulgar na impormasyon sa akin ngayon na parang ang hirap i-process lahat sa utak ko ng sabay-sabay.
Napaismid si Trey. “Ano sa tingin mo?” sagot-tanong niya kay Zane.
“Kagaya ng nasabi ko, kailangan natin ng pera para i-save ang kumpanya natin. Mabayaran ang mga nautang mula nang magkasakit si Mommy.”
“May sarili kayong kumpanya?” hindi ko napigilan ang sarili sa pagtatanong.
“Yup,” si Lip ang sumagot, ipinatong sa mesa ang sumbrero. Nagseryoso ng bahagya ang mukha at nawala ang pagiging cool, “Pag-alis namin dito, nagtayo kami ng isang demolition company. Si Mommy ang namahala ng lahat ng tungkol sa mga papeles at kami naman nina Kuya Trey at Kuya Zane ang in-charge sa field works.”
Napakunot-noo ako sa sagot ni Lip kaya kaagad sinegundahan ng karagdagang paliwanag ni Zane. “Demolition service iyon. Bale iyong mga lumang bahay at building na gigibain, kami ang kumokontrata para sa aktuwal na paggiba. Anoman ang pwedeng pakinabangan na makukuha pagkatapos, mapa-bakal o kahoy, dinadala namin iyon sa warehouse bilang used items. Kadalasan may mga nabiling customer. Nitong huli, nagkautang ang kumpanya para sa pagpapagamot ni Mommy at marami na sa mga iyon ang past overdue sa ngayon.”
Hindi na ako nagtataka kung bakit mga maskulado ang katawan ng magkakapatid. Ikaw ba namang araw-araw na humawak ng maso at gumiba ng konkreto at hampasin ang magkadikit na kahoy hanggang matanggal sa pagkakapako, hindi mo na kailangan pang mag-gym para magkamasel. Ibig sabihin, karagdagan na lang na pampaganda ng katawan ang pag-akyat ng bundok ni Lip o marahil isang libangan.
Ano kayang mga hitsura nilang tatlo pagkatapos ng trabaho? Siguradong tagaktak ang pawis nila sa ulo, noo pababa ng leeg. Baka mga nakasuot ng cover alls at nakadikit na ang tela sa parteng dibdib sa pagkabasa ng pawis pababa sa abs hanggang doon sa-
“Krista?”
Niyuyugyog na pala ni Zane ang kamay ko nang hindi ko napansin. Namula ang pisngi ko sa pag-zone out ko habang kaharap sila. “Ha?”
“Ang desisyon namin ngayon ay nakabase sa sasabihin mo,” paliwanag ni Trey. “Uulitin ko ang tanong. Ano ang desisyon mo?” Tiningnan niya ulit ang hawak na papel. “Ikaw kasi ang main performer ng nakasulat dito sa mga perverted scenarios na ipinagagawa ni Daddy. I assume ganoon din kina Zane at Lip.”
Scenarios?
Plural?
Ibig sabihin madami? Iyon ba ang dahilan kung bakit may numerong nakasulat sa papel ko at hindi nagsimula sa number one?
Ohmy, anong isasagot ko? Na okay lang sa akin ang unang gagawin? Ang gapangin ako ng aking stepson na si Lip sa aking kama bago mag-bukang liwayway habang natutulog para i-role-play ang matagal na nitong pantasya na angkinin ang kaniyang Madrasta sa ganoong paraan?
Biglang kumirot ang ting gil ko sa taas ng naglalawang mga labi. Parang kinulog ang dibdib ko nang mapansing nakatingin silang tatlo sa akin. Tatlong pares ng mga matang sapat na para matunaw ang buong katawan ko sa nagsisimulang init sa aking kaloob-looban. Pinaghalong alinlangan at bahagyang excitement ang mababakas sa mga mukha nilang tatlo habang naghihintay ng itutugon ko.
Nakatatlong lunok na ako ng laway at ilang ulit ng binasa ng dila ko ang nanunuyong labi pero hindi ko pa rin alam ang isasagot.
Ano nga ba?
Inalog ko ang aking ulo saka pumikit. Ano ba ang priority ko? Hindi ba si Lilet? May iba pa ba akong solusyon na sasapat sa gastusin ni Lilet sa ospital sakaling hindi ako pumayag?
Kung nagawa kong ipagparaya ang sarili at magpakasal kay Don Genaro, hindi ko ba kayang gawin ang mga kondisyon para makuha ang mana?
As if naman hindi ako nakararamdam ng excitement na gawin sa akin ni Lip ang binasa niya at halos pumipintig na ang mga ugat ko maging ang buong kalamnan sa kuryosidad kung ano pa ang mga nakasulat sa mga hawak naman nina Trey at Zane.
Huminga ako ng malalim saka nagmulat ng mga mata.
“Payag ako.” Parang nasusunog na ang mga pisngi ko sa init ng pakiramdam. “Kahit ano.”
“Kahit ano?” halos nagsabay na tanong nina Trey at Zane.
Lumuwang naman ang pagkakangiti ni Lip. “That’s hot news.”
“Ano bang nakasulat sa ‘yo?” tanong ni Zane kay Trey na parang gusto niyang mapagaan ang kasalukuyang sitwasyon na naging intense na simula pa kanina.
Umiling si Trey at parang hirap nang magsalita. “May warning dito na pwede lang ipagsabi isang oras bago isagawa.”
“Same here on the next fantasy,” sabad ni Lip na nangingislap ang mga mata.
“Dito rin,” sabi rin ni Zane saka tumingin sa akin. “Sa ‘yo Sweetie?”
Hindi ko ini-expect na gamitin ang ganoong endearment ni Zane imbes na stepmom o kahit pangalan ko na lang kaya nagdulot iyon ng karagdagang init sa katawan ko. Ohmy, nagsisimula na ba siyang praktisin ang gagawin?
“Ganoon rin,” mabilis kong sagot kahit wala namang nakasulat. Para kasing mas grabe ang magiging impact sa akin kapag isinatinig ko.
Threesome. Foursome. With all three of them at the same time. Iyon ang pinakabuod ng isinulat ni Genaro. Parang kagaya ng sa panaginip ko kagabi.
“Then it’s settled. Sasabihan ko na si Attorney asap. We chose option two and we will proceed immediately,” sabi ni Trey na tinanguan naman ng mga kapatid.
“Pero…”
Sabay-sabay silang napatingin sa akin.
“May kailangan kayong malaman. Wala pa akong… Hindi pa akong…”
Hindi sila umimik at naghintay na ituloy ko ang sasabihin
“Sexperience,” napayuko ako at ipinako ang tingin sa papel na nakapatong sa mesa. “Birhen pa ako.”
Naramdaman kong humaplos ang kamay ni Lip sa braso ko. Para akong kinukuryente sa paghimas ng medyo kalyuhing palad niya pataas-pababa sa aking mainit na balat. “Don’t worry Honey. Dadahan-dahanin lang natin…”
Nilakasan ko ang loob na tingnan si Lip. Tinatablan na siya base sa pag-tent ng harapan ng suot niyang khaki cargo shorts.
“Sa umpisa,” dugtong pa ni Lip.
Hindi naman makapagsalita sina Trey at Zane na parang mga gutom sa laman at gustong makipag-unahan kay Lip sa pagkakatingin sa akin lalo na sa naninigas na tuktok ng aking mga dibdib na nakatusok sa manipis na tela ng suot kong blusa. Ramdam kong sumipa pataas ang temperatura sa buong silid-kainan.
Ohmy, kailangan ko na namang magpalit ng bagong panty. Basang-basa na naman ako. Kumikirot rin ang aking ma ni.
Pwede bang ako na lang ang mauna? Pwede bang angkinin na nila ako right here, right now sa taas ng dining table?
Si Trey ang bumasag ng s****l tension sa pagitan namin. “Mag-uumpisa tayo bukas ng umaga.”