Tumawid si Trey sa kabila ng daan at tumayo paharap sa kagubatan patalikod naman sa akin. Katanghaliang tapat at kasingkaran ng init ng araw base sa anino ni Trey na naaapakan sa may paanan niya.
Pagkakatanda ko, may mga kabahayan kaming nadaanan wala pang sangkapat na kilometro mula rito sa hinintuan namin. May mga sasakyan ding nauna sa amin ni Trey.
Paano kung may dumating na ibang tao o dumaang ibang sasakyan at makita o masilip akong nagbibihis?
Minura ko ang sarili sa pag-o-over react ko at inuunahan ng kung ano-ano ang naiisip gayong pinapapalitan lang naman ni Trey ang suot kong damit.
Sa huli, tumingin muna ako sa harapan, sa may likuran mula sa rear view mirror at nang masigurong walang parating, hinubad ko ang aking damit saka nagmamadaling ipinalit ang ibinigay ni Trey.
Pagkatapos kong itupi at isilid sa paper bag ang pinagbihisan, lumabas ako ng kotse. Kinailangan ko pang lumunok ng ilang ulit para lang makapagsalita. “T-tapos na ako.”
Dahan-dahang pumihit paharap sa akin si Trey. Humakbang palapit. Kita ko ang paghanga sa kaniyang mga mata nang tumigil siya sa harapan ko. “You’re stunningly beautiful, Kris.”
Para akong sisilaban sa mga titig niya lalo na nang bumaba sa bare shoulders ko at sa nakaluwang cleavage sa gitna ng nakatayong pares ng dibdib na sakto lang natakpan ng kapirasong tela ng pulang cropped top na ibinabandera ang kabuuan ng aking flat na tiyan at ilang pulgada sa baba ng aking belly button.
Ramdam ko ang pagkirot ng perlas ko nang humagod pa lalo pababa ang tingin ni Trey sa low-waist ripped jeans na pagkakamalang panty lang kung titingnan sa malayo sa sobrang iksi at pababa pa sa makinis at ivory white kong mga hita.
Kinagat ni Trey ang ibabang labi. “That hourglass body of yours. Jesus, you are sinfully sexy, Kris.”
Bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang bumanggit? At kinikilig ako lalo na’t ngayong ‘Kris’ lang at hindi niya binuo.
Konti na lang magwe-wet na ako sa papuri niya. Napatigil na ako sa paghinga sa inaasahang paglapit siya para tayapin ako, halikan at simulang angkinin. Kaya nagtaka ako nang lumakad siya pabalik sa driver’s side at muling sumakay leaving me like hanging in the air.
Papasok na sana ako ulit sa kotse nang umiling si Trey. “Dito ka lang Krista.”
Nangunot ang noo ko.
“It’s not my turn yet. Even you made me hard,” sabi niya na dinakma ng kamay ang nakaangat na harapang bahagi ng suot na slacks bilang pruweba, “I can’t have you now.”
“Iiwanan mo ako rito ng mag-isa?”
“Hintayin mo si Zane. He’ll meet you here.”
Wala akong choice kundi isara ulit ang pinto ng kotse.
“Pinasasabi nga pala ni Zane,” narinig kong sabi ni Trey mula sa loob ng sasakyan. Hinintay pa niya akong yumuko at dumungaw sa bintana bago ulit nagpatuloy. “Kung may choice siya ng pagkakataong aangkinin ka niya, hindi sa paraang ganito. Not this scenario, not this place. Probably, Zane wants to pin you down in a comfortable bed not like this… in public.”
Ohmy, iyong huling dalawang salita ang halos magpatigagal sa akin. In public talaga?
“Unfortunately wala siyang pagpipilian. Huwag mo na lang daw kalimutan, kung sakaling sobra na para sa iyo ang mga gagawin niya, sabihin mo lang ang safe word mo which is-”
“Virgin,” pinunan ko na ang sasabihin ni Trey.
Isang salita na siguradong hinding-hindi lalabas sa bibig ko alang-alang kay Lilet at sa kumpanya nilang magkakapatid na lubog sa pagkakautang.
“As for me, Kris, I can’t f-cking wait for my turn to put my hands all over you,” sabi niya bago pinaandar ang kotse at tinahak ang daang pinagmulan namin.
Lalong sumikip ang dibdib ko at parang ang hirap huminga nang mawala sa abot-tanaw ko ang kotse ni Trey at maiwan akong mag-isa sa gitna ng daan.
Ilang kotse ang dumaan sa harapan ko at bumusina ang driver pagkakita sa akin. Hindi ko sila masisisi at wala naman akong pwedeng ipantakip sa pagkakalantad ng katawan ko at naiwan sa kotse ni Trey ang paper bag na pinaglagyan ng pinagbihisan ko.
Isa pa, kasama ito sa mangyayaring pantasya ni Zane kaya imbes magalit ako, sinubukan ko na lang tawanan ang sitwasyon.
At nang sa wakas, si Zane na ang dumating sakay ng isang puting SUV type pick-up truck at huminto sa harapan ko, nag-spike na lalo ang kaba ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Trey na dito talaga sa daan mangyayari ang pantasya.
Kaya nga pantasya dahil extreme situations ‘di ba? Pangangatwiran ng isang bahagi ng utak ko.
Parang sa lalamunan ko na tumatambol ang dibdib ko nang bumaba ang windshield sa may driver side ng sasakyan at makita ko ang naka-side view na si Zane na accented ang tangos ng ilong sa gwapo niyang mukha. Naka-cowboy hat at parang matatanggal sa pagkakabutones ang suot niyang plaid long-sleeves shirt na kulay green sa paghapit sa kaniyang maskuladong torso.
So, western inspired ang trip ni Zane. Probably the prodigal son of a rich farmer who lusted over his father’s wife.
Pinuno ng excitement ang pakiramdam ko sa antisipasyon sa mangyayari.
Itinaas ni Zane ang brown na sombrero gamit ang dulo ng hintuturo saka bumaling ng tingin sa akin. Hinawakan sa pagitan ng kanang hinlalaki at hintuturo ang nakasinding sigarilyo sa bibig para tanggalin.
Bumuga siya ng usok bago nagsalita. “Anong ginagawa ng wicked Stepmom ko dito sa gitna ng daan? Naghihintay ba ng lalaking mabibingwit at ite-take home para magpainit ng kama?”
Ohmy, wala akong kamalay-malay na simula kaagad sa script ang bungad sa akin ni Zane. Hindi kagaya ng kay Lip na may nabasa akong script, this time, kailangan kong sumunod sa agos at sakyan ang tumatakbo sa isip ni Zane.
Humawak ako sa window sill at lumapit sa bintana. Sinigurong nakapasok ang mga dibdib at unang mapapansin niya ang ang cleavage ko pagbaba ng tingin niya. Napaisip ako kung ano kayang brand ang sigarilyo niya. Hindi ganoon katapang ang amoy ng usok bagkus parang matamis sa pang-amoy at minty.