Pagbaba ng windshield, “Sabay ka na sa akin pabalik ng Mansion,” sabi ni Trey sa baritonong tinig na bahagyang inilapit ang mukha para makilala ko.
Parang kagaya lang six years ago na sa tuwing makikita ko siya ang pagbilis ng t***k ng dibdib ko. Pinilit ko pang alalahanin kung ano nga bang hitsura ko na bago ako atubiling lumapit sa bumukas na pinto ng passenger seat. Wala bang bakas ng luha ang mapusyaw na pisngi ko? Hindi ba mukhang sinagasa ng hangin ang blonde hair kong lampas dibdib ang haba?
“Huwag na Trey,” sabi ko na biglang nag-panic sa ilang piyeng layo lang niya sa akin. “Maghihintay na lang ako ng jeep.”
“I insists. Get inside,” seryosong sabi niya. Pautos ang timbre ng boses at puno ng authority.
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay at isara ulit ang pinto ng kotse. Mint scented ang air freshener sa loob ng kotse kaya nagtaka ako kung bakit sweet and fruity ang naaamoy ko. Wala namang prutas akong makita sa loob ng kotse at mukhang hindi naman pabango. Pawis ba ni Trey ang naamoy kong iyon?
Hindi humupa ang kaba ko nang umandar ulit ang kotse. Tahimik lang si Trey habang nagmamaneho na nakatulong kahit papaano sa pagsupil ko ng aking lumevel up na anxiety.
Mula sa gilid ng kaliwang mata ko, panakaw ko siyang tiningnan. Ohmy, mukha siyang model na nabuhay at lumabas sa cover page ng GQ Magazine. He looks clean, fresh and… salivating delicious.
Nakasuot siya ng suit na kulay royal blue, white shirt sa loob at medyo loose ang pagkaka-tie ng maroon necktie. Hapit sa kaniyang maskuladong hita ang slacks at nangingintab ang suot niyang black shoes. Bumagay sa get-up ang black wrist watch sa kanang kamay na lumitaw mula sa coat sa pagpihit niya ng hawak na manibela.
Kita ko rin ang pinong balahibo sa kamay at daliri ni Trey na kakaunti kung ikumpara kay Zane at halos hindi mapansin kay Lip. Smooth and hairless ang muscled chest area ni Lip kaya bigla ko tuloy naisip kung gaano kaya kakapal ang kay Trey base sa balahibo niya sa kamay? Gaano pa kaya iyong nasa ilalim ng kaniyang belly button at pababa?
“Galing ako sa meeting with prospective company investor kaya nakaganito ako,” sabi ni Trey na sa daan pa rin nakatingin na nagpagitla sa akin.
Ramdam ko ang biglang pamumula ng aking pisngi nang mapansing diretsong nakatingin na pala ako sa kaniya at mukhang fully aware siya sa ginagawa kong nagmamasid.
“Noong buhay si Mommy, siya ang bahala sa mga ganitong meetings. Ngayong wala na siya, ako na muna ang pumalit kahit hindi ako sanay at naaalibadbaran ako sa ganitong ayos.”
“Bagay naman sa ‘yo, Trey,” sabi ko bago ko pa naisip na para akong thirteen years old sa sinabi lalo na nang hindi ko napigilang kiligin.
Bumaling si Trey ng tingin sa akin. Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa mansion at kahapong halos durugin niya ang mesa sa kakapukpok ng kamao habang binabasa ang last will ni Genaro, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at lumitaw ang pantay-pantay at pearly white na mga ngipin. Ngiti na nagpa-flip ng sikmura ko at nagpalambot ng aking mga tuhod.
Ohmy, ang gwapo talaga niya. Nakakainggit talaga si Donna. Swerte niya kay Trey. Hayssst.
“Kumusta na ang kapatid mo?” tanong ni Trey makalipas ang ilang saglit.
Nagbalik ang lungkot sa loob ko. “Ganoon pa rin, walang pagbabago.”
Tumingin siya ulit sa daan, sinigurong nasa tamang lane pa rin kami bago tumitig ulit sa akin. “Never loose hope, Krista. Magigising din siya.”
Natuwa ako sa pagtawag niya sa akin sa pangalan ko imbes na Mommy, Mom o Stepmom. Kahit papaano’y isang malaking harang ang ramdam kong nabuwag sa pagitan naming dalawa.
“Sana nga,” sabi ko.
Itinuon na ulit ni Trey ang atensiyon sa pagmamaneho. Ilang minuto ring namalagi ang katahimikan sa pagitan namin. Napilitan lang akong magsalita ulit nang lumiko ang sasakyan sa kabilang kalsada imbes na tahakin ang daan papuntang mansion. “Bakit dito tayo dadaan?”
I trust him kaya hindi naman ako nakaramdam ng takot, medyo nagtaka lang.
Hindi ako pinansin ni Trey pero kita ko ang biglang pagseryoso ng mukha. Diretso lang siya sa pagmamaneho hanggang - “Hindi ka ba nasaktan ni Lip kaninang madaling araw?”
Hindi ko inaasahan ang tanong niya kaya matagal bago ako tumugon. “Ayos lang. He was unexpectedly… gentle.”
And kind. And loving. And sexy. And hot. And huge. And totally expert in bed.
“That’s good to hear.”
Gusto ko sanang kumustahin si Lip pero pinigilan ko ang sarili, nahihiya akong isipin niya na there’s more to it for me than just a simple task kahit iyon naman ang totoo.
“I went out of the script,” sabi ko nang maalala na dapat nagising ako kunwari habang nakapasok na si Lip sa akin. Nag-alala tuloy ako kaninang paggising. “May mga linya akong hindi nasabi.”
“Okay lang iyon. Spy cameras only record videos. Walang audio. Kaya si Attorney, magbabase lang sa movements at facial expressions para masabing nagawa ang kondisyon. And from what I heard from him earlier, it went well.”
“Buti naman,” nasambit ko saka yumuko para itago kay Trey ang biglang pamumula ng pisngi ko. Biglang nag-flash sa isip ko: I and Lip’s movements and facial expressions. Everything caught on tape. Iyong bantay ng CCTV at si Attorney na pinapanuod ang mala-scandal video. Hindi ko ma-describe ang pakiramdam na bumalot sa pagkatao ko.
On a brighter side, at least hindi na ipapaulit, iyon kasi ang naiisip kong posibilidad kanina.
Habang patuloy lang sa pagtahak sa ngayo’y rough road na daan ang kotse, pinagmasdan ko na lang ang nadadaanang palayan at mga punongkahoy sa tabi ng daan. Sa kaliwa naman ni Trey ang mataas na sementadong bakod na nalalatagan ng barbed wire ang itaas. Saka ko lang naisip na backside perimeter road pala ng hacenda at mansion ang nilalakbay namin ni Trey.
Pagkalipas pa ng ilang saglit, inihinto ni Trey ang kotse sa may tabi ng kalsada malapit sa bakod. Kagubatan ang nasa kabila ng daan.
Inabot ni Trey ang isang pulang paper bag sa likod na upuan. Kita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya sa paglunok ng laway nang iabot sa akin ang bag na kinuha ko naman.
“Ano ito?” sabi kong binuksan kaagad ang bag at mula sa loob inilabas ang isang kulay red na spaghetti-strap cropped top at low-waist ripped distressed denim shorts.
“Isusuot mo ‘yan ngayon,” diretsahang sabi ni Trey.
“B-bakit? Anong meron?” Kung kanina’y kampante pa ako sa paglihis niya ng daan, ngayon medyo nagsisimula na akong sakalin ng pag-aalala.
“I’ll give you a few minutes of privacy,” iyon lang ang tugon niya bago lumabas ng kotse. Sumilip siya ulit sa nakababang windshield at - “Iyan lang, no bra, no panties.”
Ohmy, seryoso? In a public place? Sa loob ng kotseng nakatigil sa tabi ng daan, ipapalit ko sa suot kong damit ang sexy na ternong ito for what?