10

1360 Words
Pinisil ko ang kamay ni Lilet pagmulat ko ng mga mata pagkatapos umusal ng taimtim na panalangin habang nakaupo sa bangko sa tabi ng kama.  “Please naman, gumising ka na, Let,” nagmamakaawang sabi ko. Mabigat ang aking dibdib at pinipigilan ang pag-iinit ng aking mga mata sa pagtitig sa pagkakahiga niya sa hospital bed. Wala pa rin siyang malay. Anim na buwan ng walang pagbabago sa kondisyon niya. Wala kahit kaunting movements para masabing papagaling na siya o senyales man lang na magigising pa siya. “Nami-miss ko na ang kwentuhan natin sa gabi bago matulog. Iyong paggawa natin ng mga assignments mo sa school.” Huminga ako ng malalim sa pagsisimula ng pagkabasag ng tinig ko. Parang binuhusan ng isang truck na graba ang dibdib ko.  Ang hirap tanggapin ang posibilidad na makulong na siya indefinitely sa loob ng private room na ito. Ang dami pa niyang pangarap. Bibigyan ko pa siya ng magandang buhay kapag nakatapos na ako ng kolehiyo at nakapagtrabaho. Pinunasan ko gamit ang likuran ng aking mga daliri ang luhang hindi ko namalayang umagos na pala sa aking pisngi. “Pasensiya ka na nga pala kung hindi ko magawang bantayan ka palagi. Paggising mo ikukwento ko lahat sa ‘yo ang mga nangyari sa akin simula nang matulog ka. Wish ko lang sana pagdating ng araw na ‘yon, huwag mo akong husgahan sa nagawa ko na ang pinakaunang dahilan ay para sa kapakanan mo.” Huminga ulit ako ng malalim, nage-expect na tumugon siya kahit slight movement lang ng daliring hawak ko, pero wala hanggang magpatuloy ako ng pagsasalita. “Madami rin yatang pinagkakaabalahan si Nanay kaya hindi ka niya nadadalaw lately.”  Okay lang bang magsinungaling? Kung sabihin ko naman ang totoo na busy si Nanay sa bagong lalaki nito, paano kung naririnig pala niya, e di isa pang isipin niya kung bakit parang walang pakialam si Nanay sa kaniya?  “Dadalaw rin si Nanay sa ‘yo sa isang araw.” Pagkatayo, ibinalik ko ang bangkito sa tabi ng dingding. Lumapit ulit ako sa kaniya, hinawi ang buhok na tumakip sa kaniyang noo papuntang sentido saka ginawaran ng masuyong halik sa noo. “Let, aalis na ulit si Ate.” Bumukas ang pinto ng private room at pumasok si Cherry. “Hey… Mapait ang ngiting pinawalan ko sa aking mga labi. Tumango ako at nilabanan ang nagsisimula na namang pag-iyak ko. Duty si Cherry sa kasalukuyan pero sa ibang floor ng ospital naka-assign. Usually, kapag alam niyang nadalaw ako kay Lilet, she sees to it na makasaglit siya. “Kumusta na?”  Maging kagaya niya na nakasuot ng Nurse uniform ang pangarap ni Lilet. Pangarap na walang linaw kung matutupad pa niya sa kasalukuyang kondisyon. Tumango ako ulit. “Okay lang,” tumingin ako kay Lilet. “Unconscious pa rin siya.” “Magigising din siya, Bes. Patuloy siyang lalaban dahil hindi ka sumusuko para sa kaniya.” Nang hindi ako tumugon, nagtangka si Cherry na ibaling sa iba ang usapan. “So, ano ng nangyari sa Last Will ng deceased husband mo?” Biglang naumid ang dila ko. Kahapon nang magtanong siya, hindi ako sumagot. Sabi ko kapag nagkita na lang kami, which is ngayon na iyon. Humalukipkip si Cherry habang naghihintay ng sasabihin ko. “Is it bad news?” Bad news bang maituturing iyong nangyari sa amin ni Lip kaninang madaling araw? Iyong pag-cuddle niya sa akin pagkatapos naming gawin ang pantasya niya? Iyong may mga susunod pang mangyayari na sina Zane at Trey naman? Napakahaba ng anim na taon na hinintay ko para lang makita ulit ang isa man sa kanila. Ngayong hindi lang basta pagkikita kundi higit pa roon ang nangyayari na sa kabila man ng kakatwang pagkakataon, maikokonsidera ko ba iyong bad news? Marahil dahil sa guilt feeling na ngumangatngat sa puso at isip ko kaya hindi ko alam ang isasagot. “Komplikado,” nasabi ko lang. Nangunot ang noo ni Cherry. “Gaano?” Tumayo ako saka tinungo ang pinto palabas. Hindi ko kayang ikwento kay Cherry ang nangyayari sa tabi ni Lilet. Sumunod si Cherry at siya na ang nagsara ng pinto ng kwarto paglabas niya. “Pinamanahan ka ba? Tuloy ba ang sustento kay Lilet?” tanong niya na biglang naging anxious ang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko saka iginiya sa bench na nakadikit sa dingding ng amoy gamot na hallway. Pagkaupo namin saka siya ulit nagsalita. “Ano na? Ako ang kinakabahan sa ‘yo.”  “Ikaw na bahalang humusga kung tama ang ginagawa ko o hindi,” pasakalye ko saka sinimulan ang pagkukwento mula nang basahin ng abugado ang testamento kahapon ng umaga hanggang sa unang kondisyon na ginawa namin ni Lip kaninang madaling-araw. Namilog ang mga mata ni Cherry nang matapos ko ang kumpisal. “Pakshet, totoo? Walang biro?” “Imbes na maaawa ka sa akin sa kinasasadlakan ko, bakit parang natuwa at na-excite ka pang bigla?”asik ko sa kaniya. “Hindi nga?” pagbalewala niya sa tanong ko. “Iyon talaga ang nakasulat at,” - sabi niyang biglang natigil sa sasabihin - “Gosh! Ibig sabihin Bes, isinuko mo na ang Bataan kay Lip?” Gumaan ang pagtanggap ko sa sitwasyon sa nakita kong tuwa sa kaniyang mukha. “Unfortunately, yes.” “Baka ‘fortunately’ ang ibig mong sabihin. Biruin mo, si Lip, ang nakauna sa ‘yo.” Napatingin siya sa suot na wrist watch sa kaliwang kamay. “Naku naman, kalangan ko nang puntahan iyong isang pasyente,” puno ng hinayang ang tinig niya.  Tumayo siya. “Tatawagan kita mamaya. Gusto kong ikwento mo sa akin ang nangyari. Gosh. Hindi ako makapaniwalang nangyari sa ‘yo ang isa sa pantasya ko.” “Pantasya mo? Bakit hindi ko alam?” “Bakit mo naman malalaman? Wala naman tayong napapag-usapan tungkol sa s*x dahil off-topic para sa ‘yo at palagi ka namang clueless. Alangan namang sabihin ko sa ‘yo na ‘Hoy, Krista, alam mo bang isa sa pantasya ko ang nilooban ang bahay namin at isa sa miyembro ng akyat-bahay na sobrang gwapo at malaki ang kargada ang ginapang ako sa loob ng silid ko saka sapilitang hinalay.’?” Nag-flash bigla sa isip ko ang scenario na sinasabi niya na kahalintulad sa nangyari sa amin ni Lip. Hanggang ngayon, parang naaamoy ko pa nga ang katawan niya umukit sa kamalayan ko nang yumakap siya sa akin bago ako makatulog. Raw and purely masculine scent. Parang nararamdaman ko pa nga rin sa hiyas ko ang katabaan ng kaniyang p*********i kahit paggising ko kanina, wala na siya sa tabi ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. “Ganoon? Gusto mong maranasan ang ganoon?” Napahalakhak si Cherry. “Ano ka ba, pantasya lang iyon. Siyempre, ayoko namang mangyari sa akin sa totoong buhay unless…” nanunukso ang ngiting bumalatay sa mga labi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Unless, scripted kagaya ng sa ‘yo at alam kong iingatan ako ng lalaking gagawa noon kagaya ng pag-handle sa ‘yo ni Lip. Kaya swerte mo. May pampagamot ka na kay Lilet, may 4M ka pa at hindi lang isa, kundi tatlong lalaki ang makakaulayaw mo. Mga lalaking alam ko namang matagal mo ng gusto. Gusto lang ba o mas higit pa?”  “Pero kahit saang anggulo tingnan, hindi tama,” nasabi ko sa wakas ang pinagmumulan ng guilt feeling na nararamdaman ko. “Paanong hindi tama? Hindi tama dahil in-love ka sa tatlong magkakapatid at the same time?” mahina siyang tumawa. “Huwag mong i-deny. Bestfriend mo ako kaya alam ko. Nawi-wirdohan man ako pero iyon ka eh.” “Hindi dahil doon,” tugon ko bago ko pa naisip na parang inamin ko na rin na totoo ang sinasabi niya sa isinagot ko. “Okay lang iyong kay Lip at sa pagkakaalam ko wala siyang sabit. Pero iyong kina Zane at lalo na kay Trey,” napailing ako. Nilunok ang animo’y bumikig sa aking lalamunan. “Magiging daan ako para pagtaksilan ni Zane ang girlfriend niyang si Mira at si Trey naman ang asawa niyang si Donna.” Napatango si Cherry nang maintindihan ang punto ko. “Pero hindi mo naman sila pinilit kagaya ng hindi ka rin nila pinilit na gawin ninyo ang mga kondisyon para makuha ang mana galing kay Mr. Genaro. Isipin mo na lang, lahat kayo sa puntong ito nagsa-sakripisyo dahil kailangan.” Kahit papaano’y gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Malayo sa ini-expect kong isasagot ni Cherry ang narinig ko sa kaniya ngayon. Pag-alis niya, nagpaalam na rin ako ulit kay Lilet. Pinagbilinan ang private nurse na nakatokang magbantay sa kaniya sa oras na iyon na tawagan lang ako anytime na kailangan at lumabas na rin ako ng ospital. Nakahinga ako ng maluwag nang mapalitan ang hanging amoy gamot sa loob ng baga ko ng hangin sa labas ng ospital. Tumigil sa harapan ko ang isang itim na kotse habang nag-aabang ako ng jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD