"Sir Jeppy ayus lang naman ako. Hindi mona po ako kailangang ihatid rito sa Clinic " sabi ni Sherin sa Binatang inaalalayan siyang maupo.
" hindi, hindi ka okey kailangan natin maipatingin Yang mga Maliliit na sugat nayan baka mainfection kapa" sabi naman ni Jeppy na kina ismid naman ni Elma.
"Oa" mahinang bulong ni Elma at hindi naka ligtas sa pandinig ni Sherin kaya lihim niyang siniko ang kaibigan.
" pero sir nakaka--
"Jeppy nalang Quuen or Jey" ngiting putul ng binata sa sasabihin ni Sherin.
" oh Okey Jey. Maraming salamat ulit ha. Pangalawang beses mona ito ginawa saakin. Tinulungan mo nanaman ako " nahihiyang sabi ni Sherin sa Binata na ikina ngiti naman ni Jeppy.
"Anything for you Queen " sagot nito
"Queen? Emmmp Sherin ho sherin po pangalan ko. "
"I know. Gusto lang kitang tawaging Queen. ,my Queen ". Naka ngiting sagot ng binata at hininahan ang panghuling sinabi.
Biglang nag Ring ang Phone ni Jeppy kaya napa tayo ito at kinuha ang phone sa Bulsa nito. Ng makita kung sino ang tumatawag. Tumalikod ito at hindi na nag salita.
? Bosing kailangan niyo na pong umalis dyan. Dumating si Santiban " tawag ng tauhan ni Jeppy na nag babantay sa Gate , hindi na siya sumagot at pinatay na ang tawag .
Huminga muna ng malalim si Jeppy at ngumiti ito ng matamis sa Dalaga
"Queen kailangan ko ng umalis may ng yare kasi sa kaibigan ko , sige see you nextime " mabilis na paalam ng binata at nagulat na lamang si Sherin ng Halikan siya ni Jeppy sa pisngi at mabilis ng lumabas ng Clinic..
"Luh besty . May Pa halik Pa, sino bayun ? Ani ni Elma at naupo sa kaniyang tabi.
"Si jeppy yun yung naikwento ko sayo nuon na nag ligtas saakin sa bulacan, nung kamuntikan na akong ma r*pe. " aniya
"Ahh siya palayun. Pero teka ha ang gwapo niya ha. Saka mukhang ang lakas ng tama sayo nung papa Jey---
"Paul?! " gulat na sambit ni Sherin ng mapatingin ito sa bandang likod ng kaibigan , kaya napa tigil sa pag sasalita si Elma.
" ah eh ih oh.... aalis na muna ako besty kita kits nalang tayo bukas. Thank-you ulit. " tarantang sabi ni Elma at mabilis na nag paalam dahil sa takot na baka narinig ng asawa ng kaibigan ang pinag sasabi niya.
"Sige sige. Mag iingat ka " sagot na lamang ni Sherin. Ng maka alis na ang kaibigan. Saka naman siya napa baling ng tingin kay Paul na seryosong naka tingin sa kaniya.
" who's Jey? " tiim bagang na tanong ni Paul
"Ah eh si Jey. Dati Kong nakilala sa bulacan, siya ang nag ligtas saakin nuon, at tumulong rin saakin ngayon " kinakabahang sabi ni Sherin.
Tumaas naman ang kabilang kilay ni Paul at sinuri ang bawat kilos ng dalaga.
"Nasaan siya " tanong ng binata
"Umalis na siya kanina lang "
"Sino ang umaway sayo? "
"Emmp wag muna alamin. Mga nambubuli lang kay Elma. Si Elma yung bestfriend at kababata ko sa probinsya. Yun yung babae kanina na kasama ko " sabi ulit ni Sherin.
Naramdaman na lamang ni Sherin ang pag lapit ng binata sa kaniya at hinawakan siya nito sa magka bilang balikat at ramdam niya ang panunuri ng tingin ng binata sa kaniya.
"Miss kumusta ang asawa ko ?" Baling ni Paul sa babaeng tumingin kay Sherin
" she's fine sir. Ito po yung reseta ng cream na ipapahid ni Madam sa maliliit niyang sugat sir " sagot ng babae sabay abot ng papel
Kinuha naman ni Rayan ang inabot na papel at ito na ang bumili sa gagamiting cream nagamot para sa sugat na natamo galing sa kuko ng babaeng naka away ni Sherin...
Bubuhatin na sana ni Paul si Sherin ngunit mabilis itong pinag sabihan ng dalaga .
"Ano ba tanda kaya kona. Bakit ba ang o oa niyo mga lalake. Ke liit liit lamang na mga sugat kung maka react kayo . Parang ang lala lala kona. " masungit na sabi ni Sherin.
"Boss masungit si White Lady mukhang may dalaw " bulong naman ni Marco na nasa tabi ni Paul
Napapakamot na lamang ng kilay si Paul at niyaya ng umuwi si Sherin
Ng maka labas na ng gate ang sinasakiyan nina Paul at Sherin. Kasunod nito ang isa pang sasakiyan na lulan ng Tatlo ,, sa hindi kalayuan ay may isang Van na nag mamasid lamang
"Bosing ,bakit hindi niyo nalang kunin si Miss Ganda. ?" Tanong ng tauhan habang naka tingin sa kaniyang amo na ng gagalaiti nasa galit ang mukha
" hindi , ayaw kong matakot siya saakin at magalit. " sagot naman ni Jeppy
"Pero boss asawa na siya ng ni santi---
"No! No! No! Hindi sila mag asawa. Alam ko palabas lang ito ng Paul nayun. Kapatid ni Paul ang ate ni Queen ko kaya hindi sila mag asawa. !" Pagalit na sagot ni Jeppy.
Hindi niya matanggap na si Sherin ang sinasabing asawa ni Paul sa Balita.
"She's mine, only mine at hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba lalong lalo na sa isang Santiban na yon . Kung kinakailangan araw araw akong mag bantay , kahit saan gagawin ko makita kolang siya. " sabi nito
Aminado si Jeppy na si Sherin ang Kahinaan niya at hindi niya kayang saktan o idamay ang dalaga sa kahit anong Away nila ng mga Santiban.
Kinabukasan maagang sumabay ang dalaga kay Paul ,dahil gusto ng binata na ito ang mag hahatid kay sherin sa School.
"Emmp tanda yung sinabi ko pala sayo kagabi pumapayag kana ba? " basag ni Sherin sa katahimikan habang nasa loob sila ng Kotse at seryoso lang na nag mamaneho si Paul
"NO, hindi ka mag coCondo. Pumapayag akong sa Condo mo patirahin ang kaibigan mo. Pero hindi ako pumapayag na dun Karin matulog . Kung bibisitahin mo siya pwede Pa. Pero kung yung ipapaalam mo saakin na sa Condo ka mag e estay , No Sherin, alam mong gaano ka delekado lalo nat alam na ng buong bansa na asawa kita. Kaya sa mansyon kalang at yung mga Bodyguards mo dadagdagan ko. Para hindi kana malapitan ng kahit na sino " pagalit ngunit mahinang sabi ng Binata.
"Ang haba ng sinabi mo. ! E sa Oo or hindi lang naman ang gusto Kong marinig. Tsk , kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin at naiintindihan korin naman. Pero pwede ba ! , wag mo akong gawing bata. Hindi ko kailangan ng maraming Bodyguards nayan. Dalawa or tatlo pwede Pa, pero ang isang Dosenang Bodyguards ay sumusobra kana. !" Galit naring sagot ni Sherin. Kaya natahimik ang Binata.
Ilang minutong katahimikan. Hanggang sa maka rating ng School si Sherin ay padabog itong bumaba ng sasakiyan at walang lingon lingong nag lakad palayo sa binata. At naka sunod parin sa dalaga ang isang Dosenang Bodyguards. Kahapon lang ay naiinis na siya sa anim na bantay. Pano Pa kaya ngayon sobrang dami na.
Habang si Paul naman ay napapahilot sa sariling nuo .. Sanay siyang nag kakapikunan sila ng Dalaga at tampuhan pero saglit lang ay naayus rin. Hindi Pa umaabot ng isang oras ay nag kakaayus na sila. Kaya hindi siya sanay na magka galit sila ng ganito, kaya naman ay hindi na siya naka pag pigil ay bumaba narin siya ng Kotse at patakbong sinundan niya ang Dalaga.
Papasok na sana si Sherin sa kaniyang Room ng may biglang humawak sa kaniyang siko kaya napalingon siya kaagad sa sobrag gulat.
"Bakit? Bakit mo ako sinundan dito? "inis na tanong ng dalaga kay paul.
"I'm sorry baby. Hindi ako aalis hanggat hindi tayo nag kakaayos. Sige na dalawa na ang iiwan Kong bantay mo. " sabi ng binata at hinawakan sa magka bilang pisngi si Sherin.
Hindi nila alintana ang Mga estudyanteng nanunuod sa kanila. Ang iba naman ay bini Videohan Pa sila.
"Please baby I'm sorry " mahinang sabi ni Paul kaya naman napa tango na lamang si Sherin at hindi naman niya kayang tiisin si paul.
"Sorry rin kung nasigawan kita. " mahinang sagot ng dalaga , kaya naman ay nagulat na lamang siya ng mabilis siyang hinalikan ni Paul. Saglit lang yun pero sapat nayun para mag tilian ang mga estudyanteng nanunuod sa kanila.
"Kiyaaaaa nakakakilig sila. "
"Ang sweet sana all "
" oh my God si Papa Paul Santiban. Girlfriend niya pala ang bagong Transperi. Sana all may Paul "
Tilian ng mga estudyante kaya naman napa subsob ang mukha ni Sherin sa Dibdib ng binata dahil sa pamumula at sa nararamdaman niyang hiya.
" kailangan ko ng umalis baby. Susunduin kita ha. Iloveyou " mahinang sabi ni Paul at hinalikan siya nito sa nuo
"Sige mag iingat ka. Iloveyou too " sagot niya. Kaya naman napangiti ang Binata, naiwan naman ang dalawang bantay kay sherin dahil isinama na ni Paul ang Sampong Bantay.
Naka ngiting pumasok ng Room si Sherin. At naka ngiti siyang sinalubong ng kaniyang kaibigan
" OMG ! Besty halos mapaihi na ako sa sobrang sweet niyo kanina. Sobra kayo ha. Sana all nalang talaga " sabi ng kaibigan
"Nako nako nako tigilan mo ako Elma. Akala mo hindi ko napapansin na inlove karin sa Stepan nayun. " sabi niya.
"SHERIN! " tawag ng isang babaeng nag paagaw ng kanilang atensyun kaya napalingon sila sa may Pintuan
At nagulat na lamang siya ng makita sina Stepani at Stepen na magka sama maging si Elma ay nagulat rin. Dahil sobrang magka mukha ang dalawa.
"Stepani. ? Luh dito Karin nag aaral? " tanong niya
" hindi , nandito lang ako para bumisita , saamin kaya tong school saka nakita ko kayo ni Ninong Paul kanina, kaya sinundan kita dito. Kumusta kana? Mag mula nung Birthday mo hindi na kita nakita. " sagot ni Stepani.
" Pani Do you know her? " tanong naman ni Stepen sa kapatid.
" yes asawa siya ni Ninong Paul. Nagulat nga ako na dito na pala siya nag aaral wait magka kilala naba kayo? " sagot naman ni Stepani.
" yeah Yesterday, best friend daw siya ng Girlfriend ko. " sagot naman ni Stepen sabay akbay kay Elma.
"GIRLFRIEND ?!" magka sabay na sabi ni Sherin at Stepani
Umiling naman si Elma at kinurot si Stepen.
"Hindi nag bibiro lang siya " sagot naman ni Elma.
----
"Jeppy nabalitaan Kong umaaligid ka sa Asawa ng isang santiban totoo ba? " tanong ni Gustavo sa Binata.
"Yeah dad and I like her " deretsang sagot ni Jeppy.
" nahihib*ng kana ba.? Nagkakagusto ka sa Kaaway. isa bato sa Plano mo para mag higanti sa mga Santiban? " sabi ng matanda
" no dad. Hindi siya isang santiban. Kaya hindi ko siya or natin pwedeng galawin . Wag mo siyang papakealaman dad. Hindi siya kaaway " sagot naman ni Jeppy.
" ano! Nahihib*ng kana talaga. Nasaan ang utak mo Jeppy. isa parin siyang kalaban at yan ang makaka sira sayo , masisira ang mga plano nating pag hihiganti sa mga Santiban dahil lang sa isang babae nayan. Kung hindi moyan kayang tapusin ako mismo ang gagalaw ". Pagalit na sabi ni Gustavo
" hindi mo gugustuhing maka laban ako kapag ginalaw mo si Sherin. Wala kang gagawin sa kaniya. Kundi magkakamatayan tayo DAD ". sagot ni Jeppy at diniinan ang salitang dad bago tinalikuran ang matandang nanggagalaiti sa galit.
"Katulad karin ng hang*l mong ama. Nab*liw rin sa babae kaya namatay. " mahinang sagot ni Gustavo ngunit hindi nayun narinig Pa ni Jeppy
//next
******
TULOY TULOY NA KAYA ANG MAGANDANG PAG SASAMA NINA PAUL AT SHERIN?
ANO NGABA ANG GAGAWIN NI JEPPY PARA LALONG MAPALAPIT KAY SHERIN ?
KAKALABANIN NABA NI JEPPY ANG KINIKILALA NIYANG AMA PARA LAMANG SA BABAENG MINAMAHAL?
Yan ang abangan sa Next chapter ng kwento nina Paul at Sherin. maraming Salamat po. ?