CHAPTER -1❤️
"Boss nasa Mindoro po ngayon si Jeppy Dalgan, at isa sa kasyoso niya sa iligal na droga ang mayor na si Altur Kamekazi " tawag sa kaniya ng kaniyang informant
" Okey good wag kang aalis d'yan, bantayan mo baka maka wala. pupunta na kami d'yan "sagot ni Paul sa kausap bago ibinaba ang tawag.
Nang matapos ay kaagad naman niyang tinawagan ang isa sa pinag kakatiwalaan niya, naka dalawang ring palamang ay sumagot na kaagad ang nasa linya
"Marco ihanda mo ang mga tauhan, sabihan mona rin sina Jayson at Rayan " sabi niya
"Masusunod boss"tugon nito, nang matapos ay kaagad niyang tinungo ang isang silid kung saan lahat ng iba't- ibang klase ng kaniyang Armas ay naroon na
at ng matapos maihanda ang sarili at maging ang kaniyang mga tauhan ay kaagad na nila nilisan ang Hideout at tinugo ang lugar kung nasaan si Jeppy Dalgan ang isa sa mortal niyang kaaway.
Samantala nag lalakad si Sherin kasama ang matalik niyang kaibigan, galing sila ng paaralan at bigla s'yang kinausap ng kaibigan niya "Sherin, samahan mo ako mamaya sa monisipyo meron kasing ipina pakuha si Tiya" saad ni Elma ang matalik niyang kaibigan.
"gumagabi na Elma, hindi ba p'wedeng ipag pa bukas nalang 'yan, tsaka hindi ako naka pag paalam kina nanay at ate baka hanapin nila ako kapag ginabi ako " sagot niya
"Sandali lang naman tayo best, uuwi rin tayo kaagad at hindi p'wedeng ipag pa bukas, dahil mapapa galitan na naman ako ni tiya Rena kaya please samahan mona ako Promise mabilis lang tayo " pag pupumilit pa nito
"oo na, basta mabilis lang tayu ha. kapag pinagalitan ako lagot ka saakin " sagot niya sa kaibigan na ikina tuwa naman nito.
Magka edad lamang sila ni Elma, wala narin itong mga magulang dahil magka sabay na nasawi sa sunog ang mga ito, simula pagka bata ay palagi na silang mag kasama at sa kanilang pag kakaibigan bawal ang lihiman sa kanilang dalawa, at para sa kanila ay mahigit pa sa mag-kaibigan ang turingan nila, parang tunay na silang mag kapatid dahil sobrang mahal nila ang isa't-isa, kaya sobrang na aawa siya sa kalagayan ng kaniyang kaibigan dahil mala Cenderella ang buhay nito. ang tiyahin nito ay may dalawang anak na babae, pina pahirapan at inaalipin lamang ng mga ito ang kaniyang kaibigan
"yes, sabi na e hindi mo talaga ako matitiis " naka ngiting sabi sa kaniya ni Elma at hinakbayan pa siya nito.
" ewan koba sa'yo, bakit hindi mo pa kasi layasan 'yang demoniyeta mong tiyahin at mga pinsan, haayst saamin ka nalang kaya? matutuwa pa si nanay kapag saamin ka tumira Elma" sabi niya sa kaibigan habang nilalakad na nila ang sakayan at ng maka rating ay kaagad rin silang sumakay ng motor siklo papunta ng bayan. ilang minutong biyahe ay naka rating narin sila at napa tingin siya sa kaniyang maliit na relo at nakitang mahigit ala-singko na ng hapon.
"alam mo naman best, na wala na akong ibang pamilya at tanging sina Tiya at ng mga pinsan ko lang ang meron ako"
"Elma, mukhang sarado na" mahinang sabi niya
" hindi 'yan best, Open pa'yan nand'yan pa si Ma'am Reyez 7pm out nun eh, halika na bilisan na natin" sagot ng kaibigan, sabay hila sa kaniya papasok ng munisipiyo.
"Haayst salamat naman at nakuha na natin, halika na umuwi na tayo bukas nalang kita e lilibre nag mamadali ka e." sabi ni Elma sa kaniya, nang maka labas na sila ng monisipyo
"he duon muna tayo, bumili muna tayo ng maiinom, kanina pa ako nauuhaw eh" ani ni Sherin sabay hila sa kamay ng kaibigan.
Subalit papalapit pa lamang sila ng tindahan ng maka rinig sila ng mag kakasunod na putok ng mga baril. kaya mabilis nagsi takbuhan ang mga tao ruon at maging sila ni Elma ay nataranta narin. ngunit sa sobrang pagka taranta ng kaibigan ay napalayo ito sa kaniya
Alam niyang may Phobia ng putok ng baril si Elma dahil sa nasaksihan nitong pag tadtad ng bala ng baril sa katawan ng kuya Ramon nito.
"Elma, Elma nasaan ka! " sigaw niya at patuloy parin niya itong hinahanap, sunod sunod na putok ng mga baril ang naririnig niya, napapatakip na lamang s'ya ng kaniyang tenga dahil sa malakas na putukan.
Habang tumatakbo si Sherin ay nakita niya sa may hindi kalayuan sa gawi niya ang apat na armadong mga lalaki , nag papalitan ang mga ito ng putok ng baril sa kalaban. sa sobrang takot niya na baka matamaan siya ng ligaw ng bala ay mabilis siyang nag tago sa likod ng sasakiyan na kulay itim na Toyota Hilux.
nag susumiksik si Sherin sa likod ng sasakiyan at natatakot siya na baka matamaan siya ng ligaw na bala kaya napapa-yakap na lamang siya sa Kaniyang Tuhod, sa kaniyang sobrang takot ay hindi na niya napigilang mapa iyak. hanggang sa tuluyan ng tumigil ang putukan.
"Wala na?" mahinang bulong niya, subalit ng akmang tatayo na sana siya para bumaba ng sasakiyan ay mabilis siyang napa tago ulit dahil nakita na naman niya ang tatlong lalaki na may dalang mahabang baril
"boss naka takas na naman si Jeppy pero si Altur napatay na" sabi ng isang lalaki kaya
napa takip ng sariling bibig si Sherin dahil sa narinig.
'Si mayor patay na?'usisa ng kaniyang isipan
"damn! sige bumalik na tayo" sabi naman ng baritonong boses, palagay niya ay ito ang leader ng pumatay sa kanilang mayor.
ilang minutong pag tatago ay wala na siyang narinig, tanging rinig niya lamang ay ang mga yabag nito maging ang pag bukas sara ng pinto ng sasakiyan, palagay niya ay aalis na ang mga ito kaya nag simula na siyang tumayo para maka alis na sa pinag tataguan, ngunit ang siyang pag tayo pa lamang niya ay siya rin ang biglang pag alis ng sasakiyan na pinag tataguan niya.
"Aaay!" bigkang tili niya dahil sa gulat at dahil narin sa mabilis na pag start ng sasakiyan.
"nako hindi to pwede, Luh! pa'no ito" pag wawala ng isip ni Sherin habang takot na takot na baka mapano siya at kung saan siya dalhin ng sasakiyan na pinag tataguan niya
" nako hindi pwede to! kailangan ko maka alis dito kailangan ko nang maka uwi" nag aalalang sabi niya
"hoy itigil mo ang sasakiyan! may tao dito sa likod" sigaw ni Sherin sabay pukpok sa gilid ng sasakiyan.
"Boss anong ingay 'yun?" Sabi ni Marco habang nag mamaneho, sabay baling sa amo nito.
"What?"seryosong tanong ni Paul
"may ingay akong naririnig boss, boses ng babae." sagot ni Marco, subalit tinawanan lamang ito ng dalawang kaibigan.
" nako naman namimiss mulang siguro mga babae mo Marco, ayan fvckboy pa more " kantiyaw ni Rayan. Ang pinaka palabiro sa tatlo
"babae talaga unang pumapasok sa isip ni Marco pagka tapos ng laban."sabat naman ni Jayson,
kaya nag tawanan ang dalawa, ngunit napa tagil rin sa pag tawa ang mga ito ng maka rinig sila ng boses ng babae.
" boss ano 'yun?"gulat na sabi ni Rayan.
" nako baka nasundan tayo ng ligaw na kaluluwa." sabat naman ni Marco
"Ano may multo sa lugar na 'yun! " gulat namang sabat ni Jayson.
"Marco stop the car!"seryosong utos ni Paul,
na kaagad naman itinigil nito ang sasakiyan.
"boss baka may multo, baba-ba batayo?"sabi ni Rayan.
"tssk tignan niyo kung anong ingay 'yun"utos ni Paul sa tatlo, nangi-nginig namang sumunod ang tatlo, dahan-dahan lumapit ang tatlo para tignan ang nasa likod, pag silip pa lamang ng tatlo ay nakita na nila ang isang babaeng dumadaing sa sakit.
"Aray ang balakang at pang upo ko"daing ni Sherin dahil sa malakas na pag kakabagsak niya, at sa biglaang pag preno ng sasakiyan.
"Tao kaba o multo? "nangi-nginig na tanong ni Marco sa babae, ngunit hindi ito sumagot kaya nagka tinginan silang tatlo, habang dilat na dilat ang mga mata ng mga ito.
samantala patuloy parin sa pag daing si Sherin dahil sa sakit ng kaniyang balakang at pang upo, hanggang sa mapa angat ito ng ulo at mapa dako ang tingin niya sa tatlong lalaking naka tingin rin sa kaniya.
"Ahhh!" mag-kakasabay na sigaw ng tatlong lalaki pati si Sherin ay napa sigaw narin.
" Ahhh! may dyosang Multo"sigaw naman ni Rayan.
" ahhh! white lady "sigaw naman ni Jayson.
" boss may white lady dito!"
"Boss may magandang Multo dito! "
Mag-kabay na sigaw nina Rayan at Marco.
Napa kunot nuo naman si Sherin dahil sa style ng tatlong lalake.
'mga tanga mukha ba akong multo' wika ng isipan ni Sherin, maya maya ay napa baling siya ng tingin sa lalaking papalapit sa tatlo.
" why!" seryosong ani nito sa tatlo.
Magka sabay namang itinuro ng tatlong lalaki si Sherin kaya napa tingin sa gawi niya ang binata
"Please wag niyo po akong saktan" mahinang sabi ni Sherin sapat lang upang marinig ng apat, naka siksik lamang siya sa dulo ng sasakiyan. madilim narin ang paligid at tanging ilaw lamang ng sasakiyan ang nag sisilbing ilaw at tanging sila lamang ang naroon sa madilim na lugar na iyon, wala rin kahit ni isang bahay at matataas na mga puno at tanging ingay lang ng mga insekto ang maririnig sa paligid
"Hala nag sasalita siya" gulat na sabi ni Marco
"Boss nag salita ang White Lady" sabi naman ni Jayson
" boss nakikita niyo ba, ang magandang multo nayan?" tanong naman ni Marco kay Paul na seryoso lamang na naka titig sa babae.
"hindi po ako multo" mahinang sabi ni Sherin.
"ahh boss nag salita na naman siya" tili ng tatlo at nag yakapan pa ang mga ito. gustong matawa ni Sherin dahil sa reaction ng tatlong lalaki. Ngunit nanlalambot naman siya sa paraan ng pag titig sa kaniya ng isang lalaking matangkad.
humarap si Paul sa tatlo at sinenyasan niya ang mga ito na ak'yatin ang babae ngunit sabay sabay umiling ang tatlo.
"Sabi ko ibaba niyo siya at iharap saakin!" madiing utos ni Paul sa Tatlo.
"Boss naman walang ganyanan, kahit maganda 'yan hindi ko kayang humarap sa Multo" sabat naman ni Marco, subalit hindi nag salita si Paul at kinasa ang hawak na baril na ikina putla naman lalo ng tatlo. naging si Sherin ay natakot narin.
Nanga-ngatog at nangi-nginig ang tatlo na sumunod na lamang , lalo naman nag sumiksik si Sherin sa kina uupuan niya dahil natatakot siya na baka anong gawin sa kaniya ng apat na lalaki.
"please 'wag niyo akong saktan, e uwi niyo nalang po ako" sabi ni Sherin habang naka harap sa tatlo.
"hi-hindi k-kanamin sa-sa-saktan basta wa-wag morin kaming sa-saktan" nangi-nginig sa takot na sabi ni Rayan, dahan-dahan naman tumayo si Sherin at humarap sa tatlong lalaki.
Napa atras naman ang tatlo dahil sa pag harap sa kanila ng babae.
"Ang tapang niyo pong maki pag barilan kanina tapos ngayon nanga-ngatog kayo sa takot dahil lang sa akala niyong multo ako" kunot nuong sabi ni Sherin sa tatlo, habang siya ay nag pipigil sa pag tawa
"buhay kaba talaga? hi-hindi ka multo?" tanong naman ni Jayson.
"Hindi nga ako multo tsaka nag tago lang ako dito kaya--aray bakit ka nangu-ngurot " inis na sabi ng babae kay Rayan ng kurutin ito ng lalaki sa balikat
"ah hahaha tao, tao nga! tao ka nga, hindi siya multo mga tropa" manghang sabi ni Rayan, habang patuloy parin ito sa pag kurot sa balikat ng babae, subalit napa tigil sa pag tawa si Rayan ng makitang masama ang tingin sa kaniya ng babae.
"hala Ray ginalit mo, baka mag transform na'yan sa pagiging nulto" sabi ni Marco.
"tignan mo nasa probinsya parin tayo at nasa kalagitnaan tayo ng mapupuno. baka isa 'yang engkanto" ani naman ni Jayson
"Para kayung mga tanga, nagagalit ako dahil nasasaktan na ako kakakurot mo" inis na sabi ni Sherin sabay baling ng masamang tingin kay Rayan
"aray ano ba nakaka sakit na kayo ha!" inis na sabi ulit ni Sherin ng kurutin ulit siya ni Rayan sa balikat.
"Ang lamig ng balat niya at ang lambot " nangi-nginig na sabi ni Rayan.
"Faster! " pagalit na sabi ng kanilang Amo kaya mabilis hinila ng tatlo si Sherin pababa
"Aray ! nako naman dahan dahan Lang " sabi ni Sherin bago siya naibaba ng tatlo at ipinaharap siya Sa Matangkad at seryosong lalake na kahit madilim ay naaaninag parin niya ang kaguwapuhan ng lalakeng kaharap.
"Who are you ?" Seryosong tanong ng lalake sa kaniya.
"Sorry kung nag tago ako sa sasakiyan niyo. Sobrang taranta kolang talaga kanina dahil sa barilan kanina at s---
"I said Who are you " sabi ulit ni Paul habang Titig na titig parin siya sa Babaeng naka Yuko na.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Naka suot parin ito ng Uniform at nakita niya ang ID ng babae kaya Dinapot niya ito para tignan nalang ang pangalan ng babaeng nasa Harapan.
Ng mabasa niya ang pangalan ng babae ay kaagad na niyang binitawan ang ID nito. At duon niya nalaman na Estudyante Pa lamang ito.
"Nakita niyo napo wag niyo ng itanong. Please gusto ko napong Umuwi nag aalala napo ang Ate at nanay ko " malungkot na sabi ni Sherin.
"in " tipid na turan ng binata at tumalikod na ito sa kaniya at sumakay na ng sasakiyan.
Naiwan namang naguguluhan si Sherin dahil hindi niya alam ano ibig sabihin ng lalake. Nakita niyang pumasok narin ang tatlong lalake kaya mas lalo siyang natakot na baka iwan siya ng mga ito sa madilim na lugar na iyun.
" huy White Lady pumasok kana " sabi ng isang lalake kaya wala ng nagawa si Sherin kundi ang mabilis na pumasok sa Sasakiyan ng mga ito.
" e uuwi niyo napo ba ako? " tanong niya sa tatlo.
"No. " tipid na sagot ni Paul
"Huh bakit po please gusto ko napong umuwi ". Sagot niya.
Ngunit walang ni isang sumagot o nag salita kaya lihim na napapaiyak si Sherin hanggang sa matangay narin siya ng antok. At tuluyan ng maka tulog.
Habang natutulog si Sherin ay panay tingin ng Tatlo sa babae. Sobra silang namamangha sa Taglay na Ganda at kaputian nito.
"Para siyang si Snow white napaka Puti niya at napaka ganda " wala sa loob na sabi ni Marco habang naka titig parin kay Sherin
"Stop the car! " utos ulit ni Paul kaya kaagad naman sinunod ni Rayan.
"Marco sa Harapan ka maupo. ikaw Jayson bumaba ka muna " utos ni Paul sa isang lalakeng katabi ni Sherin.
Pumasok sa loob ng sasakiyan si Paul at tinabihan ang natutulog na babae. Bago niya pinapasok si Jayson. Kaya napa Gitna si Paul habang todo alalay sa ulo ng babaeng natutulog at dahan dahan niyang pina higa sa kandungan niya ang babae. Habang ang tatlo naman ay nag tatakang pasimpleng tumitingin sa kanilang amo.
" aba may Pa da move na si Boss " naka ngising sabi ni marco "
Habang nasa biyahe ay naka tulog na sina Jayson at Rayan habang si marco naman ang nag mamaneho. Si Paul naman ay hindi parin inaalis ang tingin sa
Babaeng mahimbing na natutulog
Sobrang pagka mangha ang nararamdaman ni Paul habang naka titig sa babaeng natutulog. Sobrang puti nito na animoy pinag lihi sa Snow. Sobrang ganda nito at napaka amo ng mukha. Matangos na ilong, mahabang pilik mata at hindi gaanong kakapalan ang Kilay maganda rin ang pagkaka korte nito at hugis puso at mapupulang mga labi nito.
"Boss baka matunaw na niyan si whiteLady " pukaw ni Marco sa Amo niyang naka tulalang naka titig lamang sa babae.
"Tsk Just Focus matagal paba tayo? "
" malapit na boss. At ano balak niyo sa white Lady nayan boss ?" Tanong ni Marco habang naka tuon ang atensyun sa Daan.
" I don't know " Tipid na sagod ni Paul at tiningnan ulit ang babaeng natutulog.