"Manang Berna may nag hahanap po sa inyo " ani ni Agnes na isa sa mga kasambahay ng mga Follox "Huh sino? " takang tanong ni Berna. "Ewan pero mukhang Foreigner manang. Kaibigan moraw ho. " Napaisip naman si Berna dahil wala naman siyang kilalang kaibigan na Foreigner.ilang sigundo Lang ay Bigla naman sumagi sa isip niya si George. Ngunit napailing siya ng maisip na nasa US pala si George. "Ayyyyie si Manang. Mukhang Lumalablayp na ah. " tudyo sa kaniya ni Agnes. "He pinag sasabi mo dyan. Nasan ba siya? " "Nasa Garden siya manang. Diko na pinapasok dito sa Loob ng mansyon dahil nandito si Madam baka mapagalitan ako. " ani ni Agnes. "Sige. Paki tignan mo muna itong niluluto ko" sagot niya. "Sige ho manang. Sana all nalang may Foreigner " tudyo ulit ni Agnes.

