Walang kibuan ang dalawa habang nasa Hapag kainan sila , mula ng dumating sila ng Mansyon ay hindi parin siya kinakausap ni Paul ni Hindi rin siya sinusulyapan nito. 'Ano bang ginawa ko? May nasabi ba ako na hindi niya nagustuhan? Bakit hindi niya ako pinapansin? ' naguguluhang ani ng kaniyang isip. Ng pamansin naman ni Paul na Hindi ginagalaw ni Sherin ang pagkain nito ay tinignan niya ito at duon ay nag tama ang kanilang mata. Tinignan lang ni paul si Sherin na may pag tatanong na kaagad namang naunawaan nito. "Emmp hindi Pa ako nagugutum eh " pag sisinungaling ni Sherin. Ang gusto niya ay yung kausapin siya ni Paul at tatanungin kung bakit hindi niya ginagalaw ang pagkain ngunit tinanguan lang siya nito. Ng matapos sa pag kain si Paul ay kaagad na itong tumayo at walang lingon

