12th HOUR: Hellstone Campsite

1462 Words
Napatakip ako ng tainga nang marinig ang malakas na kulog. Kasunod nito ay ang pagguhit ng matatalim na mga kidlat sa langit. Napapikit ako. Naramdaman kong inakbayan ako ng katabi ko kaya kahit papaano ay kumalma ako. Ilang metro ang layo mula sa pwesto namin, natanaw namin ang isang malaki ngunit may kalumaang bahay. Ito na siguro ang sinasabing lodging house ng campsite. Tumakbo kaming lahat papunta dito dahil nagsisimula ng umambon. Welcome to Hellstone Campsite, basa ko sa karatulang nasa daan. Bigla akong kinilabutan. Siguro dahil sa pinagsamang lamig dahil sa malakas na ihip ng hangin at sa kaba na unti-unting namumuo sa dibdib ko. Nakarating na nga kami. Pero, ano kayang mangyayari sa’min dito? Pagkaakyat sa may hagdan papuntang main entrance ng lodging house, agad na ibinaba nila Keiichi ang mga katawan ng mga namatay naming kasamahan. Si Keiichi at Cyril ang nagtulong sa pagbubuhat sa may kalakihang katawan ni sir Marlo habang si Aaron at Edison naman sa katawan ni Wayne. Si Phi at si ma’am Jyn naman ang nagtulong sa pagbuhat sa katawan ni Steffi. Agad na pumunta sa pintuan si ma’am Jyn at kumatok. Napahalukipkip ako nang umihip ang malakas na hangin. Bigla ko tuloy naalala yung pagpunta namin sa Camp Chiatri. “Mukhang walang tao ah?” nakapameywang na sabi ni Cyril. “Pwersahin na natin! Ang ginaw na dito! Humahapyas pa yung ulan!” suhestiyon ni Edison na medyo nababasa na ng ulan. “Eh hindi naman pala nakalock!” sabi ni Aaron nang subukan nitong pihitin ang door knob. Nagtataka man, pumasok na lang kami sa loob. Tahimik. Mukhang walang katau-tao dito. “Nakakapagtaka naman, tinawagan namin kagabi yung caretaker dito at ang sabi’y nandito na daw sila mula pa kahapon ng umaga,” sabi ni ma’am Jyn. Nakakapagtaka nga. Teka… hindi kaya… “Ma’am Jyn, ano pong gagawin natin sa katawan nila sir?” tanong ni Keiichi dito. “Magoccupy na lang siguro kayo ng isang room na paglalagyan natin sa kanila para hindi kumalat yung amoy sa buong bahay,” sagot ni ma’am Jyn. Sa tingin ko, hindi magandang ideya yun. “Hindi pwede sa loob ng bahay ang mga bangkay nila ma’am,” seryosong sabi dito ni Phi. “May isasuggest ka ba?” tanong ni Edison. “Ilibing natin,” gulat kaming napatingin kay Noemi na seryosong nakatingin sa katawan ng mga namatay naming kasamahan. Binalutan namin ang mga ito kanina ng mga kumot na dala namin. “Tama siya. Mas makakabuti kung pansamantala muna natin silang ililibing,” sang-ayon ni Phi dito. Tiningnan ko maigi si Noemi at ang kaliwang braso nito. Gusto kong balikan sa isip kung paano ito posibleng nalagyan ng dugo na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin nito napapansin. Siya kaya ang may gawa ng mga pagpatay? Tiningnan ko ang mga bagaheng dala nito. Tulad ko, backpack lang din ang dala nito at isang maliit na hand bag. Kung iisipin ko ang mga gamit na kinailangan ng killer kanina… oo, tama. Sapat na nga ang isang backpack para paglagyan ng baril, kutsilyo, lubid at isang container for sleeping gas. Hindi. Mukhang imposible pala! Ang alam ko, nagbabasa siya kanina ng libro… kung ang laman ng bags na dala niya ay ang mga gamit na ginamit kanina sa mga krimen, saan niya ilalagay yung mga damit na pamalit niya? At isa pa, posibleng iinspect ang mga bagahe once may mag-initiate para makagather ng clues kaya wala ng lusot kung sakaling doon lang sa bag niya nilalagay ang lahat ng related as murder weapons. Argh! Sumasakit ang ulo ko! Bumalik ako sa realidad nang makitang papunta na sa may back door yung limang lalaki kasama si ma’am Jyn. “Saan sila pupunta?” mahinang tanong ko. “Hindi ka ba nakikinig? Ililibing nila pansamantala sa likod-bahay yung mga bangkay!” supladang sagot sa’kin ni Yvonne. Tiningnan ko yung mga kasama kong naiwan sa living room. Nakatulala lang at tahimik si Miviel katabi si Elize na nagpupunas ng nabasang mga braso. Si Christine naman ay mukhang naghahalungkat ng maipupunas sa loob ng bag nito. “Uhm… kung puntahan na kaya natin yung mga rooms sa taas?” basag ko sa katahimikan. “You’ve got a point there! Mukhang matatagalan pa naman yata yung mga boys natin kaya mauna na tayong pumili ng rooms!” sabi ni Yvonne at saka binitbit na ang mga bagahe nito at naunang umakyat. Sumunod naman kami sa kanya. Pag-akyat, bumungad sa amin ang maraming kwartong magkakahilera. Sa dulo ng pasilyo nito ay may pinto. Pinuntahan ko naman ito at napagtanto kong papunta ito sa may veranda kung saan tanaw ang likod-bahay na natatakpan ng kulay berdeng bubong. Siguro garden yung nasa baba nito. Tumingala ako sa langit.  Malakas pa rin ang buhos ng ulan at mukhang nagsimula nang gumabi. Bumalik na ko sa loob at sinarado ang pinto. Narinig ko namang mga pumasok na sa bawat silid ang mga kasamahan ko. Pumasok ako sa pinakamalapit na kwarto katabi ng pintong nilabasan ko. Nakita ko sa loob nito si Yvonne na mukhang tinatantya ang lambot ng kama habang nakaupo at tinatapik ito. Tatlong beds ang nasa loob ng kwarto. “Dito na lang ako magsestay! And as for the room assignments, bahala na kayo kung magsheshare-share kayo or magsosolo kayo ng room basta kami ni ma’am Jyn dito,” sabi niya sa’kin. Hanggang ngayon, dala pa rin niya ang pagiging president niya. Bossy, tsk. “I don’t like the other rooms!” lumingon ako kay Miviel na kakapasok lang. “I’ll stay here! Is that fine with you Ms. President?” “I don’t mind at all basta hindi ka lang humihilik sa pagtulog! Gosh! I really want some sleep!” sabi ni Yvonne dito sabay dapa sa kama. Lumabas na ako at tiningnan pa ang ibang room na kapareho lang din ng nauna, bilang lang ng beds ang pinagkakaiba. Simple lang ang design ng mga rooms. Dirty white ang pintura ng mga dingding nito, red yung color ng mga bedsheets at may lampshade na nakapatong sa isang wooden table sa gitna ng dalawang bed. Air-conditioned din ang room at maaliwalas ang paligid. Tumigil ako sa room kung saan nakita kong nag-aayos ng gamit si Elize. Mukhang naramdaman niya naman ang presence ko kaya napatingin siya sa akin. “You wanna share a room with me?” nakangiti nitong tanong. “Tinatanong pa ba yan?” sagot ko sa kanya. Ibinaba ko sa loob nito yung backpack na dala-dala ko. “Hehe baka kasi ang gusto mong makasama sa room ay si papa Phillipse!” panunudyo nito sa’kin sabay kindat. Bigla namang nag-init ang magkabila kong pisngi. “Okay lang ba kung share nga kami?” napalingon ako sa pintuan kung saan nakasandal si Phi. Bahagya ko pang narinig ang pigil na tili ni Elize. “T-Tapos na kayo sa baba?” tanong ko sa kanya. Tinanguan lang niya ako at saka tuloy-tuloy na pumasok ng room. Nilampasan niya lang ako at saka pinuntahan si Elize na nasa likod ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumalikod para makita sila. “Okay lang ba sa’yo kung ako na munang bahala sa bestfriend mo?” tanong ni Phi kay Elize. Parang bigla akong kinilig sa tanong nito. Shiz. This is not the right time for such kind of feelings Percy! “Oo naman! Boto kaya ako sa’yo! So kina Cyril na lang ako magsestay hehe,” tuwang-tuwang sagot nito. Kinidatan niya pa ko at halatang tuwang-tuwa sa nangyayari. Oh, my ever-suppotive bestfriend talaga kahit kailan! Nagpaalam na ito at saka lumabas ng room. Ilang saglit pang napuno ng katahimikan ang buong kwarto bago siya humarap at lapitan ako. “Percy…” mahina nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Parang may mga dagang nag-uunahan sa dibdib ko sa sobrang kaba. “B-Bakit?” kinakabahan man, nagawa ko pa ring magsalita at tumugon sa titig niya. “Marunong ka bang magluto?” nanlaki ang mata ko sa narinig. Kasabay nito ang pagtunog ng tiyan nito. Nang tingnan ko ang mukha niya, nakatingin na ito sa may kanan nito at medyo namumula ang magkabilang pisngi. Shiz, ang gwapo talaga! “Gutom ka na? Hindi ka ba marunong magluto?” tanong ko sa kanya. Napakamot lang ito sa ulo nito sabay iling. “Yun yung pinagtatalunan sa baba ngayon, kung paano tayo kakain ng hapunan,” sabi nito sabay upo sa kama, nangawit na siguro siya sa pagtayo. “Kung ganun, ang mabuti pa… bumaba na tayo para makapaghapunan na!” sabi ko sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha nito at tuwang-tuwang tumayo. Mauuna na sana akong lumabas ng kwarto nang hawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko siya. Seryoso itong nakatingin sa kamay naming magkahawak. “Whatever happens, please always believe in me,” rinig kong bulong niya. Napakunot ako ng noo. Anong ibig niyang sabihin? “Kanina pa kasi masama ang kutob ko sa bahay na ‘to… feeling ko kanina pa may nakatingin sa’tin at nagmamatyag,” sabi pa nito. Kung ganun, naramdaman din pala niya yung masama kong kutob kanina. “So I want you to trust me and me alone. Lalo pa at hindi pa natin alam kung sino ba sa mga kasama natin ang tunay na killer at kung mag-isa nga lang ba siya” “Don’t worry, I’ll always believe in you,” sabi ko sa kanya sabay ngiti. “Promise?” “I promise.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD