13th HOUR: Suspicions

1726 Words
Pagkatapos kumain ng hapunan na pinagtulungan naming lutuin ni ma’am Jyn, nagkanya-kanya na kaming punta sa mga kwarto namin. Sabi kasi ni ma’am, bukas na lang daw kami magpaplano kung paano kami makakaalis ng kampo at makakauwi. Umakyat na ako sa taas habang ang iba ay nasa living room pa at may kung anu-anong ginagawa. Pagpasok ko ng kwarto namin, naabutan ko si Phi na may hinahalungkat sa bag. Sinarado ko ang pintuan at saka naupo sa kamang katabi nito. “Anong hinahanap mo?” tanong ko sa kanya. “This!” sagot nito sabay angat sa pamilyar na itim na librong nakita namin sa Camp Chiatri noon. “Dinala mo pala yan?” gulat kong tanong sa kanya at saka lumipat sa kama nito at umupo sa tabi niya. “Nakita ko ‘to sa ibabaw ng table mo bago ako umalis kanina sa dorm kaya dinala ko,” sagot niya. Naiwan ko pala yun dun? Ano ba yan! Nagiging makakalimutin na yata ako? “Ahh mabuti kung ganun, akala ko nailagay ko na siya sa bag ko ei naiwan ko pala hehe,” sabi ko sabay peace-sign. “Dito tayo magsimula ng investigation at bumuo ng mga pwedeng possibilities,” seryoso nitong sabi sabay buklat sa itim na libro. Tulad ng nasa cover page nito ang nakasulat sa unang pahina nito—japanese characters o kanji na kapag tinranslate ay ‘Hour of Death’ ang meaning. Binuklat namin ang sumunod na pahina at may nakasulat ditong initials na mukhang letrang I at P à エ.ア                                                                                                                        Anong ibig sabihin nito? Ang sumunod naman na mga pahina ay mga litrato. Sa unang pahina ay isang lumang litrato ng isang babaeng medyo may katandaan na din naman, payat ito at maputi ang balat. Maamo ang mukha niya at may mga matang parang laging iiyak. “Baka siya yung unang biktima nung killer,” sabi ni Phi. Posible nga yun pero paano naman kaya namin malalaman kung sino ito? Binuklat ko pa ang mga sumunod na pahina. Limang pictures ang hindi namin kilala. Limang pictures na nakalagay bago ang picture ng mga estudyanteng kasama sa Camp Chiatri. Limang naunang posibleng biktima ng hinahanap naming killer. “Teka, tingnan mo ‘to… may ekis na nakasulat oh!” pansin ko sa lower end ng first picture. Binuklat ko ang sumunod na page at imbes na ekis ang nandito, bilog ang nakadrawing. Tiningnan ko din ang iba pang page at kung hindi bilog ang nakasulat, ekis ang iba sa mga ito. Meron ding tatlong page na triangle ang nakadrawing. “Hindi lang yun… tingnan mo itong upper part, gumamit din ang killer ng black ink dito para magsulat ng mga numbers. Black yung background sa part na to kaya hindi masyadong pansinin,” sabi ni Phi. Tiningnan ko naman yung tinuturo niya at meron nga ditong 8 numbers na maliit na nakasulat. Kinuha ko yung notebook ko at nagsimulang ilista ang mga numbers at symbols na nakita namin. Pagkatapos kong magsulat, tiningnan namin ang sinulat ko. Girl 1: 02131410 – X Boy 1: 02142400 – O Boy 2: 02181730 – O Girl 2: 02191831 – O Boy 3: 02232400 – Δ Girl 3: 04252400 – O Girl 4: 04260005 – O Boy 4: 04260008 – O Girl 5: 04260015 – X Boy 5: 04260015 – X Girl 6: 04260020 – X Girl 7: 04260020 – X Boy 6: 04260030 – Δ Boy 7: 04260035 – X Girl 8: 04260036 – O Boy 8: 04260115 – Δ Girl 9: 06201015 – O “Maru, batsu at sankaku…” mahinang sabi ni Phi. “Anong ibig sabihin nun?” “Sa Japanese language, maru ay yung bilog kung saan ang counterpart sa’tin ay check. Batsu naman yung ekis which means no good. At ang sankaku ay yung triangle, siguro neutral yung ibig niyang sabihin sa paggamit niya dito,” paliwanag niya. ibinalik ko ang tingin ko sa mga numbers at symbols. Kung ang bilog ay good, ekis sa no good at triangle sa neutral… “Wait, looking at these numbers and symbols, parang lumalabas na… records ito ng mga nakita niyang pagpatay na nakaarranged chronologically!” “I think we’re heading the same way. Ang suspetsa ko, yung mga bilog lang ang pinatay ng killer, yung mga ekis, posibleng nasaksihan niya lang kaya alam niya yung time of death at yung neutral naman ay… accident? Or…” “Suicide!” halos sabay naming sabi. “Pero teka paano natin malalaman kung sino ang mga ‘to?” tanong ko sa kanya. Pamilyar lang kasi sa’kin yung mga faces ng mga kasama ni kuya sa camp pero hindi ko mamatch yung mga names sa faces nila. “Yung mga nasa camp Chiatri, may pictures ako sa phone ko ng mga details about them as well as their pictures, pero yung limang nauna wala,” sabi niya sa’kin. “Si ma’am Jyn! Baka alam niya kung sino ang mga ‘to?” sabi ko sa kanya. Saglit itong nag-isip at saka seryosong humarap sa’kin. “Hindi natin siya pwedeng tanungin. Posibleng siya ang killer,” nagulat ako sa sinabi nito. “Pinagdududahan mo siya?” “Lahat sila actually. Ayokong gumawa ng exemption kaya I assume na lahat sila ay possible suspect,” may punto naman siya kaya lang 12 kaming lahat na nandito ngayon. Kung ibabawas kaming dalawa, sampu pa rin ang pamimilian namin kung sinong gumagawa ng mga krimen. “Kailangan nating mag-eliminate ng mga imposibleng maging killer para mas manarrow-down natin ang choices natin,” sabi ko sa kanya. Tumango naman ito. “Saan ba tayo unang magsisimula?” pilit kong inalala lahat ng nangyari sa’kin simula nang tumuntong ako sa Elite’s Academy. Yung pagpapadala ng patay na pusa! “Yung patay na pusa!” agad kong sabi. “Anong patay na pusa?” nagtatakang tanong nito. “Nung first day ko sa dorm at una kong nameet si Cyril, may nagpadala ng patay na pusa sa dorm at kasama sa lalagyan nito yung kwintas ni kuya,” sabi ko sa kanya. “Kwintas ng kuya mo?” tanong nito. Ipinakita ko sa kanya yung suot kong kwintas. “Paano yan napunta sa nagpadala nung patay na pusa? Saka kilala mo ba kung sinong nagpadala nun?” “Nung una hindi, pero nung pag-alis ni Cyril ng room nag-imbestiga ako at nalaman kong sila ni Keiichi ang nagpadala nung box sa’kin,” sagot ko. Napatangu-tango naman ito habang inililista ang mga sinasabi ko. “Anong motibo nila para padalhan ka ng ganung bagay?” malalim itong nag-isip at saka ko biglang naalala yung listahan ng mga namatay sa Camp Chiatri. “Si Leah Venozo!” halos sabay naming sabi. “Naisip ko na nga rin pala ‘to dati… pero nawala kasi yun nang makita kong nagkakamabutihn sila ni Elize at mukhang wala nang masamang balak pa si Cyril sa’kin” “Hindi natin masasabi… paano kung all this time, umaarte lang pala siya? Pero teka, kung sa kapatid mo siya galit at ikaw ang gusto niyang paghigantihan, eh di ibig sabihin hindi siya ang pumatay kina sir at kay Yvette?” “Oo dahil wala naman siyang mapapala kahit patayin niya sila. Kung may gusto man siyang patayin, ako lang yun,” mahina kong sabi. Ano nga bang dahilan ng killer kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ‘to? “After ba ng pagpapadala nung patay na pusa, may nangyari bang kakaiba?” saglit akong nag-isip. “Nung papasok na ko sa school kinabukasan, muntik na akong mabagsakan ng hollow blocks mula sa rooftop. Tingin ko sila din ang may gawa nun—ah oo nga pala! Si L!” bigla kong sabi nang maalala ko yung nagtext sa’kin nung araw na yun. Speaking of L, hindi na nga pala siya nagparamdam simula nang araw na yun! Paasa siya! Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukang tawagan yung number ni L na sinave ko. Narinig ko pa ang pag-ubo ni Phi sa tabi ko. Pinakinggan ko ang kabilang linya at nagsimula na itong kumunekta. Sumagot ka please? Napalingon ako kay Phi nang biglang tumunog ang cellphone nito. “Ahh ehh…” napalaki ang mata ko nang may marealize ako. “Ikaw si L?” malakas kong tanong sa kanya at pagkatapos ay hinablot sa kanya ang hawak niyang cellphone. Nakalagay pa sa screen nito ang number ko na nagmisscall. “Bakit hindi mo sinabi sa’king ikaw si L?” tanong ko sa kanya. “Hindi ka naman nagtanong ei?” parang batang sagot nito. “Ikaw yung bumunggo sa’kin nung araw na yun? Paano mo ko nakilala? Bakit mo kilala si kuya?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Halo-halo na ang nararamdaman kong emosyon. “Chill! Sinabi ko na sa’yo di ba? Alam ko ang tungkol sa Camp Chiatri case dahil sinama ako doon nung uncle ko nang mag-imbestiga sila! Syempre kilala kita dahil nakita ko ang picture mo as one of the family members of Daniel James Montecer! At naisip ko na kung sakaling papasok ka sa school ng kuya mo, posibleng ikaw ang maging target kaya gumawa ako ng paraan para balaan ka!” mahabang paliwanag nito. “Bakit?” tanong ko. “Anong bakit?” “Bakit ginawa mo ang lahat ng yun para sa’kin?” huminga muna ito ng malalim bago sumagot. “Ang totoo kasi niyan, kilala ko ang kuya mo… personally,” maang akong napatingin sa kanya. “Her ex-girlfriend is my step-sister.” “Ex-girlfriend ni kuya ang step-sister mo?” “Right. Nagtagal sila ng one year bago sila naghiwalay. Maayos naman ang paghihiwalay nila ayon sa nabalitaan ko kay Sam. Yung bagong naging girlfriend ng kuya mo after two months nang maghiwalay sila, ang alam ko, she was also in the Camp Chiatri,” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. So she was also killed. “Kaya hindi ako naniniwalang ang kuya mo ang may gawa ng pagpatay sa Camp, ‘cause I know how much he loved my sister when they were still together,” sabi pa niya. Bigla akong may naalala. Kinuha ko ang libro at binuklat ang mga pahina nito. “Sino dito ang naging bagong girlfriend ni kuya?” tanong ko sa kanya. “Maybe the one whose face has been ruined,” nakarating ako sa pahinang tinutukoy niya. Pahina kung saan may picture na sinadyang guhit-guhitan ang bandang mukha hanggang sa hindi na ito makilala. “The killer is someone who has grudge on her?” gulat akong tumingin sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito. “Bakit naghiwalay ang step-sister mo at ang kuya ko?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko masyadong alam ang buong detalye pero mukhang si Sam ang nakipagbreak,” sagot niya habang tinitingnan ang bukas na pahina ng libro. “After kasi nilang maghiwalay, lumipad papuntang States si Sam. Ilang weeks after that, nabalitaan ko sa pinsan ko sa States na nakipagbalikan pala si Sam sa ex nito na doon na nakatira,” paliwanag niya. “Kung sakaling hindi naging maganda ang paghihiwalay nila, baka pinaghinalaan ko rin ang step-sister ko pero mukhang wala naman siyang kinalaman dito. Seeing this kasi, mukhang isang taong may inggit o galit nga sa kanya ang may gawa nito. Ang tanong ngayon ay… sino?” Sino nga ba? At ano itong masamang kutob na hindi maalis sa dibdib ko habang nakatingin sa buradong mukha ng girlfriend ni kuya? Someone who held a deep grudge on both of them… Sino ba talaga ang killer?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD