Gabi na nang matapos ang huling klase namin. Pagkalabas ng professor namin, lumabas na rin ako at dumiretso sa locker room. Madali ko naman agad nakita yung locker na para sa’kin. Binuksan ko ito at tumambad sa’kin ang tatlong letrang iyon na sinulat gamit ang masangsang na kulay pulang likido.
DIE.
Napapikit ako’t napahinga ng malalim. Sinarado ko ang locker ko at tumalikod dito. Bahagya ko pang napansin ang masasamang tinging ipinukol sa’kin ng ilang babaeng nasa loob ng room na iyon.
Mga mapanghusgang tingin.
Pumikit ako. Sa pagkakaalala ko, medyo natulo pa yung pulang likido na nakasulat. Ibig sabihin, hindi pa ganun katagal nang gawin iyon ng salarin. Dinilat ko ang mata ko. Sigurado akong nandito pa ang taong iyon. At ang mga babaeng nandito ngayon, kilala nila kung sinong may gawa nito. Alam nila pero alam kong wala silang balak sabihin sa’kin.
Kumuha ako ng kapirasong papel sa notebook ko at nagsulat. Iniwan ko ito sa loob ng locker ko at saka diretsong lumabas ng room.
Hindi niyo ako kayang takutin!
***
Someone’s POV
Pagkalabas ni Percy ng room, dahan-dahang naglakad papunta sa locker ng huli ang isang babae at kinuha yung kapirasong papel.
You’re aiming at the wrong target, basa niya sa nakasulat. Galit na galit na nilamukos niya ang papel.
Maya-maya, may lumapit ditong isang babae at saka bumulong.
“Dumating na ang hinihintay niyo, Pres.”
Napangiti ang babae at saka matalim na tiningnan ang pangalan ni Percy na nakadikit sa locker. Tumalikod na ito at saka lumabas ng room.
Nang makarating ang babae sa rooftop ng building na iyon, maingat na binuksan niya ang pintuan. Tahimik, naisip niya. Humakbang siya at palinga-lingang tiningnan ang paligid. Tiningnan niya ang kanyang relo. Hindi siya sanay na pinaghihintay. Maya-maya, nakarinig siya ng mahinang mga kaluskos. Paglingon niya, nakita niya ang mga taong hinihintay niya.
Hahakbang pa sana ang babae palapit dito nang magsalita ang isa sa mga bagong dating.
“Step another one and your head will be gone!” napaatras siya nang makitang may hawak itong baril at nakatutok sa kanya.
“I’m the student council president and you’re pointing a gun on me?”
“We still don’t trust you so back off!” supladong sabi nito habang hindi pa rin binababa ang baril. Bakas sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro.
“Alam mo bang pwede kang maexpel sa ginagawa mo ngayon?” matapang na sabi niya dito.
“Wala kaming paki,” sabat ng kasama nitong babae at saka itinaas ang hawak na baril at itinutok din sa kanya.
“Okay fine!” inirapan niya ang mga ito at saka tinaas ang dalawang kamay. “What do you want me to do?”
“We’re here to tell you na wag kang mangingialam sa mga plano namin,” sabi nung isa pang lalaki habang hawak ang kamay ng girlfriend niya.
“I promise not to interfere, but I have a proposal,” nakangiting sabi ng babae.
“Proposal?” sabat ng girlfriend ng lalaki.
“Let’s recreate the camp and corner that monster,” seryosong sabi ng babae.
“What do you mean?” tanong ng babae at saka ibinaba ang baril na hawak. Sinenyasan din nito ang kasama na ibaba na ang hawak.
“You know what I mean.”
“Imposibleng payagan tayo ng school.”
“Oh dear, you don’t really know who you are talking to, huh? I can do anything with my power.”
Her eyes were sparkling with vengeance and anger. Lihim siyang napangiti. Alam niyang papayag ang mga ito dahil pare-pareho ang layunin nila: to kill the monster who end the lives of their loved ones.
It’s time to start a war.
***
PERCY’S POV
Palabas na ako ng building namin nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Isang matangkad na lalaking medyo gusot na ang suot na uniform, bagsak ang buhok nitong medyo tumatabing sa mga mata nito. Hinihingal pa ito nang makalapit sa’kin.
“P-Percy! Tawag ka ni sir Umbal sa gym!”
Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit naman kaya ako ipapatawag sa gym? Sa pagkakaalala ko’y sa isang araw pa ang schedule ng P.E class ko.
“Bakit daw?”
“Hindi ko alam eh! May estudyante lang na nagsabi sa’kin. Sige babye na!” pagkasabi nito, tumakbo na agad ang lalaki palayo.
Kahit medyo nagtataka, dumiretso na lang ako sa gym. Medyo madilim na rin kaya kakaunti na lang ang mga taong nakikita ko malapit dito. Nang makarating sa entrance nito, agad na hinanap ko si sir.
Asan na yun?
Pumasok ako sa may parang locker room. Walang tao. Tatalikod na sana ako para umalis nang biglang may tumakip sa bibig ko at pagkatapos ay may kung ano akong nasinghot hanggang sa unti-unti na akong nanghina at nawalan ng malay.
***
Pagkadilat ko ng mga mata ko ay wala akong makitang kahit anong liwanag. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagsakit ng likod at binti ko. Ang hapdi rin ng mga braso ko. Naramdaman ko ring medyo basa ako.
Umulan ba kanina? Teka, nasaan ako?
Bumangon ako at pakapa-kapang humakbang. Nang masanay na ang mga mata ko sa dilim, naaninag ko ang pintuan. Kahit na nanghihina, pilit ko itong tinulak para buksan.
Shiz bakit ayaw mabukas?
“Tulong! Tulungan niyo ‘ko!” malakas kong sigaw. Nakarinig ako ng mahinang kaluskos, pakiramdam ko ay parang may gumalaw sa likod ko. Lumingon ako at sumandal sa may pintuan. “S-Sino yan? M-May tao ba diyan?” tanong ko. Hindi ako takot sa dilim pero medyo may takot ako sa multo. Nagsimula na akong kabahan nang maaninag ko na parang may bulto ng tao sa isang sulok.
Parang… may taong nakaupo?
Napalunok ako. Bigla kong naalala yung mga horror films na napanood ko. Shiz! Kaya ayokong nanonood ng horror eh! Masyadong malawak ang imagination ko kapag madilim! Nagiging paranoid pa ko! Tiningnan ko maigi yung pinagmulan ng nakita kong gumalaw kanina. Paano kung… bigla na lang niya akong atakihin?
Bigla kong naalala yung cellphone sa bulsa ng palda ko. Ayun! Buti na lang nandito pa siya! Ginamit ko ang backlight nito at dahan-dahang lumapit sa pinanggalingan ng ingay kanina.
Tao naman siguro siya di ba? Hindi naman siguro siya multo?
“Ahm… okay ka lang ba?” kulbit ko dun sa taong nakaupo. Hindi ko pa makita yung mukha niya dahil nakatungo ito at may suot na hood. Yung dalawang braso pa nito ay nasa kanyang tuhod.
“Wui!” kulbit ko pa ulit sa kanya. Gumalaw ito at dahan-dahang tumingin sa’kin. Napapitlag ako nang magtama ang mga mata namin.
“What?” tinatamad nitong tanong, halatang bagong gising lang.
“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya kahit medyo nawiweirduhan sa kinikilos nito. Hindi kaya… multo na itong kausap ko? Napalunok ako sa naisip ko.
“Kanina oo, ngayon hindi na!” tinutok ko sa kanya yung phone ko kaya nakita kong nag-unat siya. “Hey! Keep that off my face!” suplado nitong sabi. Ang sungit! Ibinaba ko naman ito at saka sinabayan siya sa pagtayo. Pero at least, hindi siya multo Percy! Wala naman kasing multong nagsusuplado at nagi-english di ba?
Lumapit ito sa may pintuan at pilit itong binubuksan.
“May naglock yata niyan sa labas!” naiinis kong sabi sa kanya. Narinig kong huminga pa ito ng malalim at saka sinipa yung pintuan. Napanganga na lang ako nang makitang bumagsak yung pintuan sa sahig.
“Wow…” namamangha kong sabi. Sumunod ako sa kanyang lumabas. Mukhang nasa storage room kami kanina. Bigla ko na namang naramdaman ang p*******t ng katawan ko, pati ang hapdi sa magkabila kong braso’t binti.
Nakalabas naman kami ng gym gamit ang emergency exit. Hindi pa rin nalingon yung lalaki sa’kin. Nakaramdam ako ng inis kahit na hindi ko pa naman siya kilala at alam kong wala siyang kahit anong obligasyon sa’kin.
Pero di ba? Hindi ba dapat alalahanin niya man lang ako kahit papano? Babae kaya ako! At madilim ang nilalakaran—
Bigla akong nabunggo sa likod nito nang bigla itong tumigil sa paglalakad.
“Bakit ka tumigil?” tanong ko sa kanya.
“Bakit mo ko sinusundan?” suplado niyang tanong. Gwapo kaya ito para magsuplado? Tsk. Napasimangot ako.
“Dito po kasi yung daan papunta sa dorm ko!” mataray kong sabi sa kanya at saka naunang maglakad kahit medyo mahapdi talaga yung mga binti ko. Natuwa naman ako nang maaninag ang liwanag na nanggagaling sa guard house ng dorm.
Kakawayan ko na sana si manong guard nang bigla akong hawakan sa braso nung lalaking kasama ko.
“Anong nangyari sa’yo?” medyo mataas ang boses na tanong nito.
“Ha? Anong ‘anong nangyari sa’kin’? Bakit?” nagtataka kong tanong.
“You looked like a zombie! Manhid ka ba’t hindi mo maramdamang punung-puno ka ng dugo?” kahit medyo galit, nakaramdam ako ng pag-aalala sa boses nito.
Biglang nagsink-in sa’kin ang sinabi niya at saka tiningnan ang sarili ko.
Kaya pala parang ang lagkit ko…
Kaya pala parang may mahapdi sa mga braso’t binti ko…
Ang dami kong dugo…
Halos naging kulay pula na yung suot kong puting uniform. At dahil naging aware na ko sa katawan ko, naramdaman ko ng sabay-sabay lahat ng iniinda kong sakit kanina. Parang narinig kong may sinabi pa siya pero bigla na lang akong nahilo at nagdilim na ulit ang paningin ko.
Am I dead already?
***
“Kuya ano yan?” tanong ko sa sinusulat niya sa itim na notebook.
“Journal,” maiksing sagot nito.
“Journal? Ano po yun?”
“Hmm… parang diary din, doon mo sinusulat yung mga importanteng nangyari sa’yo—good or bad, happy or sad, lahat!”
“Eh bakit kailangan pa pong isulat?”
“Para alalahanin mo sa future o kaya para may maiwan kang record kapag bigla kang nawala…”
“So kapag nawala ka po, titingnan ko lang yang notebook na iyan at mahahanap na kita?”
Ginulo niya ang buhok ko.
“Kahit hindi mo basahin ‘to, alam kong kayang-kaya mo kong hanapin Percy!” nakangiti nitong sabi.
“Talaga po? Paano?”
***
Pagkamulat ng mata ko, kulay puting kisame ang unang tumambad sa’kin.
Buhay pa ko…
“Oh my God, best friend! Buti na lang gising ka na!” nag-aalalang sabi ni Elize. Nakatayo siya sa right side ko.
“Nasa’n ako? Anong nangyari? Bakit ako nandito?” sunud-sunod kong tanong sa kanya.
“Nandito ka sa St. Louise Hospital. Dinala ka dito nung… nung… ah basta! May nagdala sa’yo dito nung nahimatay ka tapos gamit yung phone mo, tinawagan niya ko para sabihin yung nangyari! Tinawagan ko kaagad si tita nang makapunta ako dito and that was two days ago pa! Imagine how much we’re worried! Now tell me, anong nangyari sa’yo ha?” mahabang sabi nito. Halatang alalang-alala siya sa’kin.
“May nagkulong sa’kin sa storage room ng gym tapos binigyan niya ko ng maraming sugat na hindi ko naman narealize agad. Buti na lang may tao pala dun sa loob kaya ayun, nakalabas ako.”
“Teka—hindi kaya, siya yung nanakit sa’yo?”
“Mukhang hindi naman! Hindi naman siya amoy-dugo eh!” naalala ko nung biglang huminto yung lalaki at mabunggo ako sa likod niya. Ang bango ng amoy niya!
“Inamoy mo siya?” nanlaki ang mga mata nito. Binatukan ko nga. “Awts! Hehe so anong itsura? Gwapo ba?” excited nitong tanong.
“Hindi ko nga nakita yung itsura eh! Hello, ang dilim kaya?!” sinenyasan ko siya na babangon ako kaya inalalayan niya na muna ako.
“Pero grabe best friend yang mga sugat mo! Alam mo bang ang daming nawala sa’yong dugo? Buti na lang hindi ginalaw yang pretty face mo!” sabi nito sabay hawak sa magkabila kong pisngi. Napatawa naman ako.
“Hindi ako masyadong nag-ingat kaya nangyari ‘to. Medyo naramdaman ko na ngang may kakaiba tapos tumuloy pa rin ako. Sorry ahh… pinag-alala pa kita…”
“Hmp! Malaman ko lang kung sinong may gawa nito sa’yo, nakuu… malalagot talaga siya sa’kin!” inis na inis na sabi nito. Natatawa naman ako habang tinitingnan ito.
Pero, sino nga kaya ang may gawa nito sa’kin?
At saka, sino kaya yung lalaki kagabi?
***
Ilang araw din akong nagstay sa hospital bago ako payagang umuwi ng doctor. Medyo naghilom na rin yung mga sugat ko sa may braso’t binti kaya medyo nakakakilos na ako ng maayos.
“Papasok na ko Percy ha? Magkita na lang tayo mamaya!” nakangiting sabi pa ni Elize. Hinatid niya lang ako sa dorm namin pagkadischarge ko. Si mommy kasi ay maaga ring umalis kanina matapos asikasuhin ang paglabas ko. “Ay oo nga pala best friend!” lumingon ako nang bigla itong bumalik.
“Bakit?” tanong ko.
“Mukhang dumating na yung huling room mate natin kagabi kasi nakita kong may nagoccupy na nung lower deck sa tabi mo! Sinabi ko lang para hindi ka magulat,” sabi nito at pagkatapos ay nagpaalam na. Simula nang maadmit ako sa ospital, halos doon na rin natutulog si Elize. Siguro dahil si Cyril lang ang nasa dorm kaya ayaw niyang matulog doon nang wala ako. Umakyat na ako at dumiretso sa room namin.
Pagkabukas ko ng pinto, agad akong nabunggo sa kung anong matigas na bagay. Pagtingala ko, nagtama ang mga mata namin. Agad na kumunot ang noo ko.
De javu?
Teka… suminghot-singhot ako. Pamilyar din itong amoy na ‘to…
“Ikaw!!” sigaw ko sabay turo sa mukha niya. “Ikaw yung lalaki sa storage room di ba?”
Hindi ako pwedeng magkamali dahil pareho sila ng amoy at isa pa, ganun pa rin yung suot niya—black hoodie jacket at black pants!
Hindi naman halatang favourite niya ang black niyan? Napairap na lang ako.
“Ahh… the zombie girl!” tumangu-tangong sabi nito. Zombie girl? The heck. “What are you doing here?” tanong nito.
“This is my room!” sagot ko sa kanya sabay baba ng dala kong bag.
“Ahh I see…” tinalikuran niya ako at saka sumampa sa kama nito. So siya yung tinutukoy ni Elize na kalilipat lang? What a small world!
“Hindi ka ba papasok?” tanong ko sa kanya. Nakadapa pa rin kasi ito sa kama. Hindi ito sumagot. Don’t tell me nakatulog siya agad?
“Bakit ba ang dilim dito?” mahina kong sabi sabay lakad papunta sa switch ng ilaw.
“Wag mong bubuksan yung ilaw!” napalingon ako dito nang bigla itong sumigaw.
“Bakit?” tanong ko. Hindi ito sumagot. Nakatihaya na ito habang nakapatong yung kaliwang braso sa mga mata. Nilapitan ko naman ito at umupo sa tabi niya.
“Takot ka ba sa liwanag? Vampire ka ba?” tanong ko sa kanya. Come to think of it, sa dilim ko din siya nakilala at mukhang komportable siya ‘dun. Hindi kaya bampira talaga ang isang ‘to? Pinagmasdan ko ang itsura nito habang tahimik pa din itong nakahiga. Maputla ang kulay ng balat nito at mayroon siyang mapupulang labi.
“Ano… salamat nga pala sa tulong mo nung nakaraan ah? Siguro, patay na ko ngayon kung wala ka sa storage room nang araw na iyon,” mahina kong sabi sa kanya. Sana naman pansinin niya ko noh?
“Alam mo na ba kung sinong may gawa nun sa’yo?”
Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. “I’m sure it’s one of them,” seryoso kong sabi. Sigurado akong may kinalaman sa Camp Chiatri case ang nangyari sa’kin ngayon. Isa sa mga taong gustong maghiganti ang may gawa nito, isa sa mga taong galit kay kuya.
Nagulat ako nang bigla itong bumangon at humarap sa’kin. Nahubad tuloy sa ulo niya yung hood niyang suot kaya buo kong nakita ang maamo niyang mukha na may alun-along buhok. May matangos itong ilong at mga matang parang nanghihypnotize.
“What’s your name?” tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“P-Percy,” maiksing sagot ko. Did I just stammer?
“Percy? Like Percy Jackson?”
“Yeah I know, it’s kinda weird for a girl to have Percy as a name dahil kay Percy Jackson pero wala naman akong magagawa dahil iyon ang ipinangalan sa’kin ng mga magulang ko noh!”
“Whatever. So, anong gagawin mo kapag nalaman mo kung sinong may gawa sa’yo nito Percy?”
Natigilan ako at napaisip. Ano nga ba?
“Do you want to kill him/her?” seryoso nitong tanong. Napaawang naman ang bibig ko. Hinintay ko kung babawiin niya ba ang tanong niya pero hindi.
“S-Seryoso ka ba? Of course not! I’m not a murderer!” sagot ko. Ngumiti naman ito. Shiz. Bakit parang ang gwapo ng lalaking ‘to kung ngumiti?
“That’s good to hear. I’m Phillipse Lynx Cromwell, nice meeting you Percy!”
“Well, nice meeting you too,” tinanggap ko naman ang inilahad niyang palad at saka itinaas ang paningin ko sa nakangiti niyang mukha.
Is he an ally or an enemy?