“What the heck is this?” sigaw nito. Ako nama’y masuka-suka na habang nakatingin sa laman nito. Nahulog mula sa loob ng box ang isang patay na itim na pusa na may hiwa sa tiyan at labas na ang mga lamang-loob. Punung-puno ng dugo ang puting tela na nasa loob nito. Umupo naman ang lalaking kasama ko at at tila may kinuhang kung ano sa loob nito.
“Look!” tiningnan ko naman yung hawak nito. Isang kwintas.
“Teka, parang pamilyar yan ah!” sabi ko sabay hablot sa kwintas. Tinitigan ko ito at pagkatapos ay maingat na sinuri. Cross ang pendant nito na may nakapaikot na singsing. Tiningnan ko ang inner part ng singsing at nakita ko ang initials na D.M. Parang may biglang kumirot sa puso ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagbrowse ng pictures. Nakita ko naman yung hinahanap ko. Zinoom-in ko yung picture ni kuya at nakita kong pareho ang kwintas na ito sa kwintas na suot ni kuya sa picture.
“Ohh… sa kuya mo yang kwintas?” tanong nito. Tumango ako. Papaanong nandito ang kwintas ni kuya? Ibig bang sabihin… yung nagpadala nito, may kinalaman sa kung anong nangyari sa Camp? At alam niya ang relasyon ko kay kuya kaya sa’kin niya ‘to pinadala?
“Hey!” tinapik nito yung balikat ko. “Are you okay?”
“Y-yeah…” mahinang sabi ko sa kanya.
“Is he also involved with the Camp Chiatri case?” maang na napatingin ako sa kaniya.
“Alam mo ang tungkol doon?” bigla itong natigilan. Maya-maya, ngumiti ito.
“Balita na sa buong campus ang tungkol sa nangyari sa Camp Chiatri kaya halos lahat alam ang tungkol doon,” nag-iwas ito ng tingin at saka inayos yung patay na pusa. Ibinalik niya na ito sa box at saka tinakpan.
“Ganun ba? Akala ko pa naman...” napailing ako. Tumayo na rin ako at saka siya hinarap. “Ang mabuti pa, sabihin natin kay ma’am Carmen ang tungkol sa nangyari dito.”
“Bukas na lang siguro, masyado na kasing gabi kung aabalahin pa natin siya,” mahinahon nitong sabi. Maya-maya pa’y may tinawagan ito sa cellphone. Ako nama’y pumunta sa mga gamit ko at itinago ang kwintas ni kuya sa accessory box ko. Paglingon ko sa kanya, tapos na itong tumawag.
“Doon na lang muna ako matutulog sa tropa ko habang hindi pa naaayos yung problema natin dito sa room,” sabi niya sa’kin. Napahinga ako ng maluwang sa sinabi nito. “Ano nga palang name mo?”
“Percy,” maiksi kong sagot.
“Ahh… Percy… I’m Cyril, nice meeting you!” naglahad ito ng kamay na tinanggap ko naman. Maya-maya, nagpaalam na siya at naiwan na akong mag-isa sa room.
***
CYRIL’S POV
“So tama ba ang hinala mo?” agad na tanong ni Keiichi pagkapasok ko sa room niya. Umupo ako sa may sofa. Nakita kong nagkalat pa yung mga ginamit nito sa mesa.
“Yeah, he’s Daniel’s sister.”
“So… stick tayo sa plan natin?” tanong niya habang hinuhugasan yung kagagamit niya lang na kutsilyo.
“Of course! Kailangang magbayad ang mga may pagkakautang,” seryoso kong sabi sa kanya.
PERCY’S POV
Nang mapag-isa ako, inisip kong muli ang mga pangyayari at pagkatapos ay tumayo ako. Pinuntahan ko yung itim na box na may lamang patay na pusa. Ipinatong lang kasi ito ni Cyril kanina sa may mesa. Binuksan ko ito at kahit nandidiri, tiningnan ko ang pagkakahiwa sa katawan nito. Nagsuot muna ako ng gloves at saka inilagay sa isang tabi ang mga lamang loob nitong nakaharang sa bakas ng hiwa sa tiyan nito. Nasa kanan ko ang ulo ng pusa. Napansin kong hindi straight ang pagkakahiwa nito, bahagya itong nakalihis kung saan mas mataas ang sa kanang part. Binuksan ko ang hiwa sa may itaas nito. May maliit pang hiwa sa taas nito bago ang palihis na hiwa pababa. Pumikit ako at pilit in-imagine ang posibleng kamay ng taong gumawa nito at kung paano niya ito ginawa. Left-handed, bigla kong naisip.
Tinakpan ko na ulit ang box at hinubad ang suot kong gloves. Kinuha ko yung flashlight sa bag ko at saka lumabas ng kwarto. Nasa third floor ang room ko kaya kung sinuman iyon na pumunta sa room ko, imposibleng hindi siya dumaan sa hagdan. Tumingin ako sa corridor. Naulan mula kanina pa kaya may mga footprints pa dapat na makikita hanggang ngayon. Nakita ko naman yung mga footprints ko at mga footprints ni Cyril. Ibig sabihin, naulan na rin nang umuwi siya dito kanina. Bukod sa footprints naming dalawa, wala na akong makita pang set of footprints. Wala ring bakas na may naglakad ditong galing sa labas.
Pilit kong inalala yung aninong nakita ko kanina. Tama, wala siyang dalang kahit ano. Wala siyang panangga sa ulan. At isa pa, masyado siyang tahimik tumakbo. Hindi siya nakasapatos. Bumaba ako ng hagdan at tiningnan ang corridor sa second floor. Iilan lang ang nakabukas pa ang ilaw.
Napatago ako nang makitang papabukas yung isang pintuan.
“Naku naulan pa rin p’re eh! Wala ka na ba talagang beer dyan?” tanong ng lalaking kalalabas lang ng unang room mula sa hagdan. Halos isang dipa lang ang layo niya sa pinagtataguan ko. Pero teka, hindi ako pwedeng magkamali… boses ni Cyril yun! So doon yung room nung tropa niya?
“Inubos mo na kanina di ba?” narinig kong sagot sa kanya nung lalaking kasama niya sa room.
“Oo nga pala! Sige bibili na lang ako sa vendo sa baba, akin na yang basura mo’t ang lansa ng amoy!”
Teka, bakit nga pala ako nagtatago? Napangiwi ako nang marealize kung anong ginagawa ko. Tatalikod na sana ko para umakyat nang bigla akong matigilan sa sinabi ng kausap niya.
“Sino kayang nakaisip na pumatay ng pusa ngayong maulan?”
Pusa?
Bigla akong kinabahan. Biglang may kung anong nagregister sa utak ko.
“Fine. But I’m telling you… it’s just a waste of time! Room 313 is reserved to Mr. Cyril Stynx Venozo and that’s me!” nang-aasar pang sabi nito.
Cyril Stynx Venozo… Venozo…
Stephanie Galilei, 18 years old, College of Nursing
Kimberly Anne Galilei, 20 years old, College of Accountancy
Daniel James Montecer, 19 years old, College of Architecture
Cassiopeia Crux, 19 years old, College of Arts and Sciences
Conrad Bryan Telo, 20 years old, College of Engineering
Leah Fernita Venozo, 18 years old, College of Education
Yves Virtucio, 19 years old, College of Criminology
Prof. Samantha Patron, 42 years old, College of Psychology
Prof. Argel Joseph Rivera, 43 years old, College of Psychology
Mr. Domingo Reyes, 45 years old, school driver
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Maingat akong tumakbo paakyat at bumalik sa kwarto ko. Nilock ko kaagad ang pinto nang makarating ako dito. Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng pagtibok.
Nagpakita na ang isa sa kanila. Isa sa mga posibleng tumulong sa kaso ni kuya.
Isa rin sa mga posibleng pumatay sa’yo Percy..,
Bigla akong natakot sa pumasok sa isip ko.
***
Dahil 1st day of class ngayon ay maaga akong naghanda sa pagpasok. Ilang beses ko pang chineck yung mga gamit ko kung sakaling may makalimutan ako.
Napalingon ako sa may pinto nang marinig kong may kumakatok dito. Baka si Cyril na ‘to. Iniisip ko kung anong dapat kong maging actions sa harap niya ngayong alam ko nang posibleng hindi coincidence ang pagpunta niya sa room ko kagabi.
Fine! You should just act normal Percy!
Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ito. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
“Best friend!!! Yiee!! Surprise!!” napakurap-kurap pa ako ng ilang beses nang makita siya.
“Oh shocks! Elize! What are you doing here?” excited kong tanong sa kanya. Mas nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakasuot ito ng parehong uniform ko at may bitbit na malaking bagahe.
“Dito ako nag-enroll para magkasama tayo!” nakangiti niyang sabi. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Kung ganun, may kakampi na ko sa school na ‘to! Napansin kong kasama pala nito si ma’am Carmen na ang laki ng pagkakangiti habang nakatingin sa amin.
“Ay ma’am Carmen, nandiyan po pala kayo! Good morning po hehe,” sabi ko sa matanda.
“Nakakatuwa naman kayong dalawa! Naalala ko tuloy yung nakababata kong kapatid sa inyo!” nakangiti pa nitong sabi.
“Bakit po pala kayo napadalaw?” tanong ko sa kanya. Bigla kong naalala yung problema namin ni Cyril sa room. “Ay oo nga po pala—“
“Tumawag kaninang umaga si Mr. Venozo at sinabi nga ang problema sa room niyo. Actually, hindi lang talaga tayo nagkaintindihan,” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Malaki kasi itong room 313 kaya hindi lang siya pang-isahang tao. Sa katunayan niyan, apat kayong nakareserved dito.”
“Apat po? Sa iisang room?” malakas kong tanong sa kanya.
“Oo hija, bale iaakyat mamaya yung dalawang double deck at ililipat sa kabila yung kama na nandiyan sa loob,” paliwanag nito.
“Eh sino pa po yung dalawa naming makakasama sa room?” tanong ko pa.
“Present!” tumaas ng kamay si Elize. “Ako yung isa Percy tapos hindi ko kilala yung isa!” nakangiti nitong sabi. “Pasok ko lang ‘to!” mahina niyang sabi at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng room.
“Lalaki yung isa niyo pang kasama sa room, tumawag siya kanina at sabi niya’y mamayang hapon daw or bukas siya maglilipat ng gamit,” sagot ni ma’am Carmen maya-maya.
“Bakit hindi po kami puro babae? Hindi po ba mapanganib na may kasama kaming lalaki sa room?” mahina kong sabi sa kanya.
“Ay naku hija! Wala kang dapat ipag-alala! May mga guards naman na nag-iikot gabi-gabi dito at laging on-duty sila sa baba 24/7! Isa pa, mga kilalang pamilya lang ang nakakaafford sa dorm na ‘to kaya nasisiguro kong safe kayo dito!”
Ayoko pa rin sana yung idea na may mga hindi kami kilalang lalaki na makakasama sa room pero dahil alam ko namang wala akong magagawa, nanahimik na lang ako. Maya-maya, nagpaalam na si ma’am Carmen kaya pumasok na ako ulit sa room.
“Pasok na tayo?” agad na tanong sa’kin ni Elize na halatang excited.
“Hindi ka naman halatang excited niyan?” natatawang sagot ko sa kanya.
“Obvious ba?” nakatawang sabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa. Maya-maya, sabay na kaming pumasok sa school. Sa Criminology building ako samantalang si Elize ay sa Nursing building na medyo may kalayuan sa main gate. Nagpaalam na ako sa kanya nang matanaw ang building ko.
Malapit na ako sa building ko nang maramdamang nagvibrate ang cellphone sa bulsa ko. Agad ko naman itong kinuha at saka tiningnan ang screen nito.
From +639776660***
Be careful to who you trust.
Napakunot ang noo ko sa nabasa. Weird. Binalik ko sa bulsa ko yung cellphone ko at nagtuloy sa paglalakad. Nagulat na lang ako nang biglang may malakas na bumangga sa’kin. Kasunod nito ang pagbagsak ng isang hollowblock sa pwesto ko kanina. Tumingin ako sa kung sinumang bumangga sa’kin. Wala na siya. Tumingala ako para tingnan kung saan nanggaling yung hollowblock. Mula sa rooftop? Hindi ko maaninag kung sino yung nasa taas pero alam kong sa akin siya nakatingin kanina. Bigla akong kinabahan kaya patakbo akong pumasok sa building namin.
Paano na lang kung hindi ako nabunggo nung lalaki kanina?
Napapikit ako sa imaheng biglang nagpop-out sa imagination ko. Tinayuan ako ng mga balahibo.
Nang makarating ako sa classroom namin, agad akong dumiretso sa likuran at doon naupo. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko.
From +639776660***
They’re going to kill you.
Tinitigan ko yung text message. They’re going to kill you. Bakit? Anong kasalanan ko? At sinong sila? Sinong gustong pumatay sa’kin?
Naalala ko na naman yung sinabi ni Dr. Serrano.
“I’ll be honest with you Ms. Montecer, ang mga pulis kasi… ang tinuturing nilang main suspect sa kaso ay ang kuya mo.”
So pati sila… pare-pareho sila ng iniisip. Lahat sila si kuya ang sinisisi…
Huminga ako ng malalim at pinapayapa ang t***k ng pusok. Percy, you’re not here to be a victim! You’re here to prove your brother’s innocence and to save him from that monster!
Hinawakan ko yung kwintas ni kuya na suot ko.
I promise, I’ll save you kuya…
Tiningnan ko ulit yung text message at nireplayan yung number.
Who are you?
Agad kong tiningnan ang reply nito.
Someone who cares. ~L
L? Mapagkakatiwalaan ko kaya ‘tong L na ‘to? Teka, hindi kaya… siya yung bumangga sa’kin kanina? Para iligtas ako dun sa gustong pumatay sa’kin? Hindi kaya… kilala niya si kuya Daniel?
You know my brother?
Parang may biglang kumiliti sa loob ko nang mabasa ang reply niya.
Sort of. ~L
Bigla akong naexcite. Kilala niya ang kuya ko! Rereplayan ko pa sana si L kung hindi lang dumating yung prof namin.
Sana tulungan niya ako…