CHAPTER 23

1987 Words
Chapter 23: Picture frame NAG-AALANGAN man pero ngumiti na lang ako sa kanila para hindi halatang Kinabahan ako sa dark aura nilang dalawa. Dahil sa pagdating nila ay bumigat agad ang atmosphere sa loob ng office ko. Napakaseryoso naman kasi nila at parang may galit sa akin, eh. Oh, my boys are scaring me. Pasimple kong inabot ang picture frame namin sa office table ko at itinaob ko iyon para hindi makita ng asawa ko. Litrato naming tatlo iyon. Ayokong makita niya ito at kung anu-ano na naman ang iisipin niya. Kuha pa iyon noong second birthday ni Jinsel. Hanggang second birthday ko lang nakasama ang anak ko dahil sa third birthday niya ay wala ako. Marami kaming picture frames na pansamantala kong itinago na muna pero 'yan lang din ang itinira ko para may inspiration naman ako sa trabaho at para kahit papaano ay hindi ako maging malungkot, o gaganahan ako sa work ko. Masayang-masaya pa kaming tatlo riyan dahil hindi pa naaksidente si Jinsen at baby na baby pa ang Jinsel namin. "H-Hi," nauutal kong bati sa kanilang dalawa at si Jinsel ang tiningnan ko na ngayon ay unti-unti nang lumalabas mula sa pagkakatago niya sa binti ng Daddy niya. Parang natutunaw ang puso ko nang makita ko ang pagngiti niya. Nakahinga ako nang maluwag. Ang akala ko ay nagtampo na siya sa akin o nagalit. Baka kasi dinibdib na naman niya ang biglaan kong pag-alis sa resto gayong kababalik lang namin sa Manila. "How are you, baby?" malambing na tanong ko sa kanya at lumapit siya sa akin. Dahil nakaupo pa ako sa swivel chair ko ay sumampa siya at inalalayan ko naman na makaupo siya sa lap ko. Para akong tatakasan ng kaluluwa nang inabot ng anak ko ang itinaob kong picture frame namin at dinala iyon sa dibdib niya. Tapos nginisihan pa niya ako, halos mawala ang mga mata niya. Namilog ang mga mata ko nang makuha ko ang nais niyang iparating sa akin. This kid... Ang bata pa niya para mang-blackmail! At sa mommy pa niya?! Nilingon ko si Jinsen na umupo sa visitor's chair ko. Itinukod niya ang magkabilang braso niya sa desk ko at doon siya nangalumbaba habang pinapanood niya kami. Ilang segundo niya akong tititigan at ibabaling na naman iyon sa anak namin. Nagmana nga ito sa kanya na mahilig mang-blackmail! "What are you doing here? In the middle of my work?" tanong ko kay Jinsen. Gumalaw ang batang nakaupo sa kandungan ko at nagsalita, "Look, Daddy, oh! Ang ganda po ng picture ni Tita Hersey!" Mariin na naipikit ko ang mga mata ko. Iyong pagtibok ng puso ko ay sobrang bilis na. Hindi naman iyon makikita ng daddy niya dahil nasa dibdib niya iyon at yakap-yakap niya lang. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay na nasa picture frame namin pero mahina niya lang iyon tinampal-tampal na sinasabing huwag kong hawakan ang kamay niya. "W-Wala ka bang work ngayon? You're a doctor, dapat busy ka ngayon, hindi ba?" tanong ko kay Jinsen at pilit na iniiba ko ang topic namin dahil sa picture na nakatitig ang asawa ko. Interesado na rin siyang makita iyon dahil buong atensyon niya ay na kay Jinsel na. Sinulyapan niya ako at pinagtaasan pa niya ako ng kilay, "Hawak ko ang oras ko," sabi niya lang sa akin at si Jinsel na naman ang tiningnan niya. Pangisi-ngisi pa ang bata at ilang ulit niyang tinitingnan ang picture kaya kahit nakaharang sa pagitan namin ni Jinsen ang table ko ay pilit na lumalapit siya at yuyuko sa amin para lang din makita ang picture ko. Itinaas ko ang kamay ko at pinindot ang noo niya para umatras ang mukha niya sa amin. "What are you doing?" I asked him. "Gusto kong makita," sabi niya at ininguso pa niya si Jinsel. "Picture ko lang naman 'yan," pairap na sabi ko sa kanya. "Pero gusto kong makita kahit na picture mo pa 'yan," giit niya. Mahinang tinampal ko na ang pisngi niya nang sinubukan niya ulit yumuko kaya salubong ang kilay na tiningnan niya ako. Parang naiinis dahil sa ginawa ko sa kanya. "Puwede mo naman akong tititigan ng personal, eh. Mas maganda pa ako kaysa sa litrato na 'yan. Sa akin ka na lang tumitig kung gusto mong makita pa 'yan," maarteng sabi ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at sinunod nga ang suggestion ko not until nagsalita na naman si Jinsel. Nakuha na naman ng batang sutil na ito ang atensyon ng lalaking nasa tapat namin na curious na curious sa picture. "Tita Hersey, ang guwapo po ng baby boy mo, 'no?" Sa bawat salita yata ng anak ko ay kakabahan ako, kakapusin ako nang hininga. Manginginig ang kalamnan ko dahil sa nerbyos. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tatawanan ko na ang anak ko. Dahil iyong sarili niya lang naman ang pinupuri niya. Pero hindi! Big deal iyon sa akin! "Really? Nandiyan ang anak niya at lalaki siya?" interesadong tanong sa kanya ng daddy niya at ginalaw na naman niya ang litrato na kunwari ay titingnan tapos yayakapin niya sa dibdib niya kung sisilipin na naman iyon ng curious na pusa na ama niya. "Opo, Daddy," sagot niya. Napakainosente niya kung titingnan pero parang sinasapian ng devil ang anak ko dahil dito... He's blackmailing me! Itinukod ko ang paa ko sa sahig at bahagyang kong iginalaw ang upuan ko na may gulong kaya bahagya kaming napalayo sa table at mas lumalalim ang gatla sa noo ni Jinsen. Nalilito sa ginawa kong pag-atras. Tumayo siya at nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya ang armrest ng upuan ko at ibinalik kami sa puwesto namin kanina. Kahit may nakaharang na sa pagitan namin ay nagawa pa niya iyon? Malaking tao nga siya! "Stay. Kung ayaw mo na kumandong din ako sa 'yo, na katulad ni Jinsel," banta niya sa akin na as if matatakot ako sa kanya. "Hindi tayo kaya ng swivel chair ko, tse!" asik ko sa kanya at ginawa ko ulit ang kanina, ang paglayo namin mula sa table. Pero naubos na yata ang pisi ng pasensiya niya at siya na ang kusang lumapit sa amin at binuhat pa niya ang visitor's chair ko. Dinala niya iyon sa right side ko, kung kaya ay naka-side view na lamang siya mula sa amin pero marahan na ipinaharap niya rin kaming dalawa at hinila pa palapit sa kanya. Para akong kakapusan nang hininga nang inipit ng magkabilang paa niya ang nakatiklop kong mga tuhod. Narinig namin ang boses ni Jinsel na tumatawa, na nag-echo pa sa loob ng office ko dahil sa ginawa ng daddy niya sa amin. Idinantay na ni Jinsel ang maliit niyang paa sa lap din ni Jinsen, na mabilis naman na hinawakan iyon ng asawa ko. Inatras ko ang mukha ko sa kanya. He even rested his left arm on my armrest at mariin na tinitigan ako. Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa at kayang-kaya na niyang silipin ang picture frame na yakap ng anak namin o kaya niyang agawin mula rito. "Ano'ng hitsura niya, baby?" malambing na tanong niya kay Jinsel. "May grey eyes po siya, Daddy," sagot nito. "Just like you?" "Yes po," tumatangong sagot na naman nito at itataas na naman ang picture kaya sinubukan ko ulit iatras ang upuan ko. Pero hindi ko na nagawa pa dahil hinigpitan ng asawa ko ang pagkakaipit niya sa dalawang paa ko. "But he's handsome more than me po, Daddy. He looks exactly like his father too. That's why," nakangusong saad nito. "Let me see, then. Kung mas guwapo ang anak niya, eh ano ang hitsura ng daddy niya?" kunot-noong tanong niya. Jinsel shook his head. "You might be jealous po kung makita mo ang guwapong asawa ni Tita Hersey, Dad," umiiling na sabi ni Jinsel at mahigpit na niyakap pa naman niya iyon. Kanina pa ako hindi nakakibo at napahilot na lang ako sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanila, sa halip na gumaan ang bigat sa dibdib ko ay problemado ko na kung paano itago ang picture frame nang hindi iyon napapasin ng dalawa. "Really? He's guwapo? Let me see," giit pa rin niya. "No po," pagtanggi sa kanya ni Jinsel at marahan na ginalaw nito ang paa sa lap niya, na agad ding hininto ni Jinsen. "Baby?" pangungulit niya. "This man, Daddy... He's lucky to have Tita Hersey po but he's asshole..." "What? Hindi mo pa rin Nakakalimutan ang itinuro sa 'yo ng Mommy mo? Baby, that's a bad words," parang naiiyak na sabi niya. Napalitan na naman ang emosyon na nararamdaman ko at napangisi na ako. Napansin iyon ng asawa ko at tiningnan niya ako, tumaas na naman ang isang kilay niya. "Mas guwapo sa akin ang asawa mo? O baka tamang sabihin na magiging ex-husband mo na," he said in disbelief. Ex-husband? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niyang magiging ex-husband ko na siya pero parang masakit sa parte lalo na kung matutuloy pa iyon. Pero dahil wala siyang naaalala at hindi naman niya iyon sinasadyang sabihin ay nagkibit-balikat na lamang ako. "Bakit magiging ex-husband ko?" tanong ko, doon lang ako nakapagsalita. "Basta," sagot niya lang at hinawakan na niya ang litrato pero hindi niya iyon nakuha. "This is pangit po, Daddy. I'm sorry, Tita Hersey. But Dad, let's have a picture at i-display rin natin sa bedside table ko, sa 'yo at maging dito rin. Let's change this picture frame a new one, and this time ay tayong tatlo naman," suhestiyon niya at ininguso pa niya ang table ko kung saan nakapuwesto kanina ang bagay na hawak niya. Nag-aalangan na napatingin sa akin si Jinsen. Parang hinihingian niya rin ako ng pahintulot na gawin iyon. Ang palitan ng bago ang picture frame. Wala naman na sa akin dahil sila lang din 'yan at tatlo rin naman kami. Pero mas mahalaga pa rin sa akin ang litrato namin dahil buo pa kaming pamilya riyan. Hindi'yan mapapalitan ng kahit bagong picture namin o baka...magbago ang isip ko. Napaka-memorable kasi niyan sa akin. "Baka ayaw niya, Jinsel." "Of course not... She wants it naman. Hindi po ba?" tanong sa akin ni Jinsel at tiningala pa niya ako. "Papalitan natin 'yan ng bago?" sunod na tanong niya. "Just the three of us? Mas memorable?" "This is actually...the best picture I have when we were together, with my husband and son," sagot ko at lumamlam ang mga mata ng anak ko. Kumislap pa iyon na tila ba nagbabadya ang mga luha niyang tutulo sa kanyang pisngi. "This is my J's second birthday kung saan ayos pa sa amin ang lahat at hindi pa kami nagkakahiwalay. This...baby na baby pa ang anak ko at hindi siya umiiyak sa gabi kapag natutulog siya dahil katabi namin siya ng Daddy niya. Iyong mga araw na puro play lang siya at sa mga toys lang siya masaya, na hindi ngayon...na nakadepende na sa amin ng daddy niya ang happiness niya. Hindi na kami buo ngayon," mahabang kuwento ko at may tumakas na luha sa aking pisngi. Naramdaman ko na natigilan ang asawa ko at mabilis na umiyak si Jinsel. Umawang ang labi ko dahil ngayon ko lang na-realized ang sinabi ko. Bago pa ako makapagsalita ay pareho na kaming niyakap ni Jinsel at inalo. Darn it. Nadala lang ako, eh. Nadala na naman ako ng emosyon ko. "He's soft when it comes to you. He even feel your pain nang sinabi mo ang mga katagang iyon kaya pati siya nadala ng emosyon mo. Madali siyang ma-attach sa mga taong...alam niyang pinapahalagahan siya at ramdam niya ang sincere na pagmamahal sa kanya..." Jinsel said. "At binibigyan niyo lang ako ng nakakalitong pag-iisip at maraming katanungan na ang gumugulo sa utak ko kung bakit...ganito sa 'yo ang anak ko. Why Hersey?" "Dapat ko na ba'ng pigain nang mariin ang utak ko para lang maaalala ka na? Dahil gagawin ko iyon and I'll take the risk."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD