Chapter 24: Clue
"SHH... That's okay. Everything is gonna be alright," marahan na sabi niya sa akin at nararamdaman ko rin ang marahan na pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Kusang binitawan ni Jinsel ang picture frame at ibinalik niya iyon sa table. Hindi na iyon napansin pa ni Jinsen dahil abala na siya sa amin sa pag-alo.
Ni hindi ko na nga rin namalayan na nasa lap na niya ang anak namin at ako ay halos ikandong na niya rin.
"Have you done eaten your lunch?" Napatingin ako sa relo kong pambisig at nakita kong 12PM na.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Jinsen nang pareho kaming nakarinig nang pag-alburoto ng tiyan. At nagmumula iyon sa tummy ko!
Nakakahiya naman. Ngayon ko lang nagreklamo ang mga bulate ko sa loob.
Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at hinimas-himas ko ito, "Hindi ako iyon. Baka si Jinsel," tanggi ko at itinuro ko pa si Jinsel na malaki ang ngisi sa labi.
"Hindi po ako. Baka si Daddy po yata, eh," sagot niya at itinuro naman niya ang dibdib nito.
Kanina lang ay nag-iiyakan kami pero heto, bumalik kami sa tila kahapon na wala pa kaming problema at masayang magkasama pa.
"Let's eat?"
"I want to eat na lang po here, Daddy. Ayoko sa labas dahil baka aalis na naman siya," sabi ni Jinsel na may lungkot pa sa boses. Hinaplos ko ang pisngi niya at napangiti.
"Oh, okay. Ayos lang ba iyon sa `yo? Hindi ba kami nakakaabala sa `yo, Hersey?" he asked me and I shook my head.
Kumalas na ako sa yakapan namin at tumayo. Itinuro ko ang isang pintuan na may isa pang kuwarto roon.
Kompleto ang laman no'n. Dito rin ako nagpapahinga kung masyado na akong busy sa trabaho ko at hindi na ako umuuwi sa mansion o sa condo ko. Sa mga panahon na nawala na kanyang alaala.
"Mauna na kayong pumasok diyan. Ako na lang ang bibili ng pagkain," I said.
"No. Ako na," sabi niya pero inilingan ko siya.
"Iyong secretary ko ang uutusan ko," sabi ko at kinuha na ang intercom na konektado kay Xeld. Sinabi ko lang na lunch for three ay agad na niyang naintindihan. Alam naman niya ang foods na in-order ko at kinakain naming tatlo.
"Come on," pag-aaya ko sa kanilang dalawa dahil hindi talaga sila sumunod sa sinabi kong mauna na silang pumasok doon. Hinintay nila talaga ako, eh.
Bumaba si Jinsel sa lap niya at lumapit sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa loob ng silid ko na nasa opisina ko rin. Sumunod sa likuran namin ang daddy niya.
Binitawan niya ang kamay ko at patakbong lumapit sa mga laruan niya. Yeah, sa kanya iyon. Madalas din kasi na kasama ko siya habang nagtatrabaho ako at abala naman sa hospital ang asawa ko.
Dito rin sa loob na ito ay madalas akong nagtatrabaho kapag kasama ko siya.
"Jinsel," mahinang suway ni Jinsen.
Hinawakan ko siya sa braso niya para pigilan siya, "Hayaan mo na siya. Wala namang magagalit kung pinaglalaruan niya ang mga `yan," sabi ko at hinila siya sa patungo sa sofa.
May bed din doon at iba pang mga gamit. Parang kuwarto rin naman kasi ito. Malaki pa at komportable.
"Dito ka nagpapahinga madalas?" tanong niya habang pinapasadahan niya nang tingin ang bawat parte ng silid na ito. Cream and light pink ang theme niya.
"Kapag may over time ako. Tinatamad na rin naman kasi ako na umuwi sa bahay kung masyado ng late," mahabang sagot ko at umupo na ako sa sofa, humilig sa headrest nito.
Tinanggal niya ang coat niya at inilapag niya iyon sa center table. Saka siya tumabi sa akin.
Napapasulyap ako kay Jinsel habang lumalakas ang tawa niya at tila may kausap kung makapagsalita siya. Umiiling na nag-iwas na lang ako nang tingin at inabala ko na rin ang sarili ko sa cellphone ko habang naghihintay pa kami na dumating ang lunch namin.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang update from Cyan na nasa bansa na si Xena! Napaayos ako nang upo at nagtipa sa keyboard sa screen ng phone ko nang mabilis na naagaw iyon ng katabi ko.
"Ano ba?! Sa akin `yan, eh," saad ko and I tried na kunin iyon mula sa kamay niya pero itinaas niya lamang para hindi ko maabot.
"Sino ba ang ka-text mo at kailangan pang lumaki `yang mata mo?" naaasar na tanong niya sa akin. Hindi ko pinansin ang tono ng boses niya dahil pilit kong inaabot ang phone ko mula sa kanya pero hindi ko nagawa.
"Jinsel, ano ba?!" asik ko sa kanya.
"Hindi ko pa pala nahihingi ang cellphone number mo," sabi niya at gamit lang ng isang kamay niya ay hinawakan niya ang magkabilang palapulsuhan ko at dinala iyon sa likod ko. Napangiwi ako sa ginawa niya. Pero hindi naman niya iyon hinigpitan. `Sakto lang din.
At para hindi ako makakilos ay idinantay niya sa akin ang magkabilang paa niya. Masyadong mabigat iyon. Kaya hindi na talaga ako makakagalaw pa.
"Jinsen," sumusukong sambit ko sa pangalan niya.
"Peste ka talaga kahit na kailan," naiinis na sabi ko pero nginisihan niya lamang ako saka niya tiningnan ang screen ng phone ko.
"Who's your ka-text ba?" conyong tanong niya. Napairap ako.
"Wala kang pake," masungit na sabi ko.
"Meron. Cross the line, remember?" pagpapaalala niya sa akin.
"Wala akong pakialam sa cross the line mo," sabi ko.
"May girlfriend ka na."
"Nag-away kami pagbalik namin dito, actually."
"Eh, `di good for you," nanunuyang sabi ko.
Totoo kaya iyon? Nag-away sila? Ano na kaya ang ginagawa ng lintang iyon? Naiyak? Haha. Gusto ko tuloy makita ang reaction niya.
"Who's Cyan, by the way?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin.
"None of your fvcking business," saad ko at mabilis na binalingan niya ako ng tingin.
Masamang tiningnan niya ang bibig ko, "May kalalagyan talaga `yang bunganga mo, Hersey," he warned me.
"At ikaw pa ang makikinabang, ano?" nang-aasar na saad ko. Ibinalik niya ang tingin niya sa phone ko.
"Who's Cyan?"
"Kaibigan ko. Bakit ba tanong ka nang tanong, ha?" nababanas na sabi ko.
"What's your password, Hersey?" tanong niya. Hindi ko sasabihin.
Iyong password ko ay birthday ng anak ko. Hindi niya iyon malalaman. Tss.
"What is it? Tell me, honey." I bite my bottom lip and shook my head.
"Your password," pangungulit pa niya sa akin.
"No. I won't tell you. Privacy ko `yan, kaya huwag mong pakialaman," saad ko.
"Ni hindi ko tinatanong ang password ng cellphone mo," saad ko pa.
"It's my son's birthday," diretsong sabi n'ya. Hindi ako makapaniwalang na sasabihin niya iyon sa akin. Ni hindi nga ako nagtatanong sa kanya, ako.
Huminto na sa paglalaro si Jinsel at lumapit sa amin. Umupo siya sa sofa na nakatapat sa amin at may dala-dala siyang dalawang laruan na eroplano. His favorite toys.
"Daddy, you know what? Mom's love to fly," bigla ay sabi ni Jinsel. He caught my attention dahil hayan na naman siya sa pagbibigay ng mga clue sa daddy niyang tatanga-tanga.
"Fly? She doesn't have a wings, baby. How come that she loves to fly?" naguguluhan na tanong niya at mukhang napaisip pa. Tanga talaga siya, `no?
"She's a pilot, Dad. But she pursue to run her late father's businesses," he added.
Nagsisimula na namang dumagundong ang kaba sa dibdib ko.
"Tell me who is she, son. Ginugulo ka lang niya."
Umiling si Jinsel at tinitigan niya ang laruan niya, "I told you that she's always around. She's watching us from a far, Dad," he stated.
"Then bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit hindi siya lumalapit kung palagi siyang nagmamasid sa atin? I started to hate her." Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya.
"Because she's afraid na ma-trigger daw ang amnesia mo, Daddy," he said.
"What?" I avoid looking at him nang mapansin ko na tititigan niya ako.
"Do you know his mother, Hersey?" he asked me.
Sasagot na sana ako nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Doon lang ako pinakawalan ng asawa ko pero hawak-hawak pa rin niya ang phone ko. Hindi niya iyon ibinigay sa akin.
Nangingiting lumapit sa akin ang anak ko, "Baby. Bakit mo binibigyan ng clue ang daddy mo about me?" I asked him.
"I want him to remember you as soon as possible, Mom."
"Why?"
"Tita Sarina and Grandmother, I heard them talking about Dad and you. If hindi ka na po maalala ni Daddy ay mapipilitan daw sila na ipawalang bisa ang marriage niyo, Mom. I'm sorry po for eavesdropping but I can't help but to interrupt their conversation. I don't like their idea." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
Gagawin iyon ng nanay ni Jinsen? Ano'ng dahilan naman? Bakit niya gagawin iyon gayong kami ang nagmamahalan ng anak niya?
"Tita Sarina, she told to Grandmother na you're always with us and napapansin niya raw ang p*******t ng head ni Daddy. Then Grandmother said, you're not good for him," he added.
"A-Alam ba ito ng Daddy mo, baby?" kinakabahan na tanong ko.
"No. Daddy doesn't have any idea about your marriage. But Mom, sorry po kung nakipag-fight ako sa kanila, especially kay Grandmother," parang maiiyak na sabi niya.
"What? Nakipag-fight ka?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Did they hurt you, baby?" tanong ko at tiningnan ang magkabilang pisngi niya at maging ang braso niya kung may bakas ba iyon ng p*******t sa kanya o mga pasa. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala naman.
"No. I warned them. Kung gagawin nila ang gusto nila, I better tell to my father that you're my Mom and you're married with him. Natakot po sila, Mommy. Grandmother even cried."
"What's with the bulungan?" Napaigtad ako sa boses ni Jinsen na nakalapit na sa puwesto namin.
Pareho niya kaming inalalayan na tumayo at iginiya sa table na nasa left side. Nakahanda na roon ang pagkain namin na in-order ni Xeld for us.
"Seryoso kayong nag-uusap doon. What was that?" curious na tanong niya. Umiling ako.
"We're talking about Tita Hersey's husband, Daddy." Natigilan si Jinsen sa pagsasandok ng kanin sa plato namin.
"What about him?" tanong niya sa akin. I shrugged my shoulder.
"Babalikan niya raw po si Tita at pakakasalan again. Are you moving now, Daddy? You're so pagong po talaga when it comes to her."
"In one condition." Natigilan ako sa sinabi niya.
Ano iyon? Susunod siya sa utos ng anak niya?
"What is it, Daddy?"
"Sabihin mo muna ang pangalan ng Mommy mo. Then, I will court your tita," nakangising sabi niya at nagawa pang makipag-deal sa anak niya. Gago talaga siya, `no?
"She's HJ po, Daddy. Her name is HJ," he answered and smirked.
"You're not fair, my son," nakasimangot na sabi niya.
"Spaghetti and carbonara! Meatballs! This is my favorite foods, Daddy! And I will give you another clue about my mom. She loves eating these foods, so much!" masayang sabi niya.
Napailing ako at napangiti na lang sa huli.
"Eh, alam mo ang name ng asawa niya, baby?"
"Of course, Dad. It's JG. Yum!"
I laughed. Walang nagawa ang asawa ko kundi ang sumimangot habang kumakain kami ng lunch. Walang balak na sabihin iyon sa kanya ng anak namin.
"Ang daming alam ng batang `yan. Tss."
Nagsimula kaming kumain nang mag-ring ang phone ko at hawak pa rin iyon ng asawa ko.
Napatingin ako sa kanya na parehong nakahawak sa dalawang phone.
"I got your number. Can I call you, sometime?" he asked with a grinned flastered on his face.
How come mabuksan niya... emergency call.