CHAPTER 25

2130 Words
Chapter 25: Xena's back & Fight "WE'RE going home," paalam nila sa akin after our lunch. I glanced at my son. Hindi na siya mukhang malungkot dahil maaliwalas na ang bukas ng mukha niya. Napangiti ako dahil doon. "Kinulit lang ako ng anak ko na pumunta rito, and I can't say no to him kahit na alam niyang may trabaho pa ako," sabi ni Jinsen, kahit na hindi ako nagtanong. Tumango lang din ako. "And how did you find out about my company? Where do I work at?" I asked him. Not a big deal to be honest but he stopped and he looked back at me with shocked emotion in his eyes. I was just curious kung saan o kanino siya nakapagtanong about my working place, my companion. "That's... I... I just know... I don't know. I didn't ask others just to know your working place. Damn it," problemadong saad niya and he even touched his forehead that he seems to be forcing himself to remember. Lumakas ang tambol sa dibdib ko. Wala siyang napagtanungan sa kahit kaninong tao na malapit sa akin. Nakakapagtaka nga naman. Kung bakit alam niya. "I just told Daddy, that I want to see Tita Hersey and then he was the one who drove his car without asking me too if where is the location of your company. That's it po," Jinsel explained na sinabayan pa nang pagtango. "A-Am I here often, Hersey?" tanong niya sa akin sa marahan na boses. "Why did you ask me that?" I firedback. "This is a Security Agency Company, I also expect that your security is tight for outsiders like us. We can't talk to you if we don't have an appointment with you. I just know about that things," he said and frowned. "And?" I asked. "As soon as we reached the entrance, the security immediately let us in and greeted us. Treat us well while we are coming to your floor--- speaking of the floor," he said at parang may naaalala na naman siya. "What? My office is on the 10th floor," I stated the fact. "That's it, I didn't ask your staff that either. Jinsel and I just rode the elevator and I was the one who pressed the 10th floor. How did it happen that I know?" naguguluhan na tanong niya. Even I, Jinsen have no idea why you seem to slowly remember the little things that connect me with. It's a good thing ba or what? "Ikaw ang dapat sumagot sa mga katanungan mo, Jinsen at hindi ako," saad ko at hinatid sila sa pintuan ng opisina ko. "See you later, baby. " I kissed Jinsel on the cheek and then faced my husband. "You better go, honey," I said. Suddenly he just stared at me and his face came to me. I close my eyes when I feel his warm soft lips on my forehead. "Take care," he just said and carried our son. I waved to Jinsel because he waved at me too. I also went back to my job and will leave again if there are signs again for Senator Miamor. I looked through my phone and remembered Xena. I took this and I asked Cyan where I could see Xena and he immediately replied my message. NANG sumapit ang gabi ay naghanda na ako para puntahan si Xena sa restaurant kung saan daw may family dinner ito together with her family and her future husband. Ikakasal na ang bruha at mukhang fix marriage pa. I was just inside my car and I hadn't gotten off when I saw her familiar built in the parking lot. Her back was leaning against the hood of a car. Malamang sa kanya ito. Kulay asul, eh. Halata masyado. God knows, kung gaano siya kaadik sa color blue. Kasing kulay ng eyes niya. Walang kahit na tunog ang ginawa ko para lang makalapit sa kanya. Ganito rin naman siya, eh. Parang multo na pasulput-sulpot din. "Xena," tawag ko sa pangalan niya nang makalapit ako sa kinaroroonan niya. Napaayos siya nang tayo at tiningnan ako, "Hersey," she uttered my name at smiled at me. "Good evening, My Queen," formal na bati ko sa kanya at agad akong yumakap sa kanya. Maria Xena Carter, ang best friend ko na since birth pa yata. Siya lang ang kasa-kasama ko noong bata pa lamang kami at nasa iisang university rin, ang kaso hindi na kami magkaklase dahil magkaiba na ang course naming dalawa. Naghiwalay lang siguro kami noong ikasal ako kay Jinsen at siya naman ay umalis na ng bansa. Pero heto, bumalik naman siya. "I miss you, Hersey," sambit niya as she hugged me back. "Likewise," simpleng sambit ko lang. Tamo, her beauty still hasn't faded. She's still the same and loves to wear shades everywhere she goes. Bawal daw kasi siya na titigan dahil sa blue eyes niya. Miss na miss ko talaga siya at nakakatuwa, feeling ko ay nagkaroon na naman ako ng bagong kakampi ko pero alam ko naman na hindi ko rin ipagsasabi sa kanya ang mga nararamdaman ko. O ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko. "Bakit nandito ka sa mga oras na ito, Hersey?" tanong niya sa akin at sinabayan pa ng pagtaas kilay nito. Hindi ko na siya nagawa pang sagutin dahil naramdaman ko ang vibration sa bulsa ng pants ko kaya dinukot ko ang phone ko para tingnan at sagutin ang tumatawag. "Nasa mansion na po si Sir Jinsen, Ma'am at kaaalis lang din ni Miss Sarina sa bar na pinuntahan niya kanina," iyon agad ang isinagot sa akin ng tauhan ko. Si Sarina lang naman ang pinapa-check ko buong araw kasi kasama ko naman ang mag-ama ko. Alam niyo na? Ganti-ganti na. "Where is the next location?" seryosong tanong ko mula sa kabilang linya. "Five Star Hotel po, Ma'am," magalang na sagot niya. "W-What? Five Star Hotel? Okay, thank you for the information," sabi ko lang at ibinaba ko na ang tawag. Ano'ng gagawin ng lintang kabit na iyon sa hotel? At sino ang kasama niya? Hahanapan ko na talaga siya ng bagay na puwedeng ikasira niya sa asawa ko at nang tuluyan na siyang iwanan pa nito. "You didn't stop stalking your husband, do you, Hersey?" Xena asked me and I looked at her straight in the eyes. Oh, nakikinig pala ang best friend ko. "That's what I can do for now," mapaklang sambit ko, even though my husband is the one who comes to me voluntarily but I will not stop secretly monitoring him. Especially when he's with Sarina Alfred. "For hurting yourself," she added. "Bar tayo next time? I need to go, Xena, emergency," nakangising sabi ko lang. "Emergency my ass," naiiritang sabi niya at mahinang humalakhak lang ako. "See you around, Xena and welcome back, best friend," sabi ko at binigyan na kaya ng matamis na ngiti saka ko siya iniwan doon. Mukha siyang problemado pero alam kong kaya naman niya ang sarili niya. WHEN I ARRIVED to the hotel my eyes immediately looked for Sarina Alfred. My men said she hasn't checked in yet and looks like she's about to meet someone. Nasa resto ng hotel na ito raw si Sarina at hindi naman ako nabigo na hanapin siya dahil agad ko siyang nakita. May kasama siya pero hindi... Oh, good. Kasama niya ang mother-in-law ko. Naglakad ako palapit sa kanila. Kasama rin nila ang mother ni Sarina. Nang makalapit ako sa puwesto nila ay hindi sinasadyang napatingin sa akin si Mommy. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako. She looks surprise. "Hija." Napatayo ang mother-in-law ko at agad na sinalubong ako. Humalik siya sa pisngi ko pero unang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang mag-inang Alfred na ito. "What does this mean, Mom? Why are you with my husband's ex-girlfriend?" malamig na tanong ko. Nag-usap naman kami about Jinsen pero ibang usapan na talaga kapag kasama niya ang dalawang ito at mukhang mahalaga pa ang pag-uusapan nila. I sat down even though they didn't invite me because I was an intruder. "Hersey." "Why have we come to this point, Mommy? You told me before that I need to stay away from my husband because of his situation. That's against my will, Mom. But what is this I heard that you want to nullify our marriage? If my husband don't remember me, y'all really gonna do what y'all gonna do?" I asked coldly and I looked straight into her eyes. I saw the twinkle before that she was about to cry, "I'm so sorry, Hersey." "Nawala lang po ang alaala ng asawa ko, hindi ang kanyang pagmamahal sa akin, Mommy. I feel that he still loves me even if he doesn't remember me. What would he do if he found out about me? What if he remembers who I really am in his life? But here you are planning to annul our marriage, without his consent," sumbat ko sa lauam Jinsen's mother couldn't hold her back and started crying. Ganyan siya, masyado siyang soft na tao. "I'm sorry, akala ko... A-Akala ko ay iyon lang ang tamang paraan... Mahal na mahal ko ang anak ko, Hersey." "Mahal ko rin po ang asawa ko, Mommy. Bakit po ba takot na takot kayo?" tanong ko at pinukulan ko nang tingin ang dalawa. "Huwag mong tingnan na ganyan ang Mama ko, Hersey," suway sa akin ni Hersey. "Hayaan mo siya, anak," ang malamig na turan ng nanay ni Sarina Alfred na kanina pa tahimik habang pinapanood kami. "It still puzzles me why you are meeting my mother-in-law, and in this kind of place?" walang emosyon na tanong ko. "Wala kang pakialam doon, Hersey." "Mayroon, Sarina. May pakialam ako sapagkat ang mother-in-law ko ang palagi niyong kinikita at hindi rin lingid sa kaalaman ko ang mga nais niyong gawin laban sa akin. Kayong mag-inang Alfred. Wala kayong pakialam sa problema ng pamilya namin, labas kayong dalawa rito," saad ko at walang emosyon na tiningnan ko sila. "Hersey." Hinawakan ni Mommy ang braso ko pero hindi ako nagpatinag sa kanya. Hindi na rin nakapagpigil pa ang ina ni Sarina na halatang nagmana siya rito. Nanlilisik agad ang mga mata niya. Inunahan ko na siya bago pa man siya makagawa ng bagay na kaiinisan ko lamang sa huli. Hinablot ko sa table nila ang isang basong tubig at ibinuhos ko sa kanya ang laman nito. Napatayo siya sa gulat at malakas na suminghap. "Ano pa ang kailangan niyong mag-ina sa pamilya ko at kailangan niyo pang makisawsaw? Ikaw," pabitin na sabi ko at tumayo. "Oh, God... Hersey, tama na." "How dare you!" "Bakit mo binuhusan ng tubig ang Mama ko?!" ang sigaw ni Sarina sa mukha ko kaya nawalan ako ng kontrol at dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Sa lakas no'n ay halos matumba pa siya sa kinakatayuan niya ngayon. "Wala kang karapatan na saktan ang anak ko!" sigaw nito sa akin. With my finger I pointed at her, "You are the elder and please, teach your child how to respect properly. To all I remember you were not the mistress but why your daughter, Ma'am? Meddling in our married lives and she's just taking advantage of my husband who has amnesia, right now. Then I will find out that you also want to annul our marriage? Shame on you for having your face as thick as a book, labas kayo sa problema namin. Tandaan niyo `yan!" mahabang sigaw ko at hindi na sila nakakibo pa. Iginiya na ako palabas ng ina ni Jinsen at umiiyak na siya ngayon. Pero disappointed ako sa kanya kaya pagdating sa parking ay dumistansya ako sa kanya. Nakita ko ang pagrehistro na gulat na gumuhit sa maganda niyang mukha. Sa puntong iyon ay tuluyan nang tumakas ang mga luha ko. Ang hinanakit ko sa mga ginagawa nila sa akin. "I respect you, Mommy. I love you because you are the mother of my husband, of the man I love. Been a second mom, dahil napakabait mong ina. But because of what you did and that Sarina and her mother, you disappoint me. I do nothing but obey your commands and respect your decisions. That I should be the one making decisions for this family Mommy. Kami lang ng anak mo ang makakapagbigay ng solusyon sa problemang ito! At walang karapatan ang mag-ina na iyon na makisawsaw sa buhay namin!" sumbat ko sa kanya at umiling-iling lang siya. "Kaya hindi ako humingi ng kapatawaran sa `yo na takutin ka ng anak ko. Kasalanan niyo na `yon," sabi ko at umalis na ako roon. "Hersey!" Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Dahil disappointed talaga ako sa kanya. "I'm so sorry, anak... I'm sorry..." Makukuha rin ba sa isang sorry ang sakit na narinig ng anak ko, Mommy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD