TFW
Chapter 26: Distance
Makukuha rin ba sa isang sorry ang sakit na narinig ng anak ko, Mommy?
Kaya bang palitan ang isang sorry sa mga sinabi nila na hindi sinasadyang marinig ng aking anak?
Kaya bang ibalik ang mga oras na iyon para lamang huwag silang bantaan ni Jinsel na sasabihin ang katotohanan sa kanyang ama?
Dahil makakaya ko rin ang magpatawad, Mommy. Pero hindi ngayon na masyado ng magulo ang utak ko at nahihirapan na akong mag-isip pa kung ano na naman ang magiging eksena o mangyayari sa akin kinabukasan. Nakakapagod din naman ang paulit-ulit na ganito.
UMUWI ako sa mansion naming mag-asawa. Siyempre pahirapan na naman ako sa pag-akyat sa balkonahe ni Jinsel at nang nakasampa na ako ay napaatras pa ako sa gulat nang makita ko ang anak ko na nakasilip sa sliding door niya. Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi. I smiled at him back, before I approached him.
"You scared me naman, anak ko," sabi ko.
"Sorry, Mom."
"Where's your daddy, baby? Natulog na ba siya?" ang tanong ko sa kanya kaagad at mabilis na tumango. Yumakap sa binti ko kaya naman ay pinangako ko na siya.
"Are you sleepy na, baby?" malambing na tanong ko sa kanya at inayos ko ang pagkakabuhat ko siya.
Medyo bumibigat na nga siya at parang hindi ko na siya kayang buhatin pa.
He rested his head on my left shoulder, "Hindi pa po, Mommy. Hinintay po kita, eh. I know darating ka na this time," sagot niya sa mahinang boses.
He's always waiting for me.
Hinagod ko ang likod niya. Past 10 na pero heto gising pa ang baby ko.
"Mabuti at hindi ka tinabihan sa pag-sleep ni daddy? Dahil nalaman niya na umiiyak ka every night."
"Eh, kanina pa po niya ako tinatanong tungkol sa `yo, Mommy. Ang dami ko nang naibigay sa kanya na clue pero hindi pa rin niya nakukuha ang mga iyon," ang dismayadong saad niya kaya natawa na rin ako.
"Mommy is hungry. Can you join me in the kitchen to get some foods?" tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagtango niya, "This is exciting! But what if mahuli tayo ni Daddy, Mom?" inosenteng Tano niya sa akin.
"Hindi `yan. Let's go, let's just be careful," sabi ko at ibinaba ko na siya. Mahigpit na hinawakan ko ang kanang kamay niya.
I took off my shoes that I just changed earlier. So, I can climb properly without falling and getting caught. Mahirap na.
Carpeted floor ang mansion namin na sinadya ng asawa ko para sa future kids daw namin. Kaya kahit wala kaming suot na panyapak ay hindi kami mahihirapan na maglakad nang hindi rin maririnig ang footsteps namin.
"M-Mommy..." Mahinang natawa ako sa kinilos niya. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at nanginginig sa lamig nito. Pero hindi naman siya mukhang kinabahan.
"Are you nervous, baby? Puwede naman na ako lang," sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang buhok niya.
"No!" pabulong na sigaw niya at umiling.
"Let's silip na muna natin si Daddy. If deep na po ang tulog niya," suhestiyon niya na ikinatango ko. Good idea. He's indeed a smart kid and I'm so proud.
Aaminin ko na kinabahan ako nang nasa tapat na kami ng pintuan ng kuwarto namin ni Jinsen. Kasi what if nga na gising pa ito at mahuhuli kami?
Tapos idadahilan ko na napadaan lang ako? Dinalaw ko lang ang anak niya sa ganitong oras? Hindi iyon maniniwala sa akin.
Pinihit ko pabukas ang doorknob at napahawak ako sa dibdib ko nang magsalita si Jinsel.
"Daddy?" tawag niya na tila pabulong pa at bahagyang sumilip sa loob.
Maliit na siwang lang ang ginawa ko at sumilip na rin ako mula sa pintuan. Nasa kama na siya at nakahiga na rin. Natutulog na siya habang may hawak na libro.
Napangiti ako ng mapait. `Yan iyong favorite book niya na madalas niyang binabasa sa akin sa tuwing hindi ako nakakatulog sa gabi. Hindi siya titigil sa pagbabasa habang hindi pa mahimbing ang tulog ko.
Oh, shet. I missed that.
"He's sleeping na po, Mommy," nakangiting sabi niya at isasara ko na sana ang pinto nang makarinig kami ng boses... Nagsalita si Jinsen? Nahuli na ba kami?
Bumaba ang tingin ko sa anak ko na nakatakip sa bibig niya ang maliliit niyang kamay at namimilog ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.
"Hersey..." Ang lakas nang kabog sa dibdib ko.
"He's dreaming of you, Mommy. I knew it!" masayang sabi niya at tinapat ko sa bibig ko ang hintuturo ko dahil baka tuluyan naming magising si Jinsen.
Nakangiting iginiya ko na siya palayo roon at tinungo ang kitchen.
May pag-asa ang sumibol sa puso ko dahil may pakiramdam ako na malapit na... Malapit na akong maalala ng asawa ko. Malapit na malapit ng magwakas itong paghihirap naming lahat.
Sana lang...
"YOU want milk, baby?" I asked my son nang marating namin ang kusina at binuksan ko ang fridge.
Hindi naman ako puwedeng magluto dahil baka maabutan pa kami ni Jinsen, mas matatagalan kami. Tiningnan ko lang din ang laman nito kung may natira ba silang ulam na madalas ay nangyayari naman, iyon ay ang mga panahon na nandito pa ako.
Pero wala akong nahanap kaya sa huli, nagkalkal ako sa cabinet at ang noodles ang nakita ko na puwedeng kainin at madaling lutuin.
"Yes please, Mommy," malambing na sagot niya sa akin na ikinalingon ko sa kanya.
Pinaupo ko siya sa highchair at nangalumbaba siya sa island counter, habang nagmamasid sa akin.
"You want noddles too?"
"That's not healthy foods, Mom. But yes po," sabi niya. Nagdahilan pa ang bata.
Kumuha ako ng dalawang noddles at nilagyan ko lang iyon ng mainit na tubig saka ko dinala sa puwesto niya. I sat down beside him. Patigilid pa akong niyakap. I kissed his forehead.
Naalala ko na malapit na ang 4th birthday niya at may pangamba na naman sa puso ko na baka wala na naman ako sa espesyal na araw niya. Nakakalungkot lang.
"Malapit na pala ang birthday mo, baby. Ano'ng gusto mo sa birthday mo, Jinsel?" tanong ko sa kanya sa marahan na boses at napatingala siya sa akin.
"I just want you and Daddy on my birthday, Mom. Dad asked me too about my birthday. I'll replied that I want you on my birthday too but he refused. He was so mad at you without knowing na kung sino ka ba talaga, Mom. Sometimes, he's being unfair but I'm not galit naman sa kanya. Sa amnesia niya ako galit," mahabang pahayag niya. I caressed his hair and smiled at him.
"Puwede naman ako pumunta sa birthday mo kahit kasama pa si Sarina. You know?" saad ko. He nodded.
"Sabi niya okay naman po kung ikaw ang kasama namin sa birthday ko. Daddy is so funny most of the time, Mom. He's so pagong po talagang kumilos at mag-isip. God," sambit niya at parang siya pa itong mapuputol ang pisi ng pasensiya niya sa Daddy niya. I chuckled.
"Be gentle, okay? Hindi pa nakaka-recover si daddy." Tumango naman siya at itinuro ng nguso niya ang dalawang noddles.
"Gusto ko nang tikman, Mommy."
Sabay kaming kumain ng noddles at nakabalik sa loob ng kuwarto niya na hindi kami mahuhuli. Natulog kaming magkatabi at naging mahimbing na naman ang tulog ko.
Maaga rin akong umalis sa kuwarto niya at siyempre hinintay ko pa ang paggising niya para hindi naman siya magtampo sa akin na umalis sa bedroom niya nang hindi ako nagpapaalam sa kanya.
"SINO `to?" I asked from the other line. Unregistered number ang tumatawag sa akin at wala sana akong balak na sagutin pa iyon pero makulit ang caller eh, kaya napilitan ako na sagutin na lamang ito para tumahimik na.
"It's me, honey," sagot niya at bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig kong boses niya.
It's my husband. So, totoo nga ang sinabi niya na tatawag siya sa akin.
"Ang aga mo namang tumawag, ah," sabi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Paalis na nga ako sa mansion namin. Tumawag lang ako sa `yo, dahil gusto kong magkaroon ng inspirasyon sa trabaho ko mamaya and effective naman. What did you do to myself, Hersey?" My head knotted upon hearing those words from him.
"Ikaw lang ang makakasagot niyan at bakit mo ako tinatanong?" tanong ko at lumapit ako sa pintuan ng kuwarto ko.
Nasa mansion pa ako at hindi pa nakakaalis. Sumilip pa ako para hanapin ang sasakyan niya at napasandal na lamang ako sa wall. Napabuntung-hininga ako na hindi nakatakas sa pandinig niya.
"Ayos ka lang ba? Nasaan ka na pala?" tanong niya sa akin.
"Nasa condo ko," I lied.
"Saan ang condo mo pala?" he asked me.
"I won't tell you," umiiling na sabi ko at napangiti ako nang makita ko ang pag-ayos niya nang tayo at nagsalubong ang mga kilay niya.
"And why not? Nagkikita pa ba kayo ng ex mo?" malamig na tanong niya sa akin. I laughed. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko na may halong pagbabanta.
"Wala ka nang pakialam doon," sabi ko.
Nainis yata siya kaya pinatay niya ang tawag without saying goodbye to me. Nagdadabog pa siyang sumakay sa kotse niya.
Week had past and everything turns to a normal life that we used to be... Our smooth relationship pero ang lahat ay may ending at walang happy.
"I WANT Xena for this team, please dear?" nagmamakaawang sabi sa akin ni Miamor. First name basis ko na siya tinatawag, maliban kung nasa labas kami.
This time ay nasa opisina niya kami at ang assistant ay nanatiling tahimik lang na nagmamasid sa amin.
"Bakit si Xena ang gusto mo? Seriously?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin at nagkibit-balikat.
"Hindi na magiging madali para sa atin ang lahat sa mga susunod na araw. I have this instinct na... Mas magulo na ang mundo na gagalawin natin pareho," sabi niya. Umirap lang ako. Matalinghaga.
"Paano mo ulit ako nahatak sa sitwasyon na ito, Senator Miamor Ferrara?" nakataas na kilay na tanong ko at napangisi siya.
"Blackmailing," proud na sabi pa niya.
"Kakarmahin ka rin, just wait, dear," nang-aasar na sabi ko at tumayo na ako.
"Yes!" sigaw niya dahil nalaman niya agad ang gagawin ko. I rolled my eyes.
Ngayon naman ay hindi ko na inabala si Cyan tungkol sa whereabouts ni Xena. May tauhan na akong naka-monitor sa kanya.
At nasa condo siya ng magaling niyang asawa. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig, nasa labas ng condo. Hindi siya pinapasok?
"Para ka talagang magnanakaw," agad na komento niya sa akin nang makalapit ako sa puwesto niya at tumabi naman ako sa kanya. May shades na naman siya.
"What are you doing here, Hersey?" she asked me.
Alam ko naman na bago pa ako makalapit sa kanya ay naramdaman na niya ang presensiya ko. Tss.
"May aalukin akong trabaho sa `yo, tatanggapin mo ba?" tanong ko at walang paligoy-ligoy na sinabi ko agad ang purpose ko sa kanya.
"Anong klaseng trabaho ba `yan?" tanong naman niya, sa klase ng boses niya ay parang interesado rin siyang malaman.
"Bodyguard," I simple replied, and she raised her eyebrow. She seems so shocked.
Sino ang hindi? Ang Mafia Queen na aalukin mo ng trabaho as a bodyguard ng isang senator ng Pilipinas?
"Ako nga ang nangangailangan ng bodyguard tapos aalukin mo ako na maging bodyguard?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Totoong siya nga ang mas nangangailangan ng bodyguard, dahil maliban sa kung ano siya sa Mafia world ay marami rin siyang kaaway.
Kaya isa rin sa dahilan niya noon ang umalis at layuan ako dahil ayaw niyang madamay ako sa magulo niyang mundo.
Kahit wala naman iyon sa akin. Kaya ko rin naman na iligtas ang sarili ko sa kapahamakan.
I caressed her back and I laughed, so hard.
"Relax, Maria Xena Carter-Mojeh. Si Miss Miamor Ferrara ang babantayan natin," sabi ko with her new surname. Yes, updated na ako sa love life niya na complicated naman.
At kilala ko na ang hubby niya na kay sarap ding sipain sa alaga nito.
"Ferrara? So, bodyguard ka na ngayon?" she asked, nasa boses talaga niya ang hindi makapaniwala.
"Yes, on leave ako sa pagiging CEO ko sa kompanya ko. Duty ko ngayon as a bodyguard, don't worry. Two years lang ang contract natin as a bodyguard," sabi ko na sinabayan nang pagtango. Napakamot siya ulo niya na agad kong hinampas. Kaderder ito.
"Ganoon katagal?" tanong pa niya.
"Ganoon kaikli," sa halip na sagot ko.
"President ang tatay niya at alam kong maraming bodyguard iyon. So, why you and why me?" she asked once again.
"And why not sa others?"
"This is against my will, actually. She was blackmailing me. Nilason pa ako ng gaga," natatawang sabi ko at kumunot ang noo niya.
"She poisoned you? How come?!" Nagagalit na tanong niya sa akin.
"Chill, Xena. Okay na iyon, tsk. She's a monster inventor when it comes to medicine," I commented.
"Oh, magkakasundo pala sila ni Cervin," tumatangong sabi niya.
"What now? Are you in na ba?" tanong ko.
"Nasabi na rin ito sa akin ni Papa. Na tanging ang anak lang ng kasalukuyang presidente ang mas deserve na maging presidente rin sa taong ito. Marami siyang kalaban na hindi basta-basta, kaya mahihirapan tayo pareho but I'll try my best to protect her and you," sabi niya at inakbayan pa ako.
"Kamusta ang asawa mo?"
"He's fine," I replied and shrugged my shoulder. After that ay nagpaalam na ako na aalis na at iniwan ko na siya roon.
At sa sinabi ko na ang lahat ay may ending pero hindi happy.
Nagsimula na naman si Jinsen at dumidistansya na naman sa akin. I don't know why...