TFW
Chapter 27: Jinsel's birthday & Marriage
BACK to normal na naman yata ang lahat at iniiwasan na naman ako ng asawa ko. Another lies na naman siguro ang ibinigay sa kanya ang lintang kabit na iyon. Grr.
Pero kahit ganoon pa man ay hinayaan ko na muna siya na dumistansya lalo na nagiging abala na rin kami ni Miamor at kung saan-saan na naman kami napupunta. Kakaiba talaga siya.
Nakipagkita rin sa akin si Xena at nagkita kami sa Better & Bitter restaurant na naging favorite place na namin. Minsan pa ay ang Amor restaurant.
"I can't bare a child, Hersey," malungkot na pagbabalita niya sa akin at ako naman ang napahinto.
"What? Ano'ng you can't bare? Impossible naman `yan, Maria Xena. Wala sa lahi niyo ang baog," pangungumbinsi ko sa kanya.
Sa nakalipas na mga araw na nanatili siya rito at kasama ngayon ang asawa niya ay hindi naging madali para sa kanya ang lahat. Nalalaman ko rin mula sa mga tauhan ko ang pagdadala siya sa hospital madalas.
Mataman kong tinitigan ang best friend ko. Bagsak na bagsak talaga ang balikat niya at hindi na naman niya tinatanggal ang shades niya.
"Iyon ang sabi sa akin ng doctor ko, na kaibigan pa ng asawa ko," sambit niya.
"Oh, baka pinaglalaruan ka lang ng kaibigan ng asawa mo? Naniwala ka naman?" tanong ko.
"She was telling the truth and indeed hindi ko talaga mabibigyan ng anak ang asawa ko, Hersey," saad niya at napatingin sa labas ng salamin na dingding ng resto.
Makikita ang maraming tao na naglalakad roon at hindi sa kalayuan ay may kotse rin ang umaandar doon.
Maganda ang ambiance ng resto at buhay na buhay pero ang kasama ko ay tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
"I want to hire a baby maker. Iyong siya ang magdadala sa magiging anak ng asawa ko," suhestiyon niya and I complained.
Fvck! Hindi iyon magandang ideya! Mas martyr talaga siya kaysa sa akin!
"I don't think it's a good idea. Having a baby maker? Xena, are you insane?" tanong ko sa kanya na nakakunot-noo, nakaawang pa ang mga labi ko dahil sa gulat na suhestiyon niya.
Kung ako iyon ay hindi ko hahayaan! Good God! Bahala na kung hindi kami magkakaanak pa! Pero ang magkaroon ng baby maker?! Nah, huwag na lang.
Napahalukipkip na lamang ako dahil ayoko talaga sa idea niyang iyon. Nasa kanya lang ang atensyon ko at huling pinagmasdan niya ang kabuuan sa resto. Particular na sa mga customer na magpamilya. Nababasa ko ang inggit na naglalaro sa mga mata niya.
Huwag kang ganyan, Xena please. Marami pang paraan hindi ang bagay na iyon. Dahil alam kong masasaktan ka.
At alam ko kung gaano niya kagusto ang magkaroon ng pamilya, ng sariling anak pero bakit ganito?
Bakit kailangan na umabot pa siya sa lagay na iyon?
Nag-alala na ako nang tumawa siya ng walang buhay na tila kay pait no'n.
"Xena?" I called her name at mukhang nagulat pa siya. She blinked repeatedly at bumuntong-hininga
Sinalubong niya ang mga mata ko. Nag-aalala talaga ako kay Xena. Parang hindi niya kakayanin ang magiging problema niya o mga darating pa.
"Can you find me a fine young lady that can bare my husband's child, Hersey? Gusto ko ngayon na mismo," seryosong sabi niya sa akin na ikinasinghap ko.
Sa sobrang lakas nang pagsinghap ko ay halos nakuha na namin ang lahat ng atensyon ng mga customer pero hindi ko iyon pinansin at wala rin akong pakialam kung makaabala man ako sa kanila.
"I am serious, Hersey. Ako naman ang kikilalanin na ina ng bata. Hindi man ako ang biological mother ay sa korte man ay may karapatan ako dahil magiging adaptive ko ang bata. Attorney ako at alam ko ang ganyang paraan. Hindi pera ang igagamit ko, utak lang 'yan at connection," she said with smirked on her lips, I shook my head. Seryoso talaga siya sa suhestiyon niya?
She was sitting on the chair in front of me at parang wala sa sariling pinaglaruan ko lang ang pineapple juice ko gamot ang straw nito.
"Magkaibigan nga tayo, Xena. Parehong martyr at bulag sa pag-ibig, o baka bingi rin?" natatawang sabi ko na lamang at sunud-sunod na umiling lamang ako.
Magkaibigan nga kami ni Xena.
Natigilan kami ni Xena nang may babaeng sumulpot sa table namin o tamang sabihin na ang future president namin. Kumuha pa siya ng chair para lamang makaupo sa tabi namin kahit for two lang ang table namin ng best friend ko.
Hindi rin naman ako nagrereklamo, ah. She's my boss naman after all.
"Good morning, ladies," bati niya sa amin at talagang naging pormal pa siya sa unang pagkikita ni Maria Xena.
She was wearing her big sunglasses and black facemask. Her hair was tied na masyadong mataas na halos umabot na sa tuktok ng ulo niya. Red plain dress above the knee ang damit niya at nilagyan pa ng black leather jacket. Black hand gloves, nlack stockings and black high heels na 4 inches ang taas nito.
Sure na ako mag-isa lang siya kasi ganyan ang outfit niya. Weird. Kapag kami ng assistant niya ang kasama niya ay formal outfit naman ang isinusuot niya.
"Who are you?" nakataas na tanong ni Maria Xena sa kanya. Bahagya niya lang ibinaba ang shades niya sa matangos niyang ilong.
"I am Miamor Ferarra," nakangiting sagot ni Miamor sa kanya.
"Nice outfit, Ms. Ferarra," nang-aasar na komento ko sa kanya at ang gaga, nagpasalamat pa sa akin.
"Thank you, my dear bodyguard."
"I heard your conversation," she said. She removed her shades and her facemask.
May hinugot siya sa bag niya na maliit na salamin at nagulat ako sa nakita ko sa mukha niya.
"What did you do to your face?" gulat na tanong sa kanya ng best friend ko.
May pasa siya sa left cheek niya at putok ang labi nito. Natuyo na nga ang dugo no'n.
"Ganito ako mahalin ng lalaking mahal ko, eh," balewalang sagot niya at nagkibit-balikat pa siya. I wonder kung ano'ng nangyari sa kanya at ano raw?
"Don't tell me, may asawa ka na at battered wife ka pa?" Xena asked her.
"Of course not! Naging stalker lang ako ng asawa ng lalaking mahal ko," sagot ni Miamor at tipid na ngumiti saka ibinalik ang suot-suot niyang facemask and shades.
What happened to her ba? Ang curious ako.
"Brokenhearted ka?" nanunuyang tanong ko. Pinipigilan ko lang ang pagtawanan siya. Wala naman iyon sa kanya, eh.
At matatawa na talaga ako sa mga naiisip ko.
"We are destined to meet each other, parehong brokenhearted. Ang pinagkaibahan lang natin, si Xena," sambit ko at itinuro ko si Maria Xena, pinagtaasan pa niya ako ng kilay, "She's married, sa lalaking mahal niya. Ako," dugtong ko itinuro ko naman ang sarili ko, "Kasal nga ako pero hindi naman ako naaalala nito at ikaw naman, Ms. Ferrara, ikaw ang pinaka-hopeless sa ating tatlo dahil kinasal na pala ang mahal mo at talagang wala ka ng pag-asa pa," huling dugtong ko at natawa na ako nang malakas pero agad din akong napahinto nang makita ko ang bagong customer na kapapasok lang sa loob ng café.
Hayan ka na naman, Jinsen. Ano na naman ba ang ginagawa mo at parang bumabalik tayo sa dati? Seriously?!
Kasama pa nila ang anak ko na pasimpleng luminga-linga sa paligid.
Narinig ko pa ang matunog na pagngisi ng best friend ko at narinig ko pa ang mahihinang tawa ni Miamor Ferrara. Eh, kung lakasan na lamang niya, `no? Tsk. Wala sa sariling napainum tuloy ako sa drinks ko.
Pvnyeta! Namumuro na si Sarina Alfred!
"Hay buhay," Miamor uttered.
"Hopeless man, at least ako may anak na," dagdag niya at nagulat pa ako. Nasamid tuloy ako at nanlalaki ang mga mata ko na tiningnan siya pero na kay Xena ang atensyon niya. May anak na siya?!
At parang si Xena pa ang pinaparinggan niya!
"You've got to kidding me!" sigaw ko.
"Pero ano ang feelings na makita ang asawa mo kasama ang girlfriend nito? Worst thing is kasama pa ang anak niyo?" sabi na naman niya ako at ako na naman ang pinuntirya ni Maria Xena!" I glanced at the ceiling of this resto at mariin na nakatiklop lang ang labi ko.
"Anak ko naman, sa akin nagmula at kahit hindi na ako mag-adapt pa ng bata, akin siya, sa akin siya nagmula," nakaismid na sabi ko at ibinalik ko lang sa kanya.
***
"I WANT my Mommy on my birthday, "Daddy! Why didn't you just give it to me?! Why?!" ang sigaw ng anak ko ang narinig ko pagkarating ko sa mansion.
Birthday ng anak ko pero mukhang nag-celebrate sila kasama si Sarina Alfred. Nakita ko rin doon sina Mommy at Daddy.
Simula nang makauwi sila ay hindi ko na nakausap pa ang Mommy ni Jinsen. Na maging ang father-in-law ko rin.
At sinadya ko talaga ang pumunta rito kahit na hindi kami bati ng asawa ko.
"Jinsel, my son. It's not easy for me to give it to you. I don't have any idea who your Mommy is. Minsan ko lang siya kausap through your phone. Please, baby."
"Because you forgot about her, Daddy! You did stop remembering her again because of Tita Sarina!" He was crying and I even heard his father whooping him, but he didn't stop.
He's having a hard time again. My son is having a hard time again. Oh, God...
"Jinsel," Jinsen called his name, he seems to cry, too.
"Why is it so hard for you to remember Mommy, Dad? Why? Why do you always think about other people?! Why not Mommy?!" sunod-sunod na sigaw niya. Nanlambot ang mga tuhod ko at sumikip ang dibdib ko.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Any moment ay maiiyak na naman ako.
"Jinsel..."
"Tita Sarina, siya lang ang naaalala mo kahit hindi na natin siya kailangan, Dad! She's not part of this family because in the first please she's out of the pictures! I only have you, and my mother! No one else! No one else! No one else! Do you understand me, daddy?! No one else! It's you, Mommy and me in the picture! No one else!" paulit-ulit na sigaw niya at nararamdaman ko ang hinanakit niya.
Oh, God, Jinsel baby...
"Jinsel. Stop crying baby, please. Stop it, baby..."
Tuluyan ko na silang nakita at nakatayo lang si Jinsel habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya at nakaluhod sa tapat niya ang daddy niya na nahihirapan na aluin siya.
"Puwede naman ako na lang, baby. Tayo na lang," basag ang boses na sabi niya sa anak namin na ikinailing ni Jinsel. Basang-basa na ng mga luha niya ang kanyang pisngi at lumayo pa siya mula sa daddy niya pero hindi niya nagawa dahil mahigpit na niyakap siya nito.
"Don't you wonder, daddy? Just because... I'm forcing you to remember Mommy? Kahit ayaw mo.
"Jinsel."
"Tita Sarina, she's feeding you with a lies that you even believe it easily without asking me if it's true! You can asked me everything! You can asked me everything I know about my Mom! But Mom told me that we need a limitation about telling you the truth! I need to be gentle for the sake of you, Dad. But...why did you stop remembering my mom? Why did you stop? Why, daddy why?
"Because that's the best way to heal?"
"What heal? You will never be healed without remembering your lost memories, Daddy, and why am I forcing you on Mommy?" tanong pa niya at kumalas siya sa yakap ng daddy niya.
"Jinsel..."
"You love my mom before you had an accident and lost your memory, daddy. You love each other... And not Tita Sarina... Kasal kayo ng mommy ko, daddy. Kasal kayo and you know what? This is your third wedding anniversary, actually but you forget her, dad... You forgot everything about it!"
Kusang humakbang ang mga paa ko para lapitan silang mag-ama, "Inaaway mo na naman ba ang anak mo, Jinsen?" malamig na tanong ko sa kanya at pareho pa silang napatingin sa akin.
Agad na lumayo sa kanya si Jinsel at patakbong lumapit sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa pagsigaw niya kanina.
Napahilamos sa mukha si Jinsen at nakikita ko ang pamumula ng mga mata niya.
"Ako na lang ang mag-aalaga sa anak mo kung palagi kayong ganitong mag-ama. Nasasaktan mo lang ang anak mo, Jinsen," malamig na sabi ko sa kanya at yumugyog ang balikat niya. Senyales na umiiyak na siya.
"I'm sorry, baby... I'm so sorry. Iyong sarili lang ni daddy ang iniisip ko. I'm sorry...forgive me... H-Hindi lang ikaw...hindi lang ikaw ang nahihirapan, anak ko. Si daddy rin... Gulong-gulo na ako... I'm sorry..."
"S-Sasama na lang po ako kay Tita Sarina..."
"N-No... No baby, don't leave me, please..." Tumayo siya at naglakad palapit sa amin.
Humihikbi na si Jinsel na sinasabayan na nang malakas na pag-iyak ng asawa ko.
"G-Gusto na ring makaalala...but I can't... Nahihirapan na rin ako, I'm so sorry... Oh, damn it..."
Walang nagawa si Jinsel ang yumakap din sa daddy niya.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay naging maayos na silang dalawa.
"Happy birthday, Jinsel," I greeted him and kissed his forehead.
Pinalitan ko na siya ng damit niya kanina dahil basang-basa na siya ng pawis niya.
Umupo sa tabi ko si Jinsen at humilig sa akin.
"I'm sorry... Naalala ko lang ang break-up natin and I was so fvcking mad..." bulong niya sa tainga ko at yumakap sa akin.
"What? What break-up were you talking about?"
"I got jealous over your partner in history."
What?! Naalala na niya iyon? Pero iyon lang?!