CHAPTER 15

2167 Words
Chapter 15: Frustration "WHAT invited? Hindi rin ako nakikipag-talk sa stranger like you. Si Jinsel lang ang kilala ko, right baby?" malambing na tanong ko sa anak ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at tumango-tango. "And hindi ako nakikipag-party sa birthday ng others. She's stranger too," maarteng sabi ko pa at pinasadahan ko nang tingin si Sarina Alfred. Kulang na lang ay sumigaw siya dahil sa sobrang pagkainis sa akin. Kitang-kitang ko ang ugat sa leeg niya na halos pumutok na rin. Nagtitimpi lang siya ngayon. Aw, bad timing ba ang punta namin ngayon, dear? "Who are you again, sweety?" nanunuyang tanong ko. To be honest, nagsasawa na ako sa pakikipagtalo ko sa lintang babae na ito. Iyong kapag nagkikita kami accidentally man or sinasadya ko ay nakakasawa talaga ang ganitong eksena namin. Sino ba ang hindi magsasawa sa pagmumukha ng babaeng ito? "I forgot kasi kung sino ka sa buhay ko. Well, maliban sa alam kong ikaw ay..." "B-Babe. Doon na lang tayo sa cottage natin. Jinsel, baby. Come o--" "I'll stay with them na lang po. Just enjoy your birthday, Tita Sarina," putol ni Jinsel sa sasabihin sana ni Sarina. "I don't mind na you're with my Daddy," dugtong pa niya at binalingan naman niya nang tingin ang daddy niya. "Go ahead, Dad. I'll be fine," he said. Sa halip na sagutin niya ang anak namin ay ako ang tiningnan niya. Mukha na siyang naiinis ngayon at parang sasabog na rin sa galit like his lintang kabit. "No. I don't allow you to be with them. Especially her," walang buhay na sabi niya at hindi na niya pinagsalita pa si Jinsel. Pinangako na niya ito at napasimangot ang anak ko saka sila tuluyang naglakad palayo sa amin. Ngumiti lang ako sa kanya pero hindi nawala ang disappointment sa mukha ni Jinsel. He rested his chin on his father's right shoulder at bored na bored na tiningnan niya si Sarina Alfred. Mas lalo lang siyang napasimangot. I laughed, he's so cute. Narinig ko rin ang pagtawa ni Aizen sa tabi ko at hindi na niya tinanggal pa ang braso niya sa akin. "Saan ulit nagmana ang anak mo?" namamanghang tanong niya sa akin. "Saan pa ba? Eh, sa maganda niyang Mommy," nakangising sagot ko at nilingon ko siya. "Ang lakas ng hangin, 'no?" nanunuyang tanong niya sa akin at tumaas lang din ang sulok ng mga labi niya. "Come on. Let's enjoy habang nananatili pa tayo rito. Let's make him jealous," he said at hinila na ako. "Jealous? Jealous your ass, Aizen. Ni hindi ako no'n nakikilala, tsk," masungit na sabi ko. "Hindi mo ba nakita ang mukha niya kanina? Nakatingin siya sa braso ko at parang babaliin niya any moment. Hindi nakakaalala ang gago mong asawa pero nagseselos?" sabi niya. Napaisip naman ako. Nakita ko naman na ang naging reaksyon niya kanina at hindi maalis-alis ang tingin niya sa amin ni Aizen. Lalo na sa balikat ko. Tss. Jealous his face. Tse! Napatingin sa gawi namin sina Jinsen at Sarina. Pero hindi ko sila binigyang pansin dahil ang anak ko ang tinitingnan ko. Nasa loob sila ng cottage at nakaupo rin si Jinsel. Walang ganang magsaya ang bata. Nakahalukipkip lang siya sa table na gawa sa bamboo at humahaba ang nguso niya. Nagulat naman ako nang walang permission na pumunta rin kami sa cottage nila. Magtatanong na sana ako nang maunahan na akong magsalita ni Aizen. "Happy birthday again, Sarina. Thank you for inviting us, Jinsen." Oh, shems! I almost forgot na friends pala sila. Tsk. Makakalimutan na ako, ah. "Hindi ko dapat kayo tatanggihan dahil dumating din naman kayo sa birthday ko last time," Aizen added. "Thanks," tipid na sabi lang ni Jinsen. "Thank you, Aizen. S-Sorry pala kung hindi kita personal na na-invite. Gusto ko kasi ang mag-ama ko ang kasama ko sa birthday ko." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "Mag-ama?" magkasabay pang tanong namin ni Aizen. "I'll treat Jindel as my son, too. Isang pamilya na rin naman kami, doon din naman kami matutuloy. Hindi ba, babe?" Babe, babe your face. Tss. Pamilya, ha. In your fvcking dreams. "Yeah," buntong-hininga pang sagot ng asawa ko at nilingon ako pero inirapan ko lamang siya. Iisang pamilya, grr. As if hahayaan ko kayo? Not in my watch... "How about you, Aizen? May balak ka bang pakasalan si Hersey?" tanong niya at alam kong punong-puno ng kaplastikan iyon. Inalalayan pa akong umupo ni Aizen at nasa tapat ko na ngayon si Jinsel. Nakatukod ang dalawang siko niya sa table at ako na ang pinapanood niya. Ngumiti ako sa kanya dahil parang nagkaroon na ng buhay ang bored na bored niyang expression kanina. "Why not? She's cool and I like her attitude. Mataray na palaban," nakangising sabi niya. Kaya marahas na tiningnan ko siya na ikinatawa pa niya. "See? Magsasalita lang ako about her ay ganyan na siya agad sa akin," umiiling na sabi pa niya. "Hindi mo siya pakakasalan, Aizen," mariin na sabi ni Jinsen at natigilan kami sa sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin doon? Bakit tunog na nagbabanta ang boses niya? "Why not?" parang batang tanong ni Aizen at humilig pa talaga sa akin kaya ang lapit-lapit na ng mukha niya sa akin. Hindi naman ako nailang, pero gusto ko siyang kalmutin sa mukha. Ano na naman ba ang pinagagawa niya? Make my husband jealous? Tss, hindi iyon mangyayari. "She's beautiful at masarap siyang magmahal," tila proud na sabi pa niya. "No. You can't marry her because she's still married with someone else," Jinsen said, nasa boses talaga ang pagbabanta niya. "With whom? She's single na. Puwede ng pakasalan," ani ng loko-loko kong kaibigan. Kinabig pa niya ang batok ko para lang isubsob ako sa matigas niyang dibdib. Sa isip-isip ko ay minumura ko na siya, "Do something, Hersey. Kaunti na lang ay susugurin na niya ako," sabi niya na sapat na kami lang ang makakarinig no'n. "He's jealous," aliw na aliw na bulong pa niya sa akin. "I'll marry him," sabat ko at matapang na sinalubong ang malamig niyang mga mata. His jaw clinched at hayon na naman ang pagkairitado sa mukha niya. "You still wear your wedding ring. Paano mo nasasabing pakakasalan mo ang kaibigan ko. Eh, may asawa ka na?" supladong tanong niya sa akin. Pinitik ko ang buhok kong naging sagabal sa face ko. "I can file an annulment, honey," mariin na sabi ko at kumibot-kibot ang labi niya na tila may sasabihin siya pero hindi niya naman masabi-sabi kaya sa huli ay napamura na lamang siya. "You still love him, do you? Kaya hindi mo rin tinatanggal'yang wedding ring niyo?" he asked at parang interested pa siyang malaman ang isasagot ko, ah. So, may pakialam siya tungkol doon? "Well, he's my husband. I love him but masakit na siyang mahalin ngayon," malamig na sabi ko at hindi ko talaga ako nag-iwas nang tingin sa kanya. "I have Aizen, now," maarteng sabi ko pa at matunog na ngumisi si Aizen. Nasisiyahan na ang gago dahil sinasakyan ko na ang laro niya. Si Sarina Alfred ay tahimik na lamang na nakikinig sa amin pero alam kong galit na galit na siya. Dahil sa halip na pagtuunan siya ng pansin ng asawa ko ay sa akin pa ibinigay ang buo nitong atensyon. See, Sarina dear? Hindi nakakaalala ang asawa ko pero heto siya at ayaw niya akong magpakasal sa iba dahil kasal pa raw kami ng asawa ko. "Alam kong hindi niya rin gugustuhin ang magpakasal ka sa iba." Kumunot na ang noo ko sa sinabi niya. "Babe..." mahinang suway sa kanya ni Sarina at hinawakan pa siya sa braso pero hindi naman siya nagpatinag. "What about... What if ikaw pala ang asawa ni Hersey? Ano'ng gagawin mo? Hahayaan mo rin ba siyang magpakasal sa iba?" mapaghamon na tanong ni Aizen sa kanya. Halos masamid ako ng sarili kong laway. Kasi bakit naman iyon ang tanong niya?! "Yes. She can do anything she wants," sagot niya at sumikip na naman ang dibdib ko. I just rolled my eyes. "If she wants to marry someone else, too. Kung saan siya masaya ay roon ako," dugtong niya at hindi ko iyon inaasahan. What the F?! After awhile ay natapos na rin ang discussion nila at tahimik na ulit ako dahil na kay Sarina Alfred na ang atensyon. Si Jinsel na pinapakain niya na sa akin naman nakatingin pero hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Mabigat sa dibdib. Sana hindi na lang kami pumunta pa rito. Hindi ko rin magawang lunukin ang kinakain ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa lintang babae na ito. Grr... Ang saya-saya niya sa birthday niya, ah. Masarap naman ang food service nila pero hindi ko magawang i-appreciate ang sarap nito dahil sa dalawang taong ito na masakit sa tama. Nakakainis talaga. "Maligo tayo after nating mag-eat. Okay, baby?" malambing na tanong ni Sarina kay Jinsel. "No, thanks," umiiling na sagot ni Jinsel. "May jetski, sasakay tayo kay Daddy," pamimilit pa niya. As if gugustuhin ni Jinsel kahit kasama pa ang Daddy niya. "I'll think about it, Tita Sarina," magalang pa ring sagot ni Jinsel. Dahil sa sinagot ng anak ko ay parang satisfied na siya dahil hindi siya totally ni-reject. I glanced at Aizen, iyong kamay niya ay hindi na inalis sa shoulder ko pero nakatutok siya sa phone niya. Salubong lang ang kilay niya. Naramdaman siguro nito na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya rin ako. "You need something, hon?" malambing na tanong niya at pinalakas pa talaga ang boses niya. "Hersey, here. Maliligo ka rin ba? Mukhang hindi niyo kasi pinaghandaan ang pumunta rito dahil pareho pa kayong naka-office attire," nakangising sabi niya na tila hinuhuli talaga ako. Damn, naka-formal attire nga kaming dalawa. Hindi naman siguro halata na sinadya naming pumunta rito, ano? Dahil baka paghinalaan pa ako ni Jinsen. Si Sarina ay baka alam na niya ang bagay na ito. Napapansin naman niya na sa tuwing kasama niya ang anak ko ay palagi akong naroon at nagmamasid lang sa kanila. Ang creepy ko masyado. Pero wala, eh. Binabantayan ko lang ang pag-aari ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang blue bikini. Susuotin ko 'yan? Kasya ba sa akin? Wala sa sariling napatingin tuloy ako sa dibdib niya. Naka-floral dress naman siya at alam kong may suot na siyang bikini. Pero mas malaki pa iyong ano ko. Kasi...bumaba ang tingin ko sa anak ko. "Thanks, dear," malambing na sabi ko kahit labas naman sa ilong ko. Hindi lang naman bikini ang ipinahiram niya sa akin dahil may see-through pa na dress na kulay blue rin. Ang galing pumili ng color. "Mag-jetski tayo, hon," sabi ko at tinapik ko pa sa paa ang katabi ko. Si Aizen ang sinabihan ko no'n pero iba ang sumagot. "Yes, hon." Pareho kaming nagulat kay Jinsen. Si Aizen ay hindi pa sinasadyang mabitawan ang cellphone niya nahulog tuloy sa buhangin. Tapos si Sarina ay nanlalaki na ang mga mata niya. Hindi niya rin inaasahan na si Jinsen ang sasagot. Pero gusto ko ang mga nakikita kong emosyon niya ngayon. Dahil may pagkabahala na at takot... "I won't mind, Jinsen." Sinakyan ko pa ang sagot ng asawa ko. Alam ko rin na hindi niya iyon sinasadya. Natural at normal na iyon ang isinasagot niya sa akin noon. "Fvck," narinig kong malutong niyang pagmumura at natawa si Aizen. "Hindi ka naman siguro magseselos, right Sarina?" kunwari ay inosenteng tanong ko pa kay Sarina. "Y-Yes," nauutal pang sagot niya. "Shet," he cussed again. I smirked. Para pagtakpan ang kamalian niya ay hinila na lang niya si Sarina at Jinsel saka sila lumabas ng cottage. Hindi pa rin nawala ang pagkaaliw ko kay Jinsen. "Sino ba ang inaaya mong mag-jetski, hon?" nanunuyang tanong sa akin ni Aizen at ginaya pa ang boses ko kanina. "Malamang ikaw! Ikaw nga ang tinapik ko kanina!" defensive na sagot ko. "Eh, bakit iba ang sumagot sa 'yo?" natatawang tanong niya sa akin. "Malay ko sa lalaking iyon!" sigaw ko at padabog na tumayo ako. "Magpapalit lang ako!" naiinis na sigaw ko. Kahit na kanina ay tuwang-tuwa pa akong makita si Sarina na takot na takot na. Eh, kasi nakita ko na silang nakasakay ng jetski at kasama pa ang anak ko! "I'll come with you," he volunteered. "Ako na!" supladang sabi ko at umirap ako sa ere. Pamilyar namana ako sa Boracay kaya hindi na ako nagtanong pa kung saan ang banyo nila rito at iyon agad ang pinuntahan ko. Hinubad ko ang damit ko at inilagay ko iyon lahat sa paperbag. Napatingin ako sa dibdib ko. Mariin na napapikit ako dahil masyadong revealing iyon, halos makita na ang ibabaw ng dibdib ko at parang kalahati lang nito ang natatakpan. Napahawak ako sa flat kong tiyan. May bakas pa roon noong pinagbubuntis ko pa si Jinsel pero hindi na masyadong halata kung hindi mo titingnan sa malapitan. Keri ko pa naman ang magsuot ng ganito. Inaamin kong na-missed ko nga ang magsuot ng bikini. Kaya wala namang masama ang maging happy-happy ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD