Chapter 14: Jealous (Sarina's birthday)
"GANITO ka ba madalas, Jinsel?" I asked him. Hindi na siya tumigil sa kaiiyak niya at mahigpit lang ang yakap niya sa akin. Na tila takot na takot na aalis na naman ako. Siya naman ang pinuntahan ko ito, eh.
Hinalikan ko ang pisngi niya at marahan na hinagod ang likuran niya. Hindi siya sumagot sa akin at tumango-tango lang.
"I'm so sorry, anak ko. Ikaw na ngayon ang first priority ni Mommy. Bahala na si Daddy at gaganti tayo. Gagantihan natin siya, means hindi natin siya bati kung babalik na ang alaala ni Daddy, okay?" malambing na sabi ko at pilit na inaalo siya.
"Tahan na, baby. Simula ngayon ay katabi mo nang matulog si Mommy every night," ani ko at muli ko siyang hinalikan sa noo.
"Pero huwag mo na ulit pagsabihan ang Daddy mo about Sarina Alfred, ha? Hayaan na muna natin si Daddy." He just nodded to my remarked.
"S-Saan ka po pala dumaan, Mommy?" tanong niya at basag na basag ang boses. Sumisinghot-singhot pa. Natatawang pinunasan ko ang mga luha niya at maging iyong pagtulo ng sipon niya. Guwapo pa rin ang anak ko kahit ganyan pa siya.
"Sa balkonahe mo. Huwag mo lang i-lock ang sliding door dahil doon ako papasok, hmm?"
"Hindi po ba iyon dangerous, Mommy? Umakyat ka po? nag-aalalang tanong niya sa akin. I chuckled.
"Walang dangerous for Mommy kung gusto niyang makita at makatabing matulog ang baby niya sa night. Now sleep, soon. Maagang aalis si Mommy sa room mo tomorrow dahil baka maabutan tayo ni Daddy."
Inalalayan ko siyang makahiga sa bed niya. Malaki naman kaya kasya ako para tabihan siyang matulog. Babangon na sana ako para i-off ang light ng bedroom niya nang hinila niya ang laylayan ng damit ko. Tila pinipigilan niya akong umalis.
"Off ko lang iyon, Jinsel," ani ko at nginuso ko ang light malapit sa pintuan niya.
Umiling siya sa akin, "Gusto ko po na nakabukas lang, Mommy. Higa ka na po rito, please." Napangiti ako dahil sa sweet na gesture niya. Tinapik-tapik pa niya ang higaan sa right side niya.
Kaya hinayaan ko na lang din siya saka ako humiga sa tabi niya. Ginawa niyang unan ang braso ko at yumakap sa akin.
Hinalikan ko ang leeg niya at narinig ko ang mahihina niyang halakhak. Inayos ko pati ang kumot niya at I hugged him back.
"Amoy baby. Kung namimiss mo si Mommy, ganito ka palagi?" I asked him again as I caressed his hair. Paulit-ulit kong hinahalikan ang ulo niya. Namiss kong katabing matulog ang anak ko.
"I'll sleep with Daddy po, Mommy," nakangusong sagot niya sa akin at sumiksik sa leeg ko.
"Done ka na nag-drink ng milk mo?" I asked him again.
"Yes po."
"Sino ang nag-bath sa 'yo?"
"Si Daddy po."
"Ang nagbihis sa 'yo?"
"Si Dad po, Mommy."
"Sabay kayo nag-dinner?"
"Opo."
"Sleep ka na," ani ko at sinilip ko pa ang mukha niya. Namumungay pa ang mga mata niyang tiningnan ako tapos nginitian pa ako ng anak ko.
"Sleep na," marahan na saad ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Good night, Mommy," malambing pang sabi niya at hinalikan din ako sa pisngi saka siya dahan-dahan na pumikit pero humihigpit din ang maliliit na braso niyang nakayakap sa akin.
"Wait for me to wake up tomorrow, Mommy..." mahinang usal niya and later on ay nagpantay na ang paghinga niya. Means, tulog na siya.
"Good night, baby. Mommy loves you always, Jinsel Arsey," I whispered.
THE next day ay nagising ako sa mahihinang yugyog sa balikat ko at pabulong na tinatawag ako.
"Mommy... Mommy, wake up... Daddy is here na... Mommy..."
"Hmm?" Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at dahan-dahan na bumangon. Naka-indian seat na ang anak ko sa bed niya na malapit lang sa akin.
Inaantok pa ako at parang gusto ko pang matulog.
"What is it, son?" I asked him.
Itinuro niya ang pintuan at namimilog pa ang mga mata niya. I mentally looked at the door.
"Jinsel, son? Gising ka na ba? Bakit nakakandado ang pintuan mo? Is everything okay, baby?" Sa halip na kabahan ako dahil nasa labas lang ang asawa ko at may tendency pa na maabutan ako ay humihikab pa akong umalis sa kama.
"Mom? What are you doing?" pabulong na tanong pa sa akin ng anak ko. Natawa ako nang mahina saka ko siya nilapitan.
I kissed his forehead, "Good morning, baby," I said, softly.
"Morning, Mommy. Sige na po, labas ka na?" Tumayo rin siya at lumapit sa akin saka ako hinawakan sa kamay.
"Jinsen Arsey? Open the door, son?"
"Wait a minute, Daddy!" sigaw lang ni Jinsel.
"Can you just open this door, Jinsel? What's wrong at bakit nagla-locked ka na ng room mo?" tanong niya. Nasa boses ang pag-aalala.
Binuksan ko ang sliding door saka ako lumabas.
"Hindi po ba delikado, Mommy?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jinsel. Itinuro ko sa kanya ang tali na ginamit ko.
"I'll be fine, baby. Go na, wait for me tonight, okay?" I once again kissed his cheek.
"I love you, Mommy."
"I love you, too honey," nakangiting sabi ko bago ako maingat na bumaba mula sa second floor.
Buo na ang araw ko dahil nakita ko nang masaya ang anak ko early in the morning. Nasaktan ako ng sobra nang malaman ko na umiiyak pala siya sa gabi.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Narinig kong tanong ni Jinsen. Mabuti na lamang ay nakababa na ako agad bago pa man siya makalabas sa balkonahe ni Jinsel.
"Nothing, Dad. Let's get inside na po." I smiled.
NO CALL from Senator Miamor ako today kaya kahit naka-leave ako sa work ko ay pumunta pa rin ako sa company.
Nadatnan ko si Xeld sa office table niya at mukhang masyado rin siyang abala ngayon. Na halos hindi na niya ako napansin.
"Xeld?" tawag ko sa kanya at nilingon naman niya ako.
"Ma'am Hersey, good morning po," agad na bati niya sa akin tapos tumayo pa siya. Saka siya tumingin sa nakasarang pintuan ng office ko.
"What's the matter?" I asked her.
"Nasa loob po ang kapatid niyong si Sir Jerhen," aniya and I just nodded.
I walked towards my office and Xeld was right, nasa loob nga ang kapatid ko at nakaupo sa swivel chair ko. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang hawak-hawak pa niya ang mga papers sa table ko. Mukha na siyang CEO ngayon.
Naka-white polo shirt lang siya ngayon. Hindi siya mukhang college student sa outfit niya at parang professional na.
"Good morning future CEO, Jerhen J-nue," I greeted him at nakita ko ang pagtalon ng balikat niya dahil sa gulat. Napangisi ako.
"Ate naman. Wala man lang bang katok-katok?" nakakunot-noong tanong niya.
"Why would I? This is my office, Jerhen," ani ko at inikutan ko pa siya ng mga mata saka ako umupo sa visitor's chair.
"What brought you here, lil brother?" I asked him as I leaned in my table para matingnan ko siya nang maayos.
"Just visiting my future office," nakangising sabi niya sa akin.
Yeah right, siya na ang magiging presidente, CEO sa main branch ng company namin. L's Security Angency Company. Since sa isang branch din naman akong ia-aasign. Anytime nga ay puwede na akong mag-set ng schedule for the conference meeting at maipakilala siya as a new president pero hindi pa siya nakakapagtapos ng college. Mag-aaral pa siya ng MBA.
At ang sinasabi niyang future office niya ay iyong currently office ko rin na dating opisina rin ni Daddy and my late grandfather.
"She's your secretary? Puwede rin siyang hindi palitan, Ate?" I raised my brow at him.
"Huwag si Xeld, Jerhen," I warned him.
"So, Xeld was her name? Hindi ko kasi nakita ang pangalan niya kasi baka isipin niya na interesado akong makilala siya kahit totoo naman," nakangisi pang sabi niya kaya inabot ko ang noo niya saka ko ito pinitik.
Napadaing siya sa sakit, "Stop it, will you? Tama na ang pakikipaglaro sa mga babae, Jerhen," malamig na sabi ko sa kanya. Sa halip na matakot ay umiling lang siya. I rolled my eyes.
"I thought my field trip kayo?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Oh, yeah. Mauuna na ako, Ate. Ngayon ang uwi namin to Cebu," usal niya.
Lumapit pa sa akin at hinalikan ang pisngi ko, "I can't wait to work here, Ate. See you. Mommy missed you, by the way," aniya at nagpaalam na aalis na.
Hindi ako lumipat sa kinauupuan ko at kinuha ko lang ang phone ko. I asked my men kung pumasok na ba si Jinsen sa hospital nila at agad akong nakakuha ng update.
Yeah, I'm creepy dahil hindi lang ako ang naging stalker ng asawa ko. May tauhan din akong pinapasubaybayan sila. Para kung may mangyari man sa kanila ni Sarina ay nandoon ako para guluhin silang dalawa.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang pamilyar na boses, "Hi, Miss."
Nilingon ko si Aizen na ngayon ko lang ulit nakita. These past few days ay biglang nawala ang lalaking ito at hindi na nagpakita pa sa akin. Tss.
"Where have you been, Aizen?" malamig na tanong ko sa kanya at binitawan ko ang hawak kong cellphone saka ko siya hinarap. I consider him na as my friend. So, concerned na rin ako sa kanya.
"I was busy. Babalik na siya sa bansa, eh. With good news," agad na kuwento niya sa akin. Humalukipkip ako at umiling.
"At sino naman 'yon? What goods news are you talking about?" I asked him.
"I tell you next time. Namiss mo ba ako? And okay ka na ba ngayon? Wala na bang lason sa katawan mo? Hindi ka na nagsusuka pa ng dugo?" concerned na tanong niya sa akin at hindi ko kayang isagot nang diretso ang mga tanong niya dahil sa dami no'n at sunod-sunod pa.
"I'm fine. Thank you for the concerned," sabi ko.
He sat down on the sofa kahit malayo iyon sa puwesto ko ngayon. At ang bruho, kung makaupo sa sofa ko ay akala mo naman pagmamay-ari niya. Nagawa pa niyang itaas ang mga paa niya sa coffee table ko. Komportable talaga siya.
"You're a chef and you must be busy today, Aizen. Lakwatsero ka palang chef, ano?" I joked na ikinatawa niya nang malakas.
"I am not. I just want to rest para hindi ako magmukhang stress kapag nagkita na kami," aniya at pinaglalaruan na naman niya ang pang-ibabang labi niya.
"Sino ba ang tinutukoy mo?" curious na tanong ko sa kanya. Mukhang patay na patay siya sa babaeng iyon, base pa lang sa pagmumukha niya.
"It's Jill--" hindi ko na narinig pa ang pangalan na binanggit niya nang mag-ring ang phone ko.
Ang tauhan ko ang tumatawag sa akin kaya mabilis kong tinanggap ang tawag.
"Yes?"
"Ma'am, aalis po ngayon sina Dr. Jinsen at Sarina Alfred. Kasama po nila ngayon ang anak niyo at papunta sila sa Boracay," agad na saad niya sa akin. My forehead knotted.
"You told me na dumeretso siya sa hospital ngayon. Bakit papunta na sila sa Boracay?" tanong ko.
"Si Sarina Alfred po ang pumunta sa hospital para ipaalam sa asawa niyo na birthday po niya ngayon, Ma'am. Dr. Jinsen decided to celebrate her birthday in Boracay," he stated.
As I know na ang lintang kabit na iyon ang may pakana na pumunta sila sa Boracay. Kilala ko ang asawa ko. Hindi iyon nagsasayang nang oras para lang sa mga bagay na walang kuwenta. Masyadong mahal no'n ang trabaho niya at nakalimutan ko naman na oo, mahal nga pala niya si Sarina Alfred, NGAYON.
Tapos, kingina talaga ng bruhang iyon. Magbi-birthday lang siya tapos sa Boracay pa?! Kasama pa niya ang mag-ama ko?! Seriously?!
KASAMA kong pumunta sa Boracay si Aizen. Kahit hindi ko naman siya sinabihan na sumama sa akin. Baka raw kasi ay kakailanganin ko siya para hindi rin daw ako na magmumukhang loner.
Tsk. Ang daming sinasabi ng gunggong na iyon. Pero mabuti na rin siguro, dahil siya ang naging instant driver ko. Hindi naman siya nagreklamo dahil sasakyan niya ang gamit namin.
Pagkarating namin doon ay agad kong nakita ang sasakyan ng asawa ko. I greeted my teeth.
"Shuta," mahinang bulong ko na narinig pa ni Aizen. Curious na tiningnan ako.
"What's shuta? Iyon ba ang girlfriend sa Tagalog?"
"You mean, syota. Pang-kanto lang ang nagsasabi no'n, tss," masungit na saad ko sa kanya.
Bago pa man kami makapag-check in sa hotel, sa Boracay nang may tumawag sa pangalan ko.
"Tita Hersey! You're here!" tuwang-tuwang sabi ng anak ko. Lihim akong napangiti dahil ako na naman ang nagwagi ngayon.
"Jinsel."
Nanlilisik agad ang mga mata ni Sarina Alfred sa akin at nakita ko ang galit sa mukha niya. I laughed.
Lumapit pa sa amin ang dalawa kasi patakbo rin naman na lumapit sa akin ang anak ko.
"Jinsel," he called his son. Agad na dumikit sa akin si Jinsel at malapad na ang ngiti niya.
"Who's with you po?" he asked me, innocently at tiningala si Aizen. Bago pa siya magawang buhatin ng kasama ko ay mabilis na kinuha siya ni Jinsen.
Sinimangutan ko pa siya at umakbay na lang sa akin si Aizen. Nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata ng asawa ko sa balikat ko at umigting ang panga niya. The reason? I don't know.
"Why are you here?" tanong niya. Hindi si Aizen kundi sa akin talaga siya nagtanong. But Aizen answered his question.
"This a date, our date." Nawala ang emosyon sa muka ng asawa ko.
"A date? You're dating with a married woman, now?" nanunuyang tanong niya. Hindi ko magawang magalit sa tanong niya. Dahil may kakaiba rin...
"What's wrong with that, dude? Wala namang pakialam sa kanya ang asawa niya," malamig ding sabi ni Aizen. Siniko ko siya at mahina lang siyang dumaing. Saka niya marahan na hinawakan ang siko ko.
"I like her wild," nakangising sabi pa niya at iginiya ako sa kung saan.
"You're invited, you can join with us." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Jinsen. Narinig ko naman ang tunog ng pagngisi ni Aizen.
"No, thanks--" tanggi ko sana pero mabilis na pinutol niya.
"Right, Jinsel?"
"Yes po." Nagtatakang tiningnan ko siya. What was that?