Chapter 13: Jinsel's room
"STAY with us, please? A minutes?" pangungulit sa akin ng anak ko at ang hirap niyang tanggihan, to be honest.
At ayoko na rin siyang pagtabuyan pa. My brother is right, na naiipit lang sa sitwasyon namin si Jinsel. Hindi naman niya gusto ang set up namin na ito at ayoko na ulit na maging unfair pa sa anak ko.
Ayoko nang unahin ang kapakanan lang ng daddy niya ang iniisip ko. Gusto kong piliin ko naman ngayon ang anak ko.
"Okay," ani ko at agad na sumaya ang mukha niya. Sabay na hinila niya ako at pinaupo malapit sa daddy niya. Actually napapagitnaan na namin siya.
"Jerhen... What are you talking about my past?" Jinsen asked my brother.
Nagkibit-balikat balikat lang si Jerhen, "That's for me to keep and for you to find out. Ang sarili mo lang ang makakasagot diyan, Kuya Jinsen. No pressure but please, subukan mo naman alalahanin ang nakaraan mo bago ka naaksidente," seryosong sabi pa ng kapatid ko. Sinamaan ko siya nang tingin pero iniiwasan niya ang mapatingin sa akin.
"Importante pa ba iyon? Mas importante ang kasalukuyan, Jerhen. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan ko," seryoso rin na sambit ni Jinsen.
Hindi ko maiwasan ang masaktan dahil sa sinabi niya. Sumisikip ang dibdib ko. Tama siya, sino nga ba naman ang mag-iisip pa sa nakaraan? Sino nga ba ang may nais na balikan ang mga alaala na matagal na ring nakalipas? Tsk.
"What do you want, Ate? I'll order your foods," sabi ng kapatid ko at dahil nainis ako sa ginawa niya kanina ay inirapan ko lang siya.
"No need, Tito Jerhen. I can share my foods to Mom-- Tita Hersey." Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa muntik na rin na pagbanggit ni Jinsel ang salitang 'mommy'.
"Right, dad? Hindi ko naman po 'to mauubos. Share your blessings nga ika nila?" Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi ng anak ko. My good boy. Mommy loves you talaga.
Matagal niyang tinitigan ang anak namin na ngayon ay humahaba ang nguso dahil hindi niya sinasagot. Sinulyapan pa niya ako bago siya bumuntong-hininga.
"Okay," simpleng sabi niya at pumapalakpak si Jinsel.
"I want you to feed me po," malambing na sabi niya at hindi ko siya tatanggihan.
"Son, no. You can still eat by yourself, right?" I almost rolled my eyes. Lahat na lang yata ay ipagbabawal sa anak niya.
"No po, I want her to feed me," mariin na giit sa kanya ni Jinsel.
"Okay, let me feed you instead," he volunteered but his son shook his head.
"Babalik ka pa sa work mo, 'di ba daddy? I'll stay with them na. You can go na po. Just take care," makulit na sabi pa niya at nagawa pa niyang hilahin ang manggas ng polo ng Daddy niya at hinayaan din siya nito saka niya marahan na hinalikan ang pisngi nito.
Mariin na napapikit si Jinsen at hindi ko na napigilan pa ang tawa ko na kanina ko pa gustong ilabas.
Inabot sa akin ang anak ko ang spoon na hawak niya. Pumungay ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. He's so sweet.
Spaghetti and carbonara, fried chicken lang naman ang kinakain niya. Wala siyang rice.
I caressed his face bago ko siya sinubuan.
"No, you can use another spoon," suway na naman sa akin ni Jinsen. Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Dad, that's okay po," pagtatanggol ulit sa akin ni Jinsel. I smirked at his father at pinakita ko pa sa kanya ang pagsubo ko ng spaghetti gamit lang ang kutsara ng anak namin. What's wrong with that, hmm?
Narinig ko naman ang mahihinang tawa ng kapatid ko at nilingon ko siya nang mapansin ko ang pagtayo niya.
"I need to go, Ate, Kuya Jinsen. Sumaglit lang talaga ako at nakalimutan kong magpaalam sa mga kasama ko. Kaya baka hinahanap na nila ako ngayon," paalam niya sa amin. Kung alam ko lang...
"Ingat," bored na sabi ko.
"See you when I see you, Jerhen," ani Jinsen.
"Sige po. Mauuna na ako, Jinsel," paalam naman niya sa pamangkin niya.
"Sige po, Tito. Thank you po sa pasalubong mo. I love it, ingat ka rin po," marahan na sabi niya at kinawayan pa niya ang tito niyang loko-loko. I chuckled dahil sa sinabi kong loko-loko.
"Bye..."
Naiwan ulit kami na tatlo na lamang. Napangisi ako ng maalala ko si Sarina. Bakit kaya hindi sumama ang isang iyon, 'no? Ngayon lang siya hindi dumikit sa mag-ama ko?
Baka dahil iyon sa kapatid ko. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman na magkasama kaming tatlo? O makita niya na parang wala lang ulit sa boyfriend niya kuno ang makisalo ako sa lunch time nila?
Ah, gusto kong inisin si Sarina Alfred para naman makaganti ako sa kanya, ha. Hanggang ngayon ay naniningil pa rin ako. Lintek lang ang walang ganti.
"Amin na ang rice, Daddy ah? Hindi ka naman nag-eat," my son said at inurong na lang ng daddy niya ang plate nito na may laman na kanin.
"Ay hindi ka na po aalis, Daddy?" Mukhang nakalimutan niya kanina na aalis na raw ang magaling niyang ama.
"I can't leave you here, son."
"But I'm with Tita Hersey naman."
"She's stranger, ayokong ipagkatiwala ka sa ibang tao lang," aniya. Walang halong yelo ang boses niya dahil marahan na nakikipag-usap siya sa anak niya. Never niyang kinausap ito ng malamig pa sa yelo ang boses niya.
Ayaw niya raw kasi na matakot sa kanya ang anak namin.
"Tita Sarina, she is, Dad. Iniiwan mo pa nga ako with her, kahit na I don't like her pa," laban sa kanya ni Jinsel.
Hinarap siya nito at nakipagtitigan sa kanya. Saan nga ulit nagmana ang anak ko?
Sa akin. May pagkasungit din iyan. I want to clap, I feel proud.
"But she's stranger, son."
"What's wrong with that? She's stranger okay, but I am comfortable being with her," supladong sabi pa ni Jinsel.
Sasagot na ulit sana si Jinsen nang inunahan na siya ng anak namin, "Dad, shut up. I don't need your opinion."
"Jinsel," magkasabay na sambit namin sa pangalan ni Jinsel at nagkatinginan pa kaming dalawa pero siya ang unang nag-iwas nang tingin sa akin. Dahil pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Just like me, Daddy. You didn't hear my opinion about your girlfriend. Have you ever asked me what I also want for you? You have a girlfriend and I still have my mother but you didn't remember her." My eyes rolled up at what he said and his voice sounded so serious.
It seems like he is not only three years old. Because he looks more matured.
"You also trust me to other people, even though I don't want to. You leave me with her, even though I don't like her. I don't like her for you daddy Never."
"W-What do you want then?" tanong niya at bayolente pa siyang napalunok.
"That's who, not what, dad. I want my mother," seryosong sagot pa rin niya.
"But--"
"If you don't want my mommy. Then I'll choose what I want, Daddy."
"What?" naguguluhan na tanong niya.
"I want Tita Hersey as my mother," sabi niya at tiningala pa ako tapos malapad na ngumiti siya.
"She's... Jinsel," anas niya at mukha siyang na-stressed sa anak namin.
"Daddy, please?" Ngayon ay nagmamakaawa na siya sa daddy niya. Hay, Jinsel ang bilis magbago ng mood mo. Saan ka nagmana sa side na 'yan? Sa daddy mo.
"All rights. Do whatever you want, son," sagot niya at sumuko rin sa huli.
"Yes! Thank you, Daddy. I love you," masiglang sabi ng makulit na bulilit na ito.
"Let's pretend that we're a family. That, there's no Tita Sarina in the picture. Just the three of us."
Nasamid ng tubig si Jinsen dahil sa sinabi ng anak namin. 'Sakto pa kasi siyang umiinom ng tubig.
"Jinsel. Hindi mo ba tinatanong 'yang katabi mo kung gusto--"
"I don't mind. I don't mind na tawagin niya akong 'Mommy'. Right, baby?" I asked my son and he just nodded.
"But--"
"I don't need your opinion, honey," masungit na sabi ko bago pa man siya makapagsalita. Napahilot siya sa sentido niya at walang tunog na napamura siya.
"I wanna go to school, by the way."
"You're too young."
"You're just three years old," magkasabay na saad namin ni Jinsel. Nagkatinginan na naman kami pero umigting na naman ang panga niya at ako ay ngumisi lang sa kanya.
"How did you know that?" nakataas na kilay na tanong niya.
"Does it matter?" I firedback and licked my lower lip, sinundan pa niya iyon nang tingin. Muling umigting ang panga niya.
"But I want po," giit ni Jinsel.
"Just stay at home and play, son," magkasabay na sambit na naman namin ng asawa ko. Lihim na napamura ako dahil sa huling salitang nasambit ko. I didn't mean that, kasi natural na nasasabi ko na iyon kasi anak ko si Jinsel. Mabuti at hindi binigyan pansin ng asawa ko ang salitang iyon.
Medyo nagtagal kami sa resto at walang ginawa kundi ang magkasagutan lang kami ni Jinsen. But somehow, natuwa ang puso ko dahil muli ko silang nakasama. Na kaming tatlo lang.
Masaya na rin ako ang makitang hindi na mukhang malungkot ang aura ng anak ko.
AFTER spending my time with them ay pumunta ako sa hospital nina Jinsen.
"Mrs. Montallana." Tinanguan ko lang si Dr. Sergio Ramirez.
Mabuti at nasa office niya lang siya. Umupo ako sa visitor's chair kahit hindi pa niya ako inaayang umupo.
He's a close friend of my husband at siya rin naman ang naging doctor ng sarili niyang kaibigan.
"Napadalaw ka," pagsisimula niya.
"I just want to ask something at hindi ako makakatulog hangga't hindi na sasagot itong gumugulo sa utak ko," ani ko. Tumango naman siya.
"What is it then?"
"About my husband's condition," sagot ko.
"You forced him to remember you, do you?" tanong niya. He even raised his brow.
"No. Why would I do that? You're the one who told me that I can't trigger his amnesia because he's too sensitive. But why the hell he still remembered my brother and I, didn't? Tell me, are you faking your friend's amnesia, huh?" mataray na tanong ko sa kanya. Kahit doctor pa rin siya, ha.
"Of course not. He only has selective amnesia, Mrs. Montallana. He still remembers his memory, whether it was past or present. He only remembers a few memories, people he had met before. Just like his ex-girlfriend, he recognized her not you, even though you are his wife. There are those close to him that he doesn't know and remembers. Even though you are still very close and you have been with him for a long time and that's because of his selective amnesia. The only few of his memories his brain wants to remember. But all you have to do is be patience, his memories won't take any longer. Makakaalala pa rin siya," mahabang paliwanag niya sa akin.
"Pero naaalala niya na ako ang kapatid ni Jerhen. Alam niya," saad ko at napaisip naman siya.
"He remember that? Maybe unti-unti na rin bumabalik ang alaala niya. Hindi mo siya pinilit na alalahanin about his loss memories, then let him help himself. He was doing his part too. But I told you before na hindi siya puwedeng i-trigger, kung ang sarili niya ang gagawa n'on, then let him be."
"Okay," tanging nasabi ko na lamang and I shrugged my shoulder.
"Thanks," bored na sabi ko at tumayo naman siya.
"I'll talk to him next time at may follow up check up pa siya. Visit me again para ma-inform ka rin," aniya.
"Okay, aalis na ako," paalam ko saka ako lumabas.
UMUWI rin ulit ako sa mansion na tinutuluyan ko at balak kong mangapit bahay kahit naman isa ako sa may-ari niyan. Tsk.
May spare key ako ng mansion namin pero hindi ko iyon ginamit kasi baka maabutan ako ng asawa ko.
Nasa second floor lang ang kuwarto ng anak ko kaya keri ko pa ang umakyat plus may balkonahe siya.
Hindi naman ako nahirapan dahil sanay ako sa ganito. Duh, nag-training na ako nito. Isa kang CEO ng isang Security Angency Company hindi puwedeng hindi mo rin kayang gawin ang trabaho nila.
"Yes," mahinang bulong ko at lumapit sa sliding door. Mabuti na lang at hindi iyon naka-lock pero napahinto ako nang marinig ko ang boses ng anak ko.
Pinakinggan ko na muna noong una kasi baka kausap niya ang daddy niya at mahuhuli pa ako. Hindi nga ako nagkamali.
"Sleep tight, okay? If you need something just knock my door, son?"
"Yes po, Daddy."
"Okay, I love you. Sweet dreams," malambing na sabi niya.
"Love you, too daddy. Good night," tila inaantok na sabi pa ng anak ko.
Napangiti ako at muli ko pinakinggan ang footsteps niya kung umalis na ba siya... Narinig ko na ang pagsara ng pintuan. Pinalipas ko na muna ng ilang minuto bago ako tuluyang pumasok.
Madilim na sa room ni Jinsel at maingat na kinandado ko ang pintuan. I stilled nang marinig ko ang mahihinang paghikbi ng anak ko.
Binuksan ko ang light sa kuwarto niya para lamang makita ang puwesto ng anak ko.
Nakadapa siya sa bed niya at may unan sa ulunan niya tapos yumuyugyog ang balikat niya. Tanda nang umiiyak siya. Umawang ang labi ko.
Ganito ba madalas ang anak ko? Umiiyak ba siya gabi-gabi? Sa naisip na posibleng ganito nga siya madalas ay parang pinipiga na naman ang puso ko.
Tumihaya siya dahil napansin niya siguro ang pagbukas ng ilaw at bigla siyang napabangon nang makita ako.
"Mommy?" Namumula ang mga mata niya at basang-basa agad ang pisngi niya.
Mabilis na nilapitan ko ang anak ko at mahigpit na niyakap ko siya.
"What's wrong, baby? Why are you crying?" malungkot na tanong ko. Nasasaktan talaga ako kapag nakikita ko siyang ganito.
"I just missed you, Mom. I missed you, so much," humihikbing sagot niya sa akin. Sunod-sunod ang paghalik ko sa tuktok ng ulo niya.
"I'm so sorry, baby. I'm sorry. Gagawa na si Mommy ng paraan. This time ay ikaw na ang pipiliin ko. I'm sorry for hurting you like this... I love you, mommy loves you, more than your father." Hindi ko rin mapigilan ang umiyak.
Damn, gagawa na talaga ako ng paraan.