CHAPTER 7

2019 Words
Chapter 7: Stalking him "SARINA, buksan mo ang pintuan! Sino ba ang kasama mo sa loob?!" Sinandal ko ang likod ko sa pader na malapit sa pintuan. Katok nang katok ang asawa ko sa pinto at nagawa pa niyang sipain iyon pero hindi naman niya kayang buksan. Maingay tuloy sa loob ng washroom. Lumubo ang bibig ko dahil sa boses niya na galit na galit. Pero nagpipigil pa siya ng emosyon niyan. Nag-aalala ka talaga sa babaeng ito, 'no? Mahal mo talaga siya? "Sarina! Babe, open the door. What happened? Babe." Nasa boses niya ang paglalambing pero ang Sarina babe niya ay hindi tumigil sa kakaiyak. Sino ba naman ang hindi iiyak kung ang kamay mo ay inilublob sa inidoro? Hindi ba iiyak ka rin? Nagawa kong itaas ang paa ko at mariin na inapakan ang likod ni Sarina Alfred at tumili pa siya sa gulat at sakit. "I hate you," halos pabulong na sambit niya. "The feeling is mutual, dear," nakangising sabi ko sa kanya. "Subukan mo lang magsumbong at nang magkaalaman na tayo," I warned her. Just like I said, hindi ako takot na mapagalitan ni Jinsen sa ginawa ko sa Sarina na ito. Hindi ako takot na ito ang maaabutan niyang eksena namin. Pero subukan lang talaga nitong magsumbong at nang magkaalaman na kaming tatlo. Muli ko siyang tiningnan. Nanginginig ang katawan niya. Hindi ako sigurado kung alin dito ang dahilan; sa takot sa akin o sa galit dahil sa ginawa ko sa kanya. But I prefer na galit siya sa akin. Ngumiwi ako nang tiningnan niya ang kamay niya at inangat ito pataas. Mas lalo siyang umiyak nang mabasa iyon at pati ang singsing ay nahulog na rin sa inidoro. Kaya mabilis na nag-flush ako. Kaya tuluyang nadala na ng tubig ang singsing niya. Karma nga naman. Tinakpan ko lang ang bibig ko para hindi kumawala ang mahinang tawa ko. Nagawa pa niyang amuyin ang kamay niya. "Yuck," komento ko. "J-Jinsen..." "What is it, babe? Sino ang kasama mo sa loob? Answer me!" "A-Ang s-singsing..." "What singsing?" "Ang s-singsing ko, n-nahulog sa i-inidoro." "Singsing? What about the ring? 'Yan ba ang singsing na pinabili mo sa akin?" Ngumisi ako kay Sarina dahil sa aking narinig. Nag-iwas pa siya nang tingin sa akin na mukhang napahiya. Assuming talaga. "Nag-propose pala, ah?" I mocked her. "You smells so bad. Get out," nanlalaking matang sabi ko sa kanya at tinakpan ko na ang ilong ko. Nanginginig pa ang kamay niya na pinihit pabukas ang doorknob at umiiyak pang lumabas. "J-Jinsen..." "J-Jinsen," panggagaya ko pa sa sinabi niya. Nagpapaawa na naman sa gagong asawa ko. "Bakit basang-basa ang kamay mo? You tried to-- Sarina?" "Don't touch me! Maghuhugas lang ako! I need a s-soap! Or an alcohol, please! Oh, my God!" natatarantang sigaw ni Sarina kaya pinigilan ko na ang matawa. Hay naku. "Oh, my God! Ang baho!" "Babe, calm down!" "Paano ako kakalma kung---ugh!" "I'll take you home." Pinalipas ko na muna ang ilang minuto bago ako lumabas at tawang-tawa pa ako. Ang saya. Hays, Hersey. Satisfied ka na niyan? "Bakit ang tagal mo? Are you okay? Bakit maputla ka?" sunud-sunod na tanong sa akin ni Los Diaz pero hindi ko siya magawang sagutin dahil nakuha na naman ng dalawang ito ang atensyon ko. Hinuhusgahan ni Jinsen ng alcohol ang kamay ni Sarina at gamit pa niya ang puting panyo niya. Ngumiwi ako dahil hindi ko na yata kayang hawakan ang kamay ng lintang kabit na ito, dahil literal na marumi na iyon. Ah, yuck. Sa halip na magselos at masaktan ako sa nakita ko ay parang natatawa pa ako. Kaya naguguluhan na tiningnan ako ni Los Diaz na umupo sa tabi niya at tumatawa pa. "You seems happy. What happened?" aliw na aliw na tanong niya sa akin. Tiningnan ko ulit si Jinsen. Seryosong-seryoso niyang pinunasan ang kamay ng kabit niya. "Oh, care to share?" he asked me. Inirapan ko siya. "Tinatamad akong magsalita," ani ko at tumaas lang ang sulok ng labi niya. Muli akong napatingin sa asawa ko nang tumayo siya at inalalayan niyang makatayo ang kasama niya. Ako sana iyon. Dapat ako ang inaalayan niya. Tumaas lang ang kilay ko, "We'll go ahead, Aizen. Thank you for inviting us on your birthday," walang kangiti-ngiting sabi ni Jinden kay Los Diaz. Hays, ang guwapo ng asawa ko. Kung hindi lang siya gago. "No worries and thank you for the gifts, guys." Hindi talaga ako sinulyapan ng isang iyon. Balewala nga talaga ang presensiya ko sa kanya. Humaba ang nguso ko at nagulat pa ako ng naglahad ng kamay itong katabi ko. Kunot-noong tiningnan ko ang kamay niya, "What?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. "Where's my gift?" "Wala," sagot ko at matunog na ngumisi pa siya. "CEO, wala man lang dalang regalo sa akin?" "Naghanda ba ako, gago ka?" inis na sabi ko. Bumalik tuloy ang pagkairita ko. "Whatever. Next time na lang kitang sisingilin. Inaantok ka na ba? Ihahatid na kita." "May sasakyan ako, Los Diaz." "Please, call me Aizen or if you want, baby na lang." "The hell," mura ko sa kanya. "Kaysa naman Los Diaz. Wala tayo sa school, Ma'am," sabi nito sa akin. "Fine, Aizen!" inis na sabi ko at aliw na aliw na naman akong tiningnan. "Let's be friends, Ma'am," ani nito sa akin. I rolled my eyes at him. Iyong dalawa lang ang umuwi at ang iba niyang kaibigan ay nandito pa rin. Patuloy sa pag-iinom ng mga alak na in-order ni Aizen. Iyong iba naman ay nasa dance floor na at nakikipagsigawan. Ang isang babae kanina na kaibigan ni Sarina ay hindi na makatingin sa akin nang diretso. Mukhang natakot na sa akin. Great. Humilig ako sa headrest at mariin na pinikit ko ang mga mata ko. Ganoon lang ako hanggang sa tumunog ang phone ko. Hindi ko natingnan ang tumatawag sa akin at agad ko itong sinagot. "Hello," namamaos ang boses na sagot ko mula sa kabilang linya bagamat nakapikit pa ang aking mata. "Hello," sagot niya rin. Pamilyar ang boses niya. "Who the fvck are you?" tanong ko sa kanya na may halong pagmumura pa. "Where are you? Oh, you're a party girl, woman," sabi nito at napaayos ako nang upo nang makilala ko na ang boses niya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang phone ko at ang pangalan ng anak ko ang lumitaw sa screen. Si Jinsen ang tumatawag sa akin at ginamit pa niya ang phone ng anak ko? Oh, my Gosh! "Mommy HJ, huh? Jinsel is not allowed to touch his phone. Where are you? Let's meet. Pupuntahan kita sa kung saang club house ka man ngayon," seryosong sabi niya at bigla ay bumilis ang t***k ng puso ko. "Oh, you can't find me, honey," nakangising sabi ko at pinatay ko na agad ang tawag. Kinabahan ako roon, ah! Nang sipatin ko ang wristwatch ko ay malapit ng mag-10 ng gabi at talagang may energy pa ang mga taong naririto dahil patuloy pa rin sila sa party nila. Ako na, inaantok na. Saka kailangan ko nang umalis dito bago pa man makabalik si Jinsen sa club na ito. "I'll go ahead, Aizen. I'm sleepy," paalam ko kay Aizen at parang hindi talaga siya nalasing. Tatayo pa sana niyang pinigilan ko na siya, "Stay here, birthday boy. Nandito pa ang mga kaibigan mo," sabi ko. "You okay? Can you drive?" tanong niya sa akin. Umaandar naman ang suplada mode ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "I'll be good. I'm fine, makakauwi ako ng ligtas sa amin," ani ko. "Ihahatid na lang kita sa labas," usal niya at inalalayan ako. "THANK you. You may go now," nakangiting pagpapasalamat ko kay Aizen nang makarating na kami sa parking at sa kotse ko talaga niya ako inihatid. Nag-tiptoe pa ako para bigyan siya ng halik sa pisngi. Ang tangkad niya eh. Hindi ko kayang abutin. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Mukhang nagulat ko pa yata kaya hindi ko maiwasan ang humalakhak. "Thanks, again. Nag-enjoy ako kahit ayoko sa presensiya ng dalawa mong kaibigan," ani ko. "Sinadya ko, eh. Naging doctor ko lang si Jinsen. Sige na, umuwi ka na. Drive safely," sabi nito sa akin at pinagbuksan pa ako ng pintuan ng kotse ko saka ako sumakay. "Bye," wika ko at kumaway pa sa kanya. Ngumingiting tumango siya saka niya isinara ang pintuan ng kotse ko. Pinainit ko na muna ang makina ng sasakyan ko saka ko ito pinausad. "Ang suwerte pa ng bobitang iyon at hinatid pa ng asawa ko. Tss," I murmured. Muling tumunog ang phone ko at ang lalaking iyon ang tumawag. Tss, eh 'di, hanapin mo ako kung kaya mo ba akong hanapin. Sa kalagitnaan nang pagmamaneho ko ay natanaw ko sa gilid ang pamilyar na sasakyan. Nagsalubong ang kilay ko nang makilalang kotse nga iyon ni Jinsen. "Bakit mukhang ako ang sinusundan niya? O assuming lang talaga ako?" sabi ko sa sarili ko at pinabilis ko ang pagmaneho ko. Akala ko ay nagkataon lang na sumabay siya sa akin. Na isa pa, hindi ba dapat hinahanap na niya ngayon si Mommy HJ? Tsk. Hindi niya ako tinantanan kaya naisipan kong ihinto ito na hindi man lang ako nag-abala na igilid ang sasakyan ko. Sa gitna talaga. Tiningnan ko ang side view mirror ko at lumalim lang ang gatla sa noo ko nang makita na huminto rin ang sasakyan niya. Nakita ko pa ang pagmamadali niyang bumaba mula rito at hindi talaga ako nagkamali. Kinatok niya ang salamin ng bintana ko at ibinaba ko naman iyon. Walang emosyon na tiningnan ko siya. "Are you following me?" malamig na tanong ko sa kanya. "Why did you stop your car here, Miss? Are you okay? You look sleepy. Masama ang mag-drive ng inaantok," sunud-sunod na sabi niya. "Ako ang unang nagtanong sa 'yo, Sir, and why did you asked me that? Are we close? Ni hindi natin kilala ang isa't-isa," pambabara ko pa sa kanya at muli kong itinaas ang salamin ng bintana ko pero hinarangan niya iyon ng kamay niya. "And you're not a police officer para pagsabihan ako tungkol sa bagay na 'yan. Tsupi-tsupi ka na nga sa kotse ko, stranger," supladang sabi ko sa kanya. "Let me drive you..." Ibang kahulugan ang pumasok sa utak ko nang sabihin niya iyon sa akin kaya mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Puwede naman kasi na, I'll take you home or ihahatid na lang kita. Bakit pa, let me drive you? Or sadyang ako lang talaga ang malisyosong mag-isip? Eh, noong okay pa ang relasyon namin ay madalas niyang sabihin iyon sa love making namin. Ugh! Napahilot ako sa sentido ko. Kung saan-saan na napupunta ang pag-iisip ko. "What the hell are you doing here? Huwag mo na ngang ipakita pa sa akin ang pagmumukha mo," inis na sabi ko sa kanya. Hindi nagbago ang emosyon sa mga mata niya at nanatiling blangko rin ito. "Your voice is familiar. Narinig ko na... Parang..." "Oh, shut up! Leave me the fvck alone!" sigaw ko sa kanya. Hindi siya nagpatinag at nanatiling nakatayo sa tapat ng pintuan ko. Sinundan pa ng mga mata ko ang maugat niyang braso at may kung ano'ng pinunasan siya sa ilong ko. "You're bleeding. What happened?" Ngayon, ang boses niya ay parang nag-aalala na. Nagawa ko ring hawakan ang ilong ko at may dugo nga. "This is normal," ani ko at tinampal ko ang kamay niya na akmang pupunasan pa niya ang dugo sa ilong ko. "No." "Normal nga ito kapag napaparami ang inom ko!" I reasoned out "Then stop drinking." "Sino ka ba para pagbawalan ako, huh?" nanunuyang tanong ko sa kanya at napatingin siya sa kamay ko. Particular na sa daliri ko na may dalawang singsing iyon. "None," maikling sagot niya at bahagya dumistansya. "But I have this feeling... Maybe, maybe, I'll stop bothering you. Kakikilala ko lang sa 'yo pero ganito na ako agad kung... Ayokong saktan ang girlfriend ko. I'm sorry... I just hope na ito na ang huli nating pagkikita." What the hell?! A/N: Please, hindi po ako tumatanggap ng complain mula sa toxic reader. I'm not a pro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD