Chapter 8: Stalking him
"But I have this feeling... Maybe, maybe, I'll stop bothering you. Kakikilala ko lang sa 'yo pero ganito na ako agad kung... Ayokong saktan ang girlfriend ko. I'm sorry... I just hope na ito na ang huli nating pagkikita."
Ang sakit ng mga katagang iyon. Talagang baon na baon sa puso ko at sagad sa buto. Tang*nang words na 'yan. Wala naman akong ginagawa, ah.
Hindi naman ako gumawa ng paraan para makalapit sa kanya. Nagtitiis pa nga ako, eh. Kahit pinipigilan ko ang sarili ko na iuntog ang ulo niya sa pader at sabunutan sa buhok ng bonggang-bongga ang babae niya, kaladkarin palabas ng mansion namin at ipamumukha sa Sarina na iyon na ako ang legal wife!
Na ako lang ang may karapatan kay Jinsen!
Pero huwag na lang. Ako lang ang kawawa. Ako lang ang talo sa huli dahil baka hindi pa maniwala sa akin ang asawa ko. Mas paniniwalaan pa niya ang kabit niya kaysa sa akin na hindi naman daw niya ako kilala.
Pero sa sinabi niya ay parang ako pa ang sinisisi niya. Na parang kasalanan ko pa ang magpakita pa ako sa kanya.
He can't blame me. Miss na miss ko lang siya at masakit talaga sa akin ang lumayo. Pero dahil sa kalagayan niya, sa kapakanan niya.
Nagpaubaya ako...
Hinayaan ko siya...
"This is actually a cheating. Ang isipin ka ay nagtaksil na ako sa girlfriend ko," walang emosyon na sabi niya at muntik na akong napatawa dahil sa narinig.
Literal na nag-cheat ka na nga, J-Jinsen. Sa ginawa mo sa loob ng isang tao ay talagang nagtaksil ka na. Hindi para sa linyang kabit na iyon. Sa 'yong asawa mismo.
Ikatutuwa ko nga ba ang malaman na iniisip niya rin ako?
"I just hope... Hindi na magku-krus pa ang mga landas natin," huling sambit niya bago niya ako iniwan at hindi nga siya nag-aalala sa akin.
Pinagsasabihan lang niya ako at kailangan ay ako ang unang iiwas sa kanya.
"Shet, shet!" paulit-ulit na mura ko sabay sabunot ng sarili kong buhok.
"Urgh! Fvcking shet, Jinsen!" umiiyak na sigaw ko at mabibigat pa ang mga kamay ko na pinunasan ang mga luha ko na bumuhos na lang bigla.
"N-Napaka-unfair mo talaga... Ang unfair-unfair mo sa akin," hagulgol ko at sinubsob ko ang mukha ko sa manibela.
Minsan, mas gusto ko na lang ang maging manhid. Ang wala ng nararamdaman kahit na ano.
Dahil sobrang sakit talaga ang masaktan. Iyong nasasaktan ka nang hindi niya namamalayan o walang alam ang taong nanakit sa 'yo.
Mas gusto ko na lang ang maging bato ang puso ko. Para hindi na ako magkakaganito pa.
***
"MISS Hersey, nakikinig ka ba? Ma'am?"
"Ha?" gulat na sabi ko at napaigtad pa ako sa gulat nang may yumugyog sa balikat ko.
Napakurap-kurap pa ako dahil parang ngayon lang ako nagising sa malalim na pagkatulog ko. Napakamot ako sa kilay ko at nahihiyang nginitian ang ka-meeting ko ngayon.
Isa siya sa kliyente ko at talagang sa isang sikat na resto ang lunch meeting namin.
"I'm so sorry, Mr. Del Castillo," hinging paumanhin ko sa kanya.
Mukhang kanina pa siya nagsasalita pero hindi ko na naintindihan pa dahil sa lalim nang iniisip ko kanina. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil hindi ako nakapag-concentrate. Babagsak ng wala sa oras ang kompanya ko.
Siyempre hindi ko hahayaan na mangyari iyon.
"Mukhang may problema ka, Miss Hersey," nakangiting pahayag niya. Napaayos tuloy ako nang upo at tumikhim. Nakakahiya talaga.
"Wala," simpleng sagot ko.
"May sakit ka ba? Parang namumutla ka," sabi pa niya at umigkas ang isang kilay ko sa nakikita kong pag-aalala na nakaguhit sa mukha niya.
Lorgan Bon Del Castillo, isang CEO ng DC's Hotel and Restaurant at bago lang natapos ang isang branch ng hotel nila kaya maagang binigyan ng schedule ni Xeld. Dahil malaking kliyente nga siya at minamadali ang pagkuha ng mga empleyado sa hotel niya.
"Hmm, just a little bit headache, Mr. Del Castillo. We had a party last night at medyo napainom ng marami. I'm sorry for my behaviour," I reasoned out.
Seriously, bakit kailangan ko pang sabihin iyon sa kanya? Hindi ko naman siya kaibigan at hindi kami close. Kliyente ko lang siya.
"No worries, Ms. Hersey. That's good to hear that. Okay lang na maparami ang inom, besides required din sa buhay natin ang paminsan-minsan na mag-relax or doing something na makakabuti rin sa atin," aniya at hindi na naglaho pa ang ngiti niya sa labi.
Hindi naman siya mukhang creepy. Magaan nga ang aura niya. Palihim na hinagod ko nang tingin ang mukha niya. May hitsura naman siya, hindi mapagkakaila iyon dahil halos nasa kanya ang atensyon ng mga tao sa loob ng resto. But hey, looks can deceive.
Ilang beses na ring padaan-daan sa puwesto namin ang manager ng Amor. Hindi ko lang alam kung sinasadya ba niya or what.
But I don't care about that. I don't care about him. All I care is the contract and money for my company. That's all.
"Anyway, ibibigay na lang ng secretary ko ang contract para makapirma ka na and as soon as possible ay madadala na namin ang mga napili naming bagong empleyado sa inyo," ani ko at tumango na lang siya.
"No need to be hurry, Ma'am. Well done. So, just enjoy the foods. You need to eat more, Ms. Hersey." It's Mrs, for your information, Mr. Del Castillo. I'm now a married person. Tsk.
Kunot-noong napatingin ako sa balikat ko nang biglang bumigat ito at may braso na ang nakadantay sa akin.
Muling umigkas ang kilay ko nang makita ko si Aizen. Nakatayo lang siya sa gilid ko at nakatutok ang tingin niya kay Mr. Del Castillo.
"Having fun with my friend, Mr. Del Castillo?" naglalarong tanong pa niya sa kliyente ko. Gusto ko tuloy siyang sikmurain.
"Mr. Los Diaz, nice to see you here," friendly na sabi pa nito. Mukhang magkakilala ang dalawa. Hindi lang ako sigurado. Pero kakaiba na ang atmosphere sa paligid namin.
"But the feeling is not mutual," pairap na sabi pa ni Aizen. Dalawang kilay ko na yata ang tumaas dahil sa paraan nang pag-uusap nilang dalawa.
O kay Aizen lang? Mukhang nagsusungit ang isang ito, eh. Sa himig pa lang ng boses niya.
Umupo na rin siya nang hindi namin siya in-invite sa table namin.
Dumikit ang braso ko sa tagiliran niya dahil sa higpit nang pagkakaakbay niya sa akin na halos yakapin na niya ako.
Doon lang din na nagbago ang ekspresyon ni Mr. Del Castillo. Nagtatakang tinignan ko sila isa-isa.
Ano'ng mayroon sa dalawang ito at mukhang hindi naman sila magkaibigan? Mukhang hindi naman sila magkasundo. Dahil mas mukhang magkalaban pa sila, oh speaking of magkalaban...
Hotel and Restaurant ang pareho nilang negosyo. Don't tell me... Hindi lang sila personal na magkalaban at maging ang kanilang negosyo rin?
Oh, poor me na hindi ko man lang na-realize una pa lang. Pero wala akong kinalaman sa kanilang dalawa.
Negosyante rin ako at wala akong pakialam na pareho kong kliyente ang magkalaban na ito. Labas na ako sa alitan nilang dalawa.
Dahil sa ginagawa ni Aizen ay nakita ko tuloy ang lalaking kapapasok lang sa loob ng resto. Wala siyang kasama.
Pero kinabahan na ako agad. Halos hindi ako makatulog kagabi sa kaiisip ko sa mga sinasabi niya sa akin.
Sige, okay. I tried to distance myself from him! Ha! Akala naman ay hindi ko kayang gawin iyon?
"Comfort room lang ako." Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa at agad na kinuha ko ang sling bag ko.
Hindi ko na sila hinintay pa na sumagot dahil mabilis na akong naglakad palayo roon.
Ang weird ko rin dahil tinakpan ko pa ang mukha ko para lang hindi ako makita ni Jinsen. Baka magalit na naman iyon--na halatang nagalit sa akin dahil ako ang naging dahilan kung bakit ako ang iniisip niya. Sa halip na ang kabit niya, tss.
Pero dahil sa ginawa kong kawirduhan ay may nabunggo tuloy ako.
WTF!
"Sarina!" Narinig kong sigaw ng asawa ko. Hindi ko alam na kasama pala niya ang babaeng ito! Sa dami-rami ng taong mababangga ko ay siya pa?!
Ang malas-malas ko naman!
Aalis na sana ako at hindi magso-sorry sa kanya nang may humila na sa braso ko. Napangiwi ako sa sobrang higpit no'n. Bumaon pa yata ang kuko niya sa balat ko.
Saka kahit hindi ko na lingunin pa ang humawak sa akin dahil kilala ko naman. Sa paraan lang nang paghawak niya sa akin ay kilalang-kilala ko na kung sino.
"Where the hell are you going? Aren't you saying sorry to my girlfriend?" kalmadong tanong niya sa akin pero nasa boses no'n ang lamig.
Panibagong sakit na naman ang ibinibigay niya sa akin ngayon. Walang katapusan na pananakit...
Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya na alam kong hindi mababakasan no'n ng kahit ano'ng emosyon.
Parang bumalik lang kami sa dati. Na tila stranger sa isa't isa at ganyan na ganyan siya sa akin.
"Say sorry to her and look at me," nagbabantang sabi niya sa akin kaya ro'n lang ako nakakuha ng lakas na loob na salubungin ang tingin niya.
Hindi nga ako nagkamali...
"Jinsen, okay lang ako. Let her go, babe." I almost rolled my eyes. Pabebe ang gaga! Nagbabait-baitan pa ay demonyo naman ang ugali niya.
Hindi lang alam ng asawa ko.
"No. Kailangan niyang mag-sorry sa 'yo," inis na sabi niya at saglit na sinulyapan pa niya si Sarina Alfred saka muli akong binalingan nang tingin. Nagtatagis ang mga bagang.
O mukhang galit na galit na talaga siya sa akin.
"Are you blind? Or you're just stupid?"
Hinawi ko ang kamay niya pero hindi man lang natanggal iyon. Mas humihigpit ang grip niya.
"Don't you ever touch me, fvcking idiot!" inis na sabi ko at pinagtatampal-tampal ko na ang kamay niya.
Wala yatang intensiyon na tanggalin ang kamay niya sa akin! What's his problem ba?!
"Are you stalking me?" muling tanong niya at napasinghap ako sa gulat.
Literal na nakakagulat! Ganyan na ganyan nga siya dati! Napaka-assuming!
"Ha! Ha!" nang-iinsultong tawa ko kahit pekeng-peke iyon.
"Excuse me? Mukha ba akong stalker? Seriously? I'm not stalking you, Mr-who-ever-you-are. You're so fvcking assuming. Baka ikaw mismo ang sumusunod sa akin," sabi ko at tiningnan ko si Sarina na wala ang nakakaawa niyang face dahil sa narinig.
"Kagabi nga ay sinundan mo pa ako kasi nag-aalala ka sa akin. Because you thought I'm not a sobber," pagpaparinig ko kay lintang kabit at tumaas ang sulok ng labi ko nang makita ang pagtapang ng ekspresyon niya.
Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom niyang kamao. Mas nasisiyahan ako lalo. Gustong-gusto kong makita siyang ganito.
Tila nababahala...
"J-Jinsen..." Parang maiiyak pa siya.
"Baka nagugustuhan na rin ako ng boyfriend mo, Miss. Sabi nga niya sa akin, 'But I have this feeling... Maybe, maybe, I'll stop bothering you. Kakikilala ko lang sa 'yo pero ganito na ako agad kung... Ayokong saktan ang girlfriend ko. I'm sorry... I just hope na ito na ang huli nating pagkikita.'"
"What the fvck?!" malutong na mura ni Jinsen at doon lang niya ako binitawan.
Mabilis na inalo ang plastic niyang babae dahil umaakto nang umiiyak ito. Gusto ko siyang sampalin nang malakas.
"Babe, that's not true!" Ha! Mukhang takot na takot siyang mawala sa kanya ang babaeng 'yan!
"What... What was that, J-Jinsen? Hindi iyon totoo, 'di ba?" I rolled my eyes.
Gusto kong tumawa nang makita ang matatalim na tingin sa akin ng asawa ko. Oh, nice.
Sa halip na magdrama rin ako ay mas nag-enjoy pa akong makita silang ganito. Na nag-aaway...
Pero duda ako sa nararamdaman ng asawa ko. Baka isa rin sa amnesia niya ang pagkawala ng pagmamahal sa akin? At nagbalik ang nararamdaman niya sa ex-girlfriend niya?
Parang ako na naman yata...
"Are you okay? Hersey, you look pale. What happened?" biglang singit naman ni Aizen. Kung saan-saan na lang siya sumusulpot.
"Mukha ba akong natakot sa dalawang taong 'yan?" supladang tanong ko kay Aizen at dinuro ko pa sina Jinsen at Sarina.
"Dr. Jinsen?"
"Kasama mo siya? Please, tell your girlfriend to stop stalking me." Aba!
"Hey, I'm not stalking you!" nagngingitngit na sabi ko sa kanya.
"Napaka-assuming mong tarantado--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla ay nabuwal ako sa kinatatayuan ko at hindi pa ako agad nasalo ni Aizen.
Bumagsak ang katawan ko sa sahig at napapikit ako. Hindi dahil sa sakit nang pagkakabagsak ko dahil tila naparalisado ang katawan ko. Sa hindi ko malaman na dahilan!
What the hell?! What's wrong with my body!
"Hersey!"