CHAPTER 10

1778 Words
Chapter 10: Blood "HERSEY!" narinig kong sigaw ni Aizen sa pangalan ko at kasabay nang pagbuhat niya sa akin. "Fvck, Hersey! Don't be like this, please!" Ibinalik ako sa higaan ko kanina. Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha ko sa aking pisngi at nahawakan ko ang laylayan ng coat niya. Nalukot ito dahil sa higpit nang pagkakahawak ko sa kanya. "Hersey..." "I-I c-can't breath," nahihirapang sambit ko. Panibagong lason na naman ang itinurok sa akin ng babaeng iyon and this time. Hindi na naman ako makakahinga at tila kinakalmot ang sikmura ko at may nasusunog na kung ano sa loob. Parang masusuka pa ako. "I can't...b-breath, Aizen..." "Please, save her. Save her..." nagsusumamong sabi ni Aizen sa mga doctor at paulit-ulit pa niyang sinabi iyon. "You'll be fine, Hersey. You'll be fine. Nandito lang ako..." Hindi umalis sa tabi ko sa Aizen kahit pinapalabas na siya ng mga doctor. Sinigawan niya ito kaya hindi na siya sinubukan pang umalis. Kinunan ulit ako ng BP pero agad silang napaatras nang bigla akong sumuka. Hindi ordinaryong suka lang, it's a blood. Oh, God. What happened to me ba? Bakit ako pinapahirapan ng senator na iyon?! Sa ganoong eksena kaming nadatnan ni Jinsen na hindi ko alam kung bakit bumalik pa siya. At dahil si Aizen ang malapit sa akin ay pumunta siya sa kabilang side ko. Sumampa pa sa hospital bed at hinawakan ang mukha ko. Nagawa pa niya punasan ang naghalong dugo at luha ko sa pisngi ko. Hirap na hirap akong tingnan niya. "Has anyone been in here other than your co-doctors? And to this guy?" seryosong tanong niya sa mga ito. Nagawa pa niyang itinuro ng daliri niya si Aizen. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at muli akong lumakas dumaing. Ang init-init na ng tiyan ko. Parang may gustong kumawala wala roon. "Won't she run out of blood? She almost threw up her blood all over her body! That's not good! Do something, please!" nag-aalalang tanong ni Aizen. "No, or it depends on her body if she will let all the poison out. And she needs to." "What do you mean?" "She literally just got all the poison out by vomiting blood. She already drank an antiodote earlier. So, I'm asking you if anyone else got in here besides you, and the others. Because I'm sure na maliban talaga sa inyo ay may nakapasok na rito," he said, seryosong-seryoso. The anger is already in his voice. "We don't know, doc." "Damn. You can tell me who entered inside your hospital room." Ako na naman ang iginigiit nito, eh nahihirapan pa akong huminga. Gusto ko siyang ikutan ng mga mata at maya-maya lang ay nilagyan na nila ako ng oxygen mask. Doon lang ako nakahinga nang maayos pero bumibigat na ang pakiramdam ko "She will be fine. She just needs to rest," I heard him say before darkness consumed me. NAGISING ako sa ingay ng paligid ko at parang may nag-uusap malapit sa akin. Sa una ay hindi ko pa marinig nang maayos ang pinag-uusapan nila. "I want to talk to her husband." Boses iyon ni Jinsen. Sino kaya ang tinutukoy niya? At sino rin ang kausap niya? "Talk to yourself, then," masungit na sagot sa kanya ng babae. Babae... Parang boses ni... "Seriously? Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Senator Ferrara." "Me too, Dr. Jinsen. Okay, fine. Bibigyan kita ng clue kung sino ang asawa niya. Start with J." "What the hell ever." "G." "Shut up." "M." "Stop right there at puwede bang umalis ka na rito? Hindi mo naman kamag-anak ang pasyente ko," supladong sabi pa ni Jinsen. "You're just a doctor, too. Lumabas ka na rin sa hospital room ng kaibigan ko at hindi ka naman niya asawa." Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niyang friend at binigyang diin pa ang salitang asawa. Tsk. Sinubukan kong bumangon pero... "Damn," naiiyak na sabi ko dahil hinang-hina pa ang katawan ko. Gusto ko na talagang sabunutan'tong babaeng ito! Ano'ng ginawa niya sa akin? "You're awake." Nang makitang gising na ako ay nagmamadali pa siyang lumapit sa akin. Si Jinsen. Sinalat niya ang leeg at noo ko, "Mataas pa rin ang lagnat mo. Kamusta ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa 'yo?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko lang si Senator Ferrara na ngayon ay malapad na ang pagkakangisi niya. Sinamaan ko siya nang tingin. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya sa akin! Napabuntong-hininga na lamang ako at sinalubong ko ang mga mata ni Jinsen. Hindi blangko ang expression no'n. Nababasa ko ang pag-aalala roon. Ha! Nararamdaman mo 'yan sa akin kahit hindi mo ako naaalala! Nag-aalala ka sa akin kahit ang alam ko ay stranger pa rin ako sa 'yo! Kung sana ang puso mo na lang ang makaalala sa akin! "And what are you doing here?" masungit na tanong ko sa kanya. Tumaas pa ang isang kilay niya sa akin. Hindi siguro inaasahan ang kasungitan ko ngayon. Kitang-kita ko pa ang paghagod nang tingin niya sa mukha ko. Ako naman ang napataas ng kilay. Para kasing may hinahanap siya na ano. "Kamukha mo ang anak ko," natutulalang sabi niya kaya mabilis na nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mas kamukha niya kaya si Jinsel. Pero oo, may mga nakuha rin sa akin ang namin. Muli kong tinignan si Jinsen at naging blangko na ang mga mata niya. Gusto ko siyang irapan. Ang bilis magpalit ng emosyon! May sasabihin pa sana siya nang tumunog naman bigla ang phone niya. Sinundan ko pa nang tingin ang kamay niya na mabilis na dinukot ang phone niya sa bulsa ng pants niya. Tumikhim pa siya bago siya tumalikod at sinagot ang tawag. Mariin na naipikit ko ang mga mata ko nang marinig ang pangalan na binigkas niya. Wala nang bago sa nararamdaman kong ito. Tangina gusto ko na namang umiyak. Pero dahil masama pa rin ang pakiramdam ko ay hindi ko na rin masyadong inintindi pa. Lumabas din kalaunan si Jinsen at doon lang lumapit sa akin si Senator Ferrara. Dahil sa galit na ginawa ko sa kanya ay agad-agad kong tinanggal ang dextrose sa pala-pulsuhan ko. Kahit na masama pa rin ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon. "Hey, huwag mong tanggalin ang dextrose mo!" suway niya sa akin but ignored her. Mabilis na umiwas siya sa akin nang akmang susugurin ko siya. "Isang sampal lang, puwede ba?!" sigaw ko. Kating-kati ang kamay kong panampal sa kanya, eh. "Just a one slap and I will fvcking stop!" Umikot siya sa kabilang side at patawa-tawa lang siya nang hinahabol ko siya. I greeted my teeth dahil tuwang-tuwa siyang habulin ko siya kasi mahina pa rin ako ngayon! Hindi ko siya kayang abutin. Hindi naman talaga ako galit! Pero naiirita ako, eh. Kaya kailangan kong gumanti sa kanya! Hindi ko siya magawang habulin kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang gamit sa loob at walang pag-alinlangan na ibinato iyon sa kanya. Lucky her ay nakaiwas siya kaya lumakas pa rin ang tawa niya! "Tell me what do you want ba?!" galit na sigaw ko sa kanyang. Matunog na ngumisi pa siya. "I already told you na kaya! Take my offer, dear," sabi pa nito. May bagay na nahagip ng kamay ko At katulad ng ginawa ko kanina pa ay ibinato ko pa rin iyon sa direction niya. Pero dahil nakaiwas na naman siya ay dumiretso iyon sa taong kapapasok pa lang sa loob. "The hell!" malutong na mura nito. Gumulong ang prutas sa sahig at hindi ko alam na iyon pala ang nadampot ng kamay ko. Iirapan ko na sana si Jinsen nang bigla siyang napaluhod at malakas na dumaing habang hawak-hawak na niya ang ulo niya. Patay! Natamaan ko ba siya sa ulo niya?! Particular na sa sugat niya? Nanlaki ang mga mata ko at akmang lalapitan na sana siya pero agad akong napahinto nang hindi na naman ako makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may bumabara sa lalamunan ko at ang hirap huminga. "Mrs. Montallana!" sigaw ng senador na ito at alam kong sinadya niya akong tawagin sa surname na iyon! "Shet. Here you are again." Boses na iyon ng asawa ko at ang bilis niyang makalapit sa akin. Binuhat ako ni Jinsen at maingat na ibinaba sa kama. "Ang tigas ng ulo mo," malamig na sabi nito sa akin at napatingin ako sa dugong tumulo sa ulo niya. "M-May..." nahihirapang sabi ko. "Dugo," I added. Umaagos ang dugo sa gilid ng ulo niya at parang wala lang sa kanya na pinunasan iyon. Nanginig ang kamay ko na itinuro iyon. Nawala ang pag-aalala ko sa sarili ko at naalala ko na naman ang nangyari sa kanya. "I'm fine," simpleng sabi lang niya at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit na hinawakan niya iyon. "You're confusing me," sabi nito na halos hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "W-What?" "When I woke up from a dark place, you were the first one who came to my front. You were the first one I saw... Who are you? Who are you, really in my life? Why am I just like this when I worry about you? Who are you and why do I find it harder to see your situation? Who are you for me to spend more time with you? When in fact, I don't even know you? You're just a stranger." Natameme ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit umasa ang puso ko. Umasa na tila malapit na niya akong maalala. "Gusto pa kitang makilala but I can't. I don't want to cheat on my girlfriend. I don't don't want to hurt her just because of you. But... One thing I am sure ay alam mo nga ang nangyari sa akin. Dahil noong nagising ako sa hospital ay nandoon ka... You even cried in front of me. You called me... Honey..." Hindi ako nakasagot doon. Ngayon mo nga lang din naalala ang araw na iyon. Umalis lang ako ay hindi mo na ako hinanap. Hindi ka na rin nagtaka pa at nagtanong kung sino ako at bakit ako umiiyak nang dahil din sa 'yo. "But I want to know you, more... Before I marry my girlfriend." He planned to marry his... girlfriend. Ha! "Go away! I'm not interested in you!" sigaw ko sa kanya at parang bumalik ang lakas ko. Nagawa ko siyang itulak sa dibdib niya. Hindi naman niya ako inawat pa at kusa na siyang umalis. Shet! Gusto ko siyang suntukin! And that day, we escape from the hospital. I'm with Senator Ferrara... Nagtago na naman ako sa malayo para lamang masundan ko sila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD