Changes
Nilunok ko ang huling subo ng saba na baon ko sa biyahe. Bumungad na ang paunang barangay sa pupuntahan ko. Walang arko na naghihintay, na nagsasabing malugod na tinatangap ang lahat ng papasok dito. Bakit nga naman sila tatanggap ng mga strangers eh ang kadalasang dala nila ay kamalasan?
Binuksan ko ang bintana ng kotse. Humigpit ang hawak sa manibela. Siguro naman sa sobrang layo nito sa syudad ay hindi nila ako kilala o hindi uso rito ang makabagong mga teknolohiya? Pero sa itsura ng mga bahay ay mukhang hindi sila basta-basta.
Bumungad sa akin ang malaking University kung saan ako nag-aral noon.
Cavite State University Don Severino De las Alas Campus
Isa 'tong unibersidad sa Cavite, malaki, malawak. Sa pababang daan ay bubungad ang malawak na lupang sakop nito. Nakatindig ang pamosong Laya at Diwa na simbolo ng unibersidad. Malapit na dito ang bahay ng kaibigan ko, hindi malapit sa bayan, pero ang sabi niya ay nandoon na lahat, hindi ko na kailangang mamili ng karne dahil marami silang alaga sa kanilang farm. Konting pasikot-sikot pa sa mataong lugar ay binaybay kong muli ang mapunong daan. Hindi gaanong matao ang mga kalsada, hindi gaya sa Maynila na parang sa araw-araw ay mag pagtitipon.
Tumunog ang cellphone ko, rumehistro ang pangalan ni Kaye, ang kaibigan kong nakatira dito.
"Nasaan ka na?" may kalabuan ang linya dahil siguro sa malakas na hangin kung nasaan man siya.
"Malapit na," maikli kong sagot. "Ikaw ba 'yung nakasuot ng puting T-shirt at tokong?" kahit hindi niya ako nakikita ay nakataas ang kilay ko habang nagtatanong.
"Oo. Alam mo ba ipinagawa pa kita ng banner. Baka kasi lumampas ka." Naririnig ko ang hagikhik niya, kitang kita ang malaking puti kung saan naka print ang buong pangalan ko. Carriza Escoval.
Nakangisi siya habang inihihinto ko ang sasakyan. Bumaba ako at agad niya akong sinalubong ng yakap. Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Pero sa kanya akong unang nagtanong nang lugar na malilipatan, at ito ang nirecomenda niya. Nagtanong siya kung bakit, pero wala akong sinabi. Sa kanyang likuran ay may isang lalaki, mukhang katiwala nila.
"Kuya Sancho, pakikuha na po ng sasakyan ni Carriza." Walang sabi niyang kinuha ang susi sa kamay ko. "Siya na ang bahala sa sasakyan mo. Mukhang napakalayo ng byahe mo eh. Tara."
Hingit ni Kaye ang kamay ko, sabay kaming naglakad papasok ng arko kung saan nakasulat ang kanilang farm.
CONDEZ FLOWER, PLANTS, AND LIVESTOCK FARM since 1864
Noong college ako, kahit saan ako mapadpad dito sa Cavite ay kilala ang pamilya nila na supplier ng mga karne, hindi mawawala ang pangalan na CONDEZ sa mga malalaking pamilihan. Ang buong pamilya niya ay kung hindi agriculturalist ay veterinarian.
"Kaya naman pala kilala ang pamilya ninyo. Since 1864. Anong taon na ba? 2020 na, " pauna kong bati. Natawa naman siya.
"Sorry ha?" she rolled her eyes. "Ano pala ang dahilan bakit ka napadpad dito?" curious niyang tanong.
Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba.
"Gusto ko muna ng ipinagmamalaki ninyong vegetable and fruit wine dito. Kailangan ko ng lakas ng loob."
I pressed my lips. Nakakatakot pala magkwento ng mga bagay na bumabagabag sayo.
Dinala niya ako sa maliit na bahay, hindi siya mukhang bahay. Maliit lang ito at may mga katabing bahayan din na mukhang bakasyunan.
"Dito natutulog ang mga kumukuha ng supply kapag inaabot na sila ng gabi." Binuksan niya ang pinto at ilaw. Bumungad ang maliit na sala, maliit na kusina sa kaliwa at maliit na pinto sa kanan na sa tingin ko ay banyo. May maliit itong ikalawang palapag na sa tingin ko ay para sa higaan at maliit na cabinet lang. Gawa ito sa makapal na kahoy.
"Ayun ang banyo." Agad akong tumango. "Alam mo ba, nung sinabi ko kay Papa na aangkinin ko ang isang rest house, sabi niya may kapalit." Ngumuso siya. Inilapag ko ang bitbit kong bag at inunat ang paa ko.
"Ano raw 'yon?"
"Hindi na raw akong pwedeng umalis dito." Huminga siya ng malalim. Nakaka guilty dahil ako ang mukhang dahilan non. Pero ngumiti siya at iwinagayway ang kamay. "Baka isipin mong kasalanan mo. Hindi 'yon. May listahan kasi si Papa ng mga requests ko at kapag umabot 'yon ng 10 million, I'll stay here. Kahit hanggang pagpanaw daw nila. Lagi na lang daw kasi akong wala. You know I love painting and photography right? Mas gusto kong nagigising sa iba't-ibang lugar."
Tumango ako. Naalala ko noon, she made a painting of me while I'm sitting at the horse back. Pinabayaran niya sa akin siyempre, but it was magnificent. Sayang lang at naiwanan ko sa Manila.
Dinampot niya ang cellphone at maya maya ay may kausap na siya.
"Magdala ka nga ng limang bote ng wine dito. At maraming chicharon. Mukhang mahaba-habang gabi 'to."
"You changed your name from Carriza Escoval to Corrine Escoval? Where did you get this name?" her tongue is inside her mouth, doubting me.
Hawak-hawak niya ang papel na pirmado ng abogado ko, patunay na legal ang pagpapalit ko ng pangalan.
"Look, I don't understand. Eh ano kung na involved ka don? Why you're letting it affecting your life?" she shouted.
Nandito kami sa binigay niyang extra house, a wine is in our hands. Mukhang tinamaan na siya dahil marami-rami na rin siyang nainom. Ikinuyom ko ang dalawang kamao ko, unable to look at her face. I run my fingers through my hair.
"Wait." Hinigit niya ang braso ko, laceration marks are too evident. Akala ko pagkalipas ng ilang buwan ay mawawala na rin. "What the f**k?" she's fuming mad. Umiling-iling siya pagkatapos.
"Did you get a therapist?" tumango ako. After the incident happened on me I was devastated. I lost my everything. My house, my career, gusto ko lang naman matupad ang pangarap ko pero wala pa ako sa kalahati may bumato na agad sa akin, tinamaan ang dalawang pakpak ko, at hindi ko alam kung paano mabubuo ulit 'yon.
Tumahimik si Kaye. She knows me a lot. Alam niyang walang mangyayari kung ganito lang kami.
"Anong plano mo?"
"Gusto kong mag business."
Tumaas ang kilay niya. "Saan ka kukuha ng capital?"
"'Yung pinagbentahan ng bahay ko. It worth million. Mas may worth pa kesa sa akin, " biro ko.
Tumango tango siya, she placed her hands on her waist. "Ipapakilala kita sa kanila bukas. Ngayon, matulog ka muna. Bukas ka na rin mag-ayos."
Nilagok niya ang huling butil ng wine at saka nagpaalam.
Iniayos ko ang malapad na foam sa higaan ko na mukhang 2nd floor. Sa tingin ko ay kasya ang isang pamilya dito. Siguro ay gagawan ko na lang ng sariling tokador ang sarili ko. Triangular ang itsura, medyo mataas ang bubong. Inilabas ko rin ang malapad na kumot na isa sa pinakaunang gamit na binili ko sa sweldo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko ulit sila ma appreciate pagkatapos ng nangyari.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan, siguro ay may 40 square meters ang laki nito, iba pa ang labas dahil doon ang labahan, ang banyo sa baba na kahit papaano ay naka tiles. Wala pa itong kalahati ng mansion ko, na kalaunan ay kailangan ko nang kalimutan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang dating itim kong buhok, naging kulay dugo, kulot na rin.
I feel like I'm a total stranger after all. Kung noon ay proud na proud akong iparada ang sarili ko, cause I'm Carriza Escoval, an award winning director, youngest entrepreneur, my name is all over in newspaper and TV News. And a tragic always come after a man.
He destroyed me.