For the First Time

For the First Time

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Nilingon muli ni Carriza ang nabiling bahay bago siya humugot ng malalim na hininga. Bumalik lahat ng paghihirap niya noon para lang mabili ito— ang hindi pagkain ng meryenda, ang pagtitipid sa ulam, ang hindi pagsama sa outings at kung saan-saan na malaki ang gastos para lang makapag-ipon. Masama ang kanyang loob dahil sa sobrang daming nangyari at sa isang iglap lang ay mawawala ang lahat ng 'yon.

chap-preview
Free preview
Simula
Nilunok ko ang huling subo ng saba na baon ko sa biyahe. Bumungad na ang paunang barangay sa pupuntahan ko. Walang arko na naghihintay, na nagsasabing malugod na tinatangap ang lahat ng papasok dito. Bakit nga naman sila tatanggap ng mga strangers eh ang kadalasang dala nila ay kamalasan? Binuksan ko ang bintana ng kotse. Humigpit ang hawak sa manibela. Siguro naman sa sobrang layo nito sa syudad ay hindi nila ako kilala o hindi uso rito ang makabagong mga teknolohiya? Pero sa itsura ng mga bahay ay mukhang hindi sila basta-basta. Bumungad sa akin ang malaking University kung saan ako nag-aral noon. Cavite State University Don Severino De las Alas Campus Isa 'tong unibersidad sa Cavite, malaki, malawak. Sa pababang daan ay bubungad ang malawak na lupang sakop nito. Nakatindig ang pamosong Laya at Diwa na simbolo ng unibersidad. Malapit na dito ang bahay ng kaibigan ko, hindi malapit sa bayan, pero ang sabi niya ay nandoon na lahat, hindi ko na kailangang mamili ng karne dahil marami silang alaga sa kanilang farm. Konting pasikot-sikot pa sa mataong lugar ay binaybay kong muli ang mapunong daan. Hindi gaanong matao ang mga kalsada, hindi gaya sa Maynila na parang sa araw-araw ay mag pagtitipon. Tumunog ang cellphone ko, rumehistro ang pangalan ni Kaye, ang kaibigan kong nakatira dito. "Nasaan ka na?" may kalabuan ang linya dahil siguro sa malakas na hangin kung nasaan man siya. "Malapit na," maikli kong sagot. "Ikaw ba 'yung nakasuot ng puting T-shirt at tokong?" kahit hindi niya ako nakikita ay nakataas ang kilay ko habang nagtatanong. "Oo. Alam mo ba ipinagawa pa kita ng banner. Baka kasi lumampas ka." Naririnig ko ang hagikhik niya, kitang kita ang malaking puti kung saan naka print ang buong pangalan ko. Carriza Escoval. Nakangisi siya habang inihihinto ko ang sasakyan. Bumaba ako at agad niya akong sinalubong ng yakap. Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Pero sa kanya akong unang nagtanong nang lugar na malilipatan, at ito ang nirecomenda niya. Nagtanong siya kung bakit, pero wala akong sinabi. Sa kanyang likuran ay may isang lalaki, mukhang katiwala nila. "Kuya Sancho, pakikuha na po ng sasakyan ni Carriza." Walang sabi niyang kinuha ang susi sa kamay ko. "Siya na ang bahala sa sasakyan mo. Mukhang napakalayo ng byahe mo eh. Tara." Hingit ni Kaye ang kamay ko, sabay kaming naglakad papasok ng arko kung saan nakasulat ang kanilang farm. CONDEZ FLOWER, PLANTS, AND LIVESTOCK FARM since 1864 Noong college ako, kahit saan ako mapadpad dito sa Cavite ay kilala ang pamilya nila na supplier ng mga karne, hindi mawawala ang pangalan na CONDEZ sa mga malalaking pamilihan. Ang buong pamilya niya ay kung hindi agriculturalist ay veterinarian. "Kaya naman pala kilala ang pamilya ninyo. Since 1864. Anong taon na ba? 2020 na, " pauna kong bati. Natawa naman siya. "Sorry ha?" she rolled her eyes. "Ano pala ang dahilan bakit ka napadpad dito?" curious niyang tanong. Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba. "Gusto ko muna ng ipinagmamalaki ninyong vegetable and fruit wine dito. Kailangan ko ng lakas ng loob." I pressed my lips. Nakakatakot pala magkwento ng mga bagay na bumabagabag sayo. Dinala niya ako sa maliit na bahay, hindi siya mukhang bahay. Maliit lang ito at may mga katabing bahayan din na mukhang bakasyunan. "Dito natutulog ang mga kumukuha ng supply kapag inaabot na sila ng gabi." Binuksan niya ang pinto at ilaw. Bumungad ang maliit na sala, maliit na kusina sa kaliwa at maliit na pinto sa kanan na sa tingin ko ay banyo. May maliit itong ikalawang palapag na sa tingin ko ay para sa higaan at maliit na cabinet lang. Gawa ito sa makapal na kahoy. "Ayun ang banyo." Agad akong tumango. "Alam mo ba, nung sinabi ko kay Papa na aangkinin ko ang isang rest house, sabi niya may kapalit." Ngumuso siya. Inilapag ko ang bitbit kong bag at inunat ang paa ko. "Ano raw 'yon?" "Hindi na raw akong pwedeng umalis dito." Huminga siya ng malalim. Nakaka guilty dahil ako ang mukhang dahilan non. Pero ngumiti siya at iwinagayway ang kamay. "Baka isipin mong kasalanan mo. Hindi 'yon. May listahan kasi si Papa ng mga requests ko at kapag umabot 'yon ng 10 million, I'll stay here. Kahit hanggang pagpanaw daw nila. Lagi na lang daw kasi akong wala. You know I love painting and photography right? Mas gusto kong nagigising sa iba't-ibang lugar." Tumango ako. Naalala ko noon, she made a painting of me while I'm sitting at the horse back. Pinabayaran niya sa akin siyempre, but it was magnificent. Sayang lang at naiwanan ko sa Manila. Dinampot niya ang cellphone at maya maya ay may kausap na siya. "Magdala ka nga ng limang bote ng wine dito. At maraming chicharon. Mukhang mahaba-habang gabi 'to."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
50.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
508.3K
bc

In The Arms Of My Ex's Elder Brother.

read
7.1K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
729.0K
bc

The Lone Alpha

read
120.6K
bc

Remarried Again: My Husband's Brother.

read
6.3K
bc

Bad Boy Biker

read
3.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook