Story By elsierocks
author-avatar

elsierocks

bc
For the First Time
Updated at Jan 9, 2021, 19:22
Nilingon muli ni Carriza ang nabiling bahay bago siya humugot ng malalim na hininga. Bumalik lahat ng paghihirap niya noon para lang mabili ito— ang hindi pagkain ng meryenda, ang pagtitipid sa ulam, ang hindi pagsama sa outings at kung saan-saan na malaki ang gastos para lang makapag-ipon. Masama ang kanyang loob dahil sa sobrang daming nangyari at sa isang iglap lang ay mawawala ang lahat ng 'yon.
like